Chapter 32

240 13 6
                                    

Hinihingal si Bom at CL na nakatigil at nakatingin lang sa dalawang lalaki na tila ba hindi napagod sa pakikipaglaban sakanila.

"What do you expect?!Normal na tao lang kayo, mas malakas kami sainyo!" mukhang nabasa nito ang nasa isip ng dalawa.

"Minzy!" si Dara, napatingin sila Bom at CL sa direksyon nila Dara at nakita nila na napahiga si Minzy sa sahig at nakita nilang dumudugo ang braso nito.

"Mukhang nahirapan si Trio sa babaeng yun at nakavampire mode na sya." puna ng isang lalaki.

Doon nila napansin na hindi pula ang mga mata ng dalawang lalaki at lalong walang pangil at mahahabang kuko. 'Ibig sabihin nakahuman form sila all this time na nakikipaglaban kami?!' si Bom na nabigla dahil iba ang lakas ng tatlo kumpara sa mga nakalaban na nilang bampira.

"Yaaaaaaaahhhhh!!!!" si Dara na sinugod ang bampira.

"Dara!" akmang tatakbo ang dalawang babae palapit kay Dara para tulungan ito pero naharangan agad ng dalawa pang bampira.

"Where do you think you're going?" ngising tanong ng isa.

"Hindi ko ineexpect na magaling ka din palang makipaglaban." si Trio kay Dara.

"Don't underestimate me!" si Dara na maya maya ay tinulungan din ni Minzy.

Sa hindi inaasahan nakita ni Dara na tatamaan si Minzy ng mga mahahabang kuko ng kalaban nila habang ito ay nakatalikod, tumakbo sya palapit kay Minzy at itinulak ito, nahagip ng kuko nito ang mga braso ni Dara.

"Dara!!!" si MInzy na nabigla din sa nangyari.

Nakita nila CL ang nagyari at ubod ng lakas na sinipa ni CL ang kalaban nito sa mukha dahilan na tumalsik ito palayo sakanila at agad na pumunta kay Dara habang si Bom ay tuloy sa pakikipaglaban sa isa pa.

"Iba talaga ang dugo ng princessa!Matamis!" si Trio na dinilaan ang mga kuko na may dugo ni Dara.

"Trio!" puna ng kalaban ni Bom nang makita nito ang ginawa ng kasama, nagkaroon ng pagkakataon na barilin sa braso ang kalaban, natamaan ito at napaatras habang hawak ang baraso, mabilis na pumunta si Bom sa mga kabigan.

Nakita nila kung paanong nahirapang huminga ang tinatawag nila na si Trio, nasa sahig na ito at hawak hawak ang leeg na panay ang ubo at pag labas ng dugo sa bibig at ilong nito. Napansin din nila na unti unting may usok na nang gagaling sa katawan nito, at bago pa makalapit ang mga kasama nito dito ay naging abo na ito.

"Anong nangyari?" takang tanong ni Minzy.

"Pinatay mo ang pinsan ko!!!" ang isang lalaki na kalaban ni CL na sumugod sakanila. Mas dumoble ang lakas nito. Pinuntirya muna nito si Minzy na may mga sugat na bago nito nilabanan si CL. Ang kanina na kalaban ni Bom ay sinugod din sila, this time ang direct target na nya ay si Dara. Sinalag ni Bom ang paa ng lalaki na tatama sana sa katawan ni Dara.

"Dara, tumakbo ka na palapit sa palasyo." si Bom. Tumakbo si Dara papunta kay Minzy para alalayan ito para makatakbo sila sa palasyo at makahingi ng tulong pero hindi sila makakilos.

"Wala kang ibang pupuntahan!" ang kalaban ni CL na papunta sa direksyon nila Dara pero mabilis na nakahabol si CL at hinawakan ito sa paa bago itapon palayo sa mga ito.

Mabilis na tumakbo sila Minzy at Dara pero naharangan nanaman sila ng kinalaban ni Bom. Sa isang sipa ng lalaki ay tumipalpon si Minzy palayo kay Dara.

"Minzy!" si Dara na tumakbo palapit kay Minzy na pilit bumabangon.

"Ako harapin mo!" si Bom na binaril ang lalaki pero nakaiwas. Tumingin lang ang lalaki kay Bom bago muling ibinaling ang tingin kila Dara, unti unti itong lumakad. Tumayo si Dara at hinarap ito habang si Minzy ay nasa likod ni Dara na nanghihina na.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon