Chapter 27

277 11 0
                                    

Nang makarating ng beach ay kanya kanyang bihis ang mga ito ng swim suit at board short, ang lahat ay nagtawanan ng makita nila na naka swimming trunks si Seungri.

"Anong ganap?" natatawang tanong ni Bom.

"Kadiri talaga to." si CL na hindi maipinta ang mukha sa pandidiri kay Seungri na iniisnis naman sya at tuloy sa pagdikit dito.

"Ate hindi ka pwede maligo." si Thunder. Tumango lang si Dara dito.

"Bakit?" takang tanong naman ni GD.

"Everytime na naliligo ako ng beach nagkakasakit ako."

"Ang weird naman." si Taeyang.

Tahimik lang si Top at mukhang napapaisip. "Anong iniisip mo?" tanong ni Bom.

"Wala naman, sexy ah!" puna ni Top kay Bom, umikot pa ito at nagpose ng sexy.

Kinuha ni GD ang folding chair para kay Dara. Umupo si Dara habang nanonood sa mga kaibigan at kapatid na masayang naliligo sa dagat.

"Balot na balot si Thunder ah." puna ni GD.

"Takot mangitim." biro ni Dara, pero alam nya na kaya balot si Thunder ay dahil bawal makita ang katawan nito. Inabot ni GD ang buko juice kay Dara. "Bakit di ka din maligo dun?"

"Ayokong iwan ka and hindi naman ako fan ng beach."

"Eh bakit dito tayo nagpunta?"

"Namimiss daw kasi nila maligo eh." tukoy nito sa mga kaibigan.

"Ang sarap nilang panoorin, lahat sila tumatawa, lahat sila parang mga bata na naglalaro." si Dara na nakangiting nakatingin sakanila. "Sana laging ganito, laging masaya."

"Sana lagi ka din masaya." si GD, nilingon ni Dara ang boyfriend at nahuli nya itong nakapangalumbaba habang nakatitig sakanya. "Namiss ko ang mga ngiti mo. Namiss kita sobra." si GD na hindi napigilan ang sarili at niyakap ng mahigpit ang dalaga, niyakap din naman ito ni Dara.

"Namiss din kita sobra." napansin ni Dara na parang umiiyak si GD. "Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Dara, akmang kakalas sya dito pero lalong hinigpitan ni GD ang pagkakayakap sakanya.

"I'm sorry." garalgal na sabi ni GD.

"For what?" takang tanong ni Dara.

"Basta sorry, if I could only turn back time and be with you during those days."

Kumalas si Dara at hinawakan ang kamay ni GD, pinahid nito ng isang kamay nya ang mga luha sa mukha ng nobyo. "If this is regarding to what happened to my mom, it's okay. You don't have to feel sorry. Vampires ang may kasalanan hindi ikaw." ngiti ni Dara dito. Mapait na napangiti si GD sa nobya at hinalikan ang kamay nito.

Lumapit si Minzy sakanila at naghanap ng pagkain, nagsunudan ang iba pa at kumain sila, picture dito picture doon.  Harutan dito harutan doon. Masaya ang araw nila, nagenjoy din si Thunder sa company ng barkada nya.

Nasa loob sila ng sasakyan at masayang nagkwekwentuhan ng makaramdam si Dara ng paninikip ng dibdib.

"Dara!" nag aalala si GD at inihinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan.

"O-okay lang ako." hawak hawak ni Dara ang dibdib nya dahil sa sakit na nararamdaman nya.

Bumaba si CL sa sasakyan at binuksan ang pinto sa side ni Dara, chineck nito ang balat ni Dara para matignan ng signs na nabasa ito ng tubig alat.

"Meron?" si Bom na nasa likod ni CL na umiiling.

"Ok-kay lang ako, nabinat lang siguro." si Dara na pinipilit huminga ng normal.

"Dalhin ka na kaya natin sa hospital." si Daesung.

"Ate oh," abot ni Thunder sa inhaler nya. Inilagay ni GD ang inhaler sa bibig ni Dara.

"Gumagaan na ba ang pakiramdam mo?" si GD. Tumango si Dara tanda na nagiging okay na ang pakiramdam nya.

"Nakakakaba naman." si Top.

Sumakay muli sila CL sa sasakyan at ipinagpatuloy ni GD ang pagdridrive.

"Saan ba ang bahay nyo para hindi nyo na kailangan mag lakad ihahatid nanamin kayo." si Taeyang.

"Hindi pwede, tsaka may nakaabang naman na sasakyan sa may shed." si Thunder na itunuro pa ang sasakyan.

"Okay ka na ba talaga?" si GD.

"Okay na ako, wag ka na magworry." ngiti ni Dara. She gave him a smack on his lips and whispered 'I love you' before going out of the car. hinintay muna nila GD na makasakay ang mga ito sa sasakyan bago sila umalis.

"Mayaman siguro pamilya nila Dara, kasi iba yung sinakyan nilang magkapatid kesa sa sinakyan ng tatlo eh." comment ni Daesung.

"Baka nga, kaya ayaw ipaalam san bahay nila." si Seungri.

"Humble at down to earth." si Taeyang.

"Pero nagtataka ako, bakit hindi pwede mabasa ng tubig alat si Dara?" si Top. Napatingin sakanya ang lahat.

"Ano naman kataka taka dun?Eh ako nga ayaw ko ng tubig alat." si GD.

"Pero iba eh, kita mo reaksyon nila CL kanina?Ayaw kong isipin na si Dara ang princessa ng lahi nila." si Top.

"Ano ba yan?!Bakit ganyan naiisip mo?" si Taeyang.

"Kasi diba?isinumpa ng lolo ni GD ang royal family at kasama sa sumpa ay bawal mabasa ng tubig alat ang panganay na anak ng hari. Hindi natin kilala family ni Dara, para din laging may itinatago sila Minzy pag nasasaktan si Dara." paliwanag ni Top.

"Nanood ka kagabi ng drama noh?" si Seungri.

"Oo bakit?" si Top.

"Ang galing ng imagination mo eh." sagot ni Seungri. Nabatukan ni Top si Seungri dahilan para matawa ang lahat.

"Impossible na si Dara ang princessesa, diba nga nagpunta ang hari at reyna nila sa school ilang beses na, mahahalata naman agad natin kung si Dara nga ang panganay na anak ng hari." explain ni GD.

"Baka nga sobra lang akong nag-iisip." si Top.

Nang makarating sila ng bahay nila ay naabutan nila ang mga magulang ni GD na nakaupo habang ang kapatid naman nya ay palakad lakad sa harapan ng m ga magulang.

"Anong nangyari may problema ba?" tanong ni GD sa mga ito.

"May traidor sa grupo." bungad ng ate nya sakanila.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Taeyang.

"Alam na ng hari kung anong plano natin pag sapit ng red moon, nasakanila na ang mga elders natin." ang mama ni GD.

"Ano?!" si GD. "Hindi pwedeng masira ang plano natin."

"Inaasikaso na ng Tita mo ang lahat, hindi tayo pwede magtiwala basta basta." ang papa nya.

Plano nilang bawiin ang trono sa hari nila para matigil na ang patayan at magkaroon ng pact between human and vampire race, marami na ang gustong mamuhay ng normal, marami na ang gustong mamuhay ng tahimik at plano nila na ipagbawal ang paginom ng dugo ng tao maging ang pag patay sa mga ito.

"Teka, ang pinapalabas natin sa lahat ay wala ng planong bawiin ni GD ang trono, ilan lang tayong nakakaalam ng plano." si Daesung.

Nagtinginan ang lahat. Alam nila na wala sakanila ang traidor, at doon sumagi sa isip nila ang pinsan nila na si Maynard, sya lang din ang asset nila sa kampo ng hari nila.

"Tatlong linggo na lang ay red moon na, kailangan natin makita si Maynard bago pa nito masabi lahat lahat ng alam nito." si Top.


A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon