Naglalakad ang isang lasing na lalaki pauwi sa bahay nila habang kumakanta. Hindi Alintana dito na gabi na at wala ng taong naglalakad maliban sakanya.
"Beer ng buhay ko!!Mahal kong alak nasaan ka na...." kanta ng lalaki, hindi na nya napapansin na may sumusunod sakanya. Pero dahil sa liwanag ng bwan ay nakita nya na may aninong katabi ang anino nya. Napatigil sya at napalingon, nahulasan dahil nakita nyang walang tao sa likod nya kahit sa magkabilang gilid nya. Binilisan nya ang lakad at nang may marinig na kaluskos sa may basurahan na nalampasan nya ay napatigil sya, nilingon nya ito. Tinitigan kung may tao. Laking gulat nya nang sumulpot ang isang pusa.
"Hay! Pusa lang pala." nasabi nya habang hawak ang dibdib dahil sa sobrang kaba. Ipinagpatuloy nya ang paglalakad.
"Excuse me po." boses ng babae na galing sa likuran nya.
Nilingon nya ito, nagtataka man kung saan nanggaling ang babae ey nawala sa isip nya iyon dahil sa nakitang ganda ng babae.
"Ano po yun?" lumapit ang lalaki sa babae.
"Itatanong ko lang po sana kung saan papunta ng Library?May kailangan po kasi akong i-research eh." ang babae.
Tinignan ng lalaki ang relo - 11:30PM
"Naku sarado na yun nang ganitong oras, dapat ganitong oras nasa loob ka ng bahay, paano na lang kung may makasalubong ka na bampira, ang ganda mo pa naman. Tara ihatid na kita." tapang tapangan nitong sabi kahit kabado na simula nang makita ang oras.
The girl smirked, "Ikaw bakit nandito ka pa sa labas?"
"Pauwi na ako nagkasiyahan lang hindi na namalayan ang oras."
"Mukhang masaya nga ito." ngiti ng dalaga habang dahan dahang lumalapit dito.
"K-kaya nga." kinakabahang sabi ng lalaki habang umaatras ito. Nang mapansin nyang namumula na ang mata ng babae ey huli na ang lahat, tumakbo ang lalaki pero mas mabilis ang babae. Nasunggaban na sya nito.
She's one of them, she bite him in his neck and suck his blood until the guy becomes dry. "AAAAHHHHHHHH!!!!!!" tanging malakas na hiyaw ng lalaki ang maririnig sa nakakabinging katahimikan.
Kinabukasan...
"Kawawa naman, may nabiktima nanaman." ang sabi ng isa sa mga nakikiusyoso sa isang bangkay.
"May curfew na nga eh bakit kasi marami pa din pasaway." si Minzy, ang pinakabata sa grupo nang magkakaibigan.
"Wag na tayo makiusi pa bilisan na lang natin papasok ng school." si Bom, ang pinakamatanda sakanila.
Nagmamadaling naglakad ang magkakaibigan habang papasok ng school. Si Minzy ay nasa Junior High habang si Bom, CL at Dara ay nasa Senior High na. Matagal na silang magkakaibigan, bata pa lang sila ay magkakakilala na sila.
"See you later!" si CL kay Minzy dahil nauna ang classroom nito sakanila.
Pagkapasok nila CL, Bom at Dara sa classroom ay parang mga langgam na nagdispurse ang isang grupo ng babae paalis mula sa table kung saan nakapwesto si Dara. Paglapit nila ay nakita nilang may nakasulat na "BITCH!" sa table nito.
"Sino gumawa nito?!" galit na turo ni CL sa table ni Dara.
"CL wag na hayaan mo na lang." pigil ni Dara dito.
"Ano ba yan bait baitan!" comment ng isang kaklase nila, si Andrea.
"Ikaw ang nagsulat nito noh?"si CL na akmang susugurin si Andrea pero pinigilan ni Dara at Bom.
"Eh totoo naman na Bitch yang kaibigan nyo! Mang-aagaw!" sigaw ni Andrea.
"Hoy! Kasalanan ba ni Dara na gustuhin sya ng crush mo?Hello?! Ganda pa lang wala ka nang sinabi utak pa kaya?" si Bom.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...