"Hi Bom!" bati ni Top na ikinabigla naman ni Bom dahil ngayon lang nito ginawa na batiin sya ng ganun. Umupo pa ito sa harapan nya at nangalumbaba sa desk nya.
"Anong problema mo?" kunot noong tanong ni Bom.
"Kayo na ba?" akbay ni Seungri kay Top at Bom.
"Hindi noh!" defensive na sabi ni Bom.
"Maka hindi ka naman dyan." si CL na natatawa.
"Hindi naman talaga." irap ni Bom sa mga ito.
"Ano nanaman yan?" si Andrea na mukhang mag aatribida nanaman.
"Si Top at si Bom na!" sigaw ni Taeyang dahilan para magbulong bulungan lahat.
"Ano ba yan?Una si GD tapos ngayon si Top naman?" si Fani na inis dahil may gusto ito kay Top.
"Oy, wag kang tumanga lang dyan sabihin mo na hindi naman talaga tayo." si Bom kay Top.
"Ano mag dedeny ka din ba Top?" si Daesung na nanunukso ang tingin.
"Ano nga ang sabi mo kanina? Sakit la----" tinakpan ni Top ang bibig ni GD para hindi nito ituloy ang sasabihin.
"Sakit ang alin?" kunot noong tanong ni Bom kay Top.
"Wala." nakangiting sabi ni Top.
"Ano nga?!" si Bom.
"Hala, hindi daw sila pero parang magjowa lang ang peg ngayon." si CL na tawang tawa sakanila.
"Umamin na kasi" si Anthony.
"Walang aaminin kasi nga hindi naman kami." si Bom.
"Sinagot nya ako nung isang linggo lang." hindi napigilan na sabihin ni Top.
Lumaki ang mga mata ni Bom maging ng mga kaibigan nila.
"Sabi na nga ba eh!" si GD na napatalon pa.
"Anong kaguluhan to?" ang teacher nila na hindi nila napansin na dumating na pala. "Go back to your seats tapos na ang recess." ang teacher nila at nagstart na ang klase nila pero nagbabatuhan ng papel sila GD dahil sa nalaman nila bout kay Top at Bom.
Matapos ang klase ay naguuwian na ang mga students habang si Minzy ay kumatok sa pinto ng room nila CL.
"Pumasok ka na dito." si Bom.
Pumasok naman si Minzy at nilampasan nito si Daesung na hindi malaman kung bakit namumula.
"Daesung bakit nung dumating si Minzy namula ka?" si Seungri na malakas ang pagkakatanong dahilan para mabaling sakanya ang atensyon ng lahat. Nang makita nila Top na namumula ito ay ngumiti ang mga ito.
"May sakit ka?" tanong Minzy.
"Hoy tinatanong ka kung may sakit ka daw?" si Seungri ulit na natatawa, kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa nakabulagta si Seungri dahil sa mga tingin ni Daesung.
"Pabayaan mo muna." si Taeyang na inilayo si Seungri kay Daesung.
"Tara labas tayo?My treat since legal na kami ni Bom." akbay ni Top kay Bom.
"Madami ka pera?" birong tanong ni Bom.
"Madami tayo nyan." nagbibiruan na ang bagong couple.
"Okay sana kaso wala si Dara eh, hindi pa din nya alam ang balita." si GD.
"Speaking, tumatawag si Dara." si CL na ipinakita sa mga ito na si Dara ang tumatawag, inagaw ni GD ang phone ni CL at sya ang sumagot.
"Miss na kita!!!" bungad ni GD kay Dara, nadinig nya na tumawa ito sa kabilang linya. "Magaling ka na ba?"
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...