64: Pagmamahal

2.5K 37 0
                                        

Nicole's Point of View (Cassandraline Whitefox)

"Si Andrei?" Naiiyak kong sabi kay Rafa habang tinitingnan ang paligid. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi na basang basa dahil sa luha.

Inalis ko ang mga kamay ni Rafa sa pisngi ko at hinanap sa paligid si Andrei. Nagbabaka sakaling nandiyan lang siya sa paligid. Pero wala, wala na si Andrei. Wala na siya sa akin. And it really hurts kasi tinurin ko na rin siyang parang sariling anak. Iniisip ko kung maaalagaan ba siya ng mabuti ng totoo niyang nanay, iniisip ko kung puwede ko pa ba siyang makita, iniisip ko kung may contact pa ba kami sa kaniya, iniisip ko kung mamimiss rin niya ba ako katulad ng pagkamiss ko sa kaniya, iniisip ko kung babalik pa kaya siya, iniisip ko kung mahal niya pa ba ako dahil sa ginawa kong kasinungalingan.

"He's gone, nasa Paris siya with his real mom." Sabi ni Rafa. Lumingon naman ako sa kaniya. Looking at him with my talking eyes. My eyes are asking him why. Hindi na ako nagsalita, tinitigan ko lang siya sa mata. Nilamon na kami ng katahimikan kaya nagsalita ako.

"Why did you let him go?"

"Ayaw ko siyang ipagdamot sa totoo niyang nanay." Sagot ni Rafa. Hindi pa rin tumitigil ang mga luha ko sa pag-uunahan sa sahig. Yumuko ako at hindi na siya tiningnan pang muli. I totally understand Rafa but it damn hurts.

"Let's go to the Agent Building." Narinig kong sabi ni Sir Warren. Nasa tabi ko na pala silang tatlo. Inangat ko ang tingin ko at tumango. Sinundan ko sila sa paglalakad, ganon rin si Rafa. Tahimik lang kami sa the whole time on our way sa Agent Building.

Siguro ito talaga ang itinakda sa akin. Ang maging malungkot. Haha, I don't know. Everytime I do something to make thing right, it just gets worst. Lahat na ng kamalasan, sa akin napunta. Why do I need to feel such pain? Why do I need to suffer?

Kung ikukumpara ko ang sarili ko, ikukumpara ko ang sarili ko sa isang abstract painting.

Abstract painting are beautiful and creative but they have deep meanings. Hindi mo siya maintindihan, basta ang alam mo maganda siya. Hindi mo kilala, hindi mo maintindihan, hindi mo maanalyze. Ano ba 'to? Kalokohan lang ba 'to? Hindi. Hindi ito isang kalokohan. Hindi mo ito matatawag na isang kalokohan kapag inintindi mo ito. Marami itong kahulugan, baka hindi mo lang makita o maintindihan. Pero kapag matagal mo itong piliting kilalanin at intindihin, malalaman mo rin.

Maraming nagsasabi na walang kwenta ang abstract paintings kasi parang binaboy-baboy mo lang ang painting mo. Di'ba nakakasakit? Di'ba sobrang sakit? Na akala ng iba okay ka lang, tingin nila sa'yo masaya lang, kailangan mong piliting ngumiti at magpanggap na masaya dahil ayaw mong makita nila ang kalungkutan na itinatago mo sa likod ng mga ngiti mo. Wala man lang makakita at makahalata ng kalungkutan at pighati mo sa mga mata at tawa mo. Hindi man lang nila tanungin kung okay ka lang.

Alam kong magulo, ganoon ang pagkatao ko, magulo talaga, magulong magulo. Okay lang ako pero sa kaloob-looban ko, hindi. Hindi ako okay.

Biglang may umalingasaw na amoy, hindi naman siya mabaho, hindi rin mabango, okay lang 'yung amoy pero ang tapang sa ilong. Unti-unti akong nakaramdam ng hilo ng may tumulak sa akin palabas sa kwartong iyon. Ano ba 'yun?

May biglang umipit ng ilong ko at nawala ako pagkahilo ko kaya umiling-iling ako at inalis ang kamay na umiipit sa ilong ko. Kumunot naman ang noo ko kung bakit 'yun kinailangang gawin nung babaeng nakalab gown at may face mask.

"I'm sorry." Sabi niya sa amin ni Kuki at Chikyu. "Ako nga pala si Ms. Quiroz. Ako ang head ng Agent Building." Sabi nung babaeng umipit sa ilong ko.

Ang Agent Building ay para sa mga secret agents at pulis ng Heavenly Academy. Dito ginaganap ang meetings nila at dito rin ginagawa ang mga gadgets nito at kung anu-ano pang ginagamit nila.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon