Weeks had passed at magaling na ang sugat ni Dara. Kiko never bothered her anymore nor Andrea. Katatapos lang din ng exam week nila at ang lahat ay nakaabang sa bulletin board kung saan ipopost ang ranking ng mga students based on their exam scores and over all grades.
"Top 1 nanaman si Dara." Si Karen ng makita na ang ranking nila.
"Uh?Top 2 si Kiko, nataasan nya si CL." Si Arthur.
Nakatingin lang sila CL sa board at ng makita nila na pasok sila sa Top 20 ay umalis na sila at bumalik sa room kung saan nagkwekwentuhan si Dara at si GD.
"Ano nanaman ang pinagplaplanuhan nyo?" si Bom na umupo at humarap sa dalawa.
"Mag beach tayo sa weekend." Si Dara.
"This weekend? Diba may schedule ka sa weekend?" si CL kay Dara.
Napakunot noo si Dara at iniisip kung ano ang schedule na tinutukoy ni CL.
"Hindi nya tanda." Si Bom na ntatawa.
"Ano bang schedule ko this weekend?" tanong ni Dara.
"Minzy." Simpleng sagot ni CL.
"Ahhh!! Okay tanda ko na. Oo nga noh?Pano toh?" baling ni Dara kay GD.
"Bakit anong meron kay Minzy?" si Daesung.
"Wala naman." Simpleng sagot ni CL.
"Spy ba kayo or knights at parang may secret code kayo?" biro ni Taeyang.
"Hindi tayo tuloy this weekend?" nakalabing tanong ni GD.
Bumaling si Dara kila CL at Bom. Umiwas ng tingin si Bom na nagkamot sa batok.
"Kailangan ba talaga ni Dara pumunta sa schedule nya sa weekend? Hindi ba sya pwede ipa resched?" si Top.
"Kaya nga, at napapansin ko lang, bakit parang lagi sainyo nakabase ang decision at gusting gawin ni Dara?" takang tanong ni Seungri.
"Sige na nga, sa weekend, ako na lang ang gagawa ng paraan para di maresched tayo sa weekend." Si CL para hindi na sila tanungin pa.
"Nakausap mo na?" tanong ni Minzy kay CL paglabas nito sa kwarto ng ama nya.
"Oo, pumayag na hindi muna mag combat training si Dara,pero sabi nya doblehin daw ang training ni Dara dahil may nahuli nanaman silang bampira nung isang araw lang." si CL.
"Akala ko hindi na papaya si papa eh." Naglakad sila papunta sa library. Nakita nila na nagbabasa si Dara ng History ng pamilya nila.
"Binabasa mo nanaman yang book ng family mo." Si CL na umupo sa may bintana at si Minzy ay sumadal sa book shelf.
Napatingin si Dara at isinara ang libro, "Hindi ko lang kasi maintindihan, there's a truce between vampires and human then all of a sudden biglang nagkagulo at simula sa generation nila papa, kailangan na magtago." Malungkot na sabi nito.
Nilapitan ni Bom si Dara at niyakap. "Everything will be fine." Pag-aalo nito.
"Malay mo, mag karoon uli ng treaty between us and them, since ikaw ang tagapag mana ng trono. All you have to do is bring out the best in you as our future queen." Si CL.
"Hail Queen Dara!" si Minzy na itinaas ang dalawang kamay at yumuko at lumuhod.
"Tigilan mo nga yan." Natatawang itinayo ni Dara si Minzy.
Nakangiti ang lahat ng may marinig sila na putok ng mga baril, di kalayuan sa palace. Nagkatinginan sila at pumwesto to protect Dara, biglang nagpasukan ang mga knights kasama si Sir Roy, knight general at ama ni CL.
"Princess Dara, kelangan nyo po magtago." Bungad ni Sir Roy at sinenyasan sila CL na itago si Dara. May secret tunnel ang library papunta sa vault kung saan ang gamit na materials ay purong silver. Habang naglalakd sila sa tunnel ay nadidinig nila na may naglalaban sa itaas.
"Sila mama at papa?" napatigil si Dara at akmang babalik para tignan ang mga magulang pero napigilan ito nila CL.
"For sure, safe sila kaya kailangan natin bilisan papunta sa vault." Si Bom.
Nasa unahan si Minzy habang nagmamadali silang maglakad papunta sa vault nang biglang may nahulog sa tunnel causing dust to spread. Nagulat na lang ang lahat ng may biglang sumakal kay Minzy, at nang mawala na ang alikabok ay nakita nila na bampira ang nasa harap nila. Sinipa ni Minzy sa tagiliran ang bampira pero hindi ito natinag. Nahihirapan na syang huminga at nagdidilim na din ang paningin nang bigla sya mabitawan nito. Si Sir Roy, sinaksak ng espada ang bampira.
"Bilis!" sigaw nito.
Nang makarating sila ng vault may mabilis na isinara ni Bom ang pinto.
"Okay ka lang?" si Dara kay Minzy.
"Okay lang ako." Pagbibigay assurance nito sa kaibigan.
"Anong nangyayari?Bakit biglaan nanaman ang pagsalakay nila?Paano sila nakapasok?" naguguluhang tanong ni Dara.
"Malalaman natin yan pag labas natin sa ngayon ang dapat natin gawin ay maging handa." Si CL na nagiisip kung paano nga bang nakapasok ang mga bampira gayong napapalibutan sila ng silver.
Nagdasal si Dara para sa kaligtasan ng mga magulang nya maging ng ibang tao sa loob ng palasyo.
Dumaan ang magdamag at nakadinig sila ng kaluskos mula sa labas. Humanda sila sa pag atake kung sakaling bampira ang nadidinig nila. Maya maya ay bumukas ang vault at tumambad sakanila si Sir Roy na may dugo sa ulo, may mga sugat at halos masira ang armor nito.
"Pa!" si CL na sinalubong ang ama at niyakap, pinunasan nito ang dugong dumadaloy sa mukha nito mula sa ulo.
"Ang princessa?" tanong ni Sir Roy.
"Okay lang po ako, sila mama po?" tanong nya dito.
Hindi ito umimik at tumungo. Umiiling iling na tumakbo si Dara palabas ng vault. Nang makalabas sya ng library ay nakita nya ang mga katawan na nasa sahig, merong mga knights pero karamihan ay bampira.Tumakbo sya hanggang makita nya sa garden ang ama na nakayuko habang hawak hawak ang ina nya na nakapikit at duguan. Nanginig ang buong katawan nya at napaupo sya ng malamang umiiyak ang ama nya. Dumating sila CL na napatigil para alalayan si Dara at nang makita nila ang nakita ni Dara ay natulala din sila.
Pagapang na pumunta si Dara palapit sa mga magulang, "Ma.." tawag nya dito na garalgal ang boses. Napatingin sakanya ang ama at lumakas ang iyak nito, nang makalapit si Dara ay hinawakan nya ang leeg nito na may kagat ganun din ang dibdib nito na duguan, nakita nya na may mga butas ang dibdib nito gaya ng nakita nyang sugat kay Seungri.
"Ma, gising! Padating na si Thunder, diba pinagplaplanuhan natin ang surprise birthday nya?Ma!" niyuyugyug ni Dara ang ina. "Ma, diba sabi mo pag pwede ko na ipakita sa lahat na ako ang anak nyo ni papa, ikaw ang magtatanggal ng mask ko?Diba ikaw din ang magdedesign ng damit pag kinasal na ako. Ma, anniversary na ninyo ni papa sa isang araw. Ma wag ka naman magbiro oh." Tuloy sa pag-iyak si Dara. Hanggang sa lumiwanag na, pero imbes na sikat ng araw ang dumating ay bumuhos ang ulan na para bang nakikiramay sa pagkamatay ng mahal na reyna. Ang lahat ay hindi makakilos at nanonood lang habang naiyak din.
While the king is holding in one arm his beloved queen's body, his other arm reached her daughter to hug her, they were crying. Until the King decided to carry the queen and stand up.
"Ipasok natin si mama mo at nababasa sya." Ang hari sa princessa, tumango si Dara at sabay na naglakad papasok sa loob ng palasyo. Knights kneel down and bowed their heads when the king and the princess walks away. Hawak hawak ni Dara ang kamay ng mama nya habang umiiyak at buhat buhat ng ama nya. The doors closed and the palace people just stand outside and let the royal family grieve from losing their beloved queen, wife and mother.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...