"Top!" si CL na nagulat dahil sumulpot si Top at sya ang sumipa sa lalaki.
"Narinig namin ang sigaw nyo kaya mabilis na pumunta kami dito." si Taeyang.
"Dara!" lumapit si GD kay Dara, tuluyan ng umiyak si Dara pagkakita kay GD, mahigpit naman syang niyakap ng nobyo. Habang si Top at Seungri ay tinulungan si Bom na makatayo.
"si Minzy?"
Tanong ni Daesung na inikot ang paningin para hanapin ang dalaga. Lalong lumakas ang iyak ni Dara habang si CL ay napaluha at si Bom ay umiyak sa dibdib ni Top. Nakita ni Seungri na nakahiga sa isang gilid si Minzy, duguan at walang malay. Napasuntok si Seungri sa sahig ng marealize nya na ang nakita nyang pangitain ay si Minzy. Nilapitan ni Daesung si Minzy, hinubad nito ang suot na jacket at ikinumot sa katawan ni Minzy. Tinignan ni Daesung ang lalaking sinipa ni Top.
"Isa lang ang ibig sabihin kung bakit nakapasok kayo sa ginawa kong barrier." nakangising sabi nito. "Akalain mo yun, hindi nyo na ako pinahirapan pa. Pasensya ka na, mukhang special sayo yang babae na yan, hindi kasi napigilan ni Trone ang sarili nya kanina. Hahahahaha" at dahil sa pagtawa nya ay natrigger si Daesung na sunggaban ito. Tumulong naman si Seungri dito.
"Kailangan natin sila mailabas dito." si GD na akay si Dara, at si Top naman ay akay si Bom na puno ng sugat. Nakalabas na sila Bom at Top sa barrier kasunod si CL habang sila Dara at GD aypapalabas pa lamang ng mahila ng lalaki si Dara para hindi makalabas, mabilis naman na nailayo ni Taeyang si Dara sa lalaki.
"Hindi ka makakaalis sa barrier na to hanggat buhay pa ako." ang lalaki na hinihingal at nakita ni Dara na sugatan na din ito dahil sa pakikipaglaban kila Daesung.
"Dara!!" tawag nila CL ng makita nila na wala si Dara at GD. Kita nila na parang isang normal na daanan lang ang kaninay kinakatayuan nila.
"CL." si Bom na hindi malaman ang gagawin.
"Wag kayong mag-alala, as long as kasama nya si GD walang masamang mangyayari kay Dara, sa ngayon kailangan namin kayo madala sa isang safe na lugar." si Top.
"Hindi kami aalis hanggat di namin kasama si Dara." si Bom na tnry maglakad kung saan sila kanina galing pero walang nangyari.
"Hindi ka na makakabalik sa loob once na nakalabas ka." si Top.
"Anong ibig mong sabihin?" si CL.
"Nasa loob ng spell barrier si Dara, kaya hindi din kayo makalabas kanina ay dahil sa spell."
"So paanong nakalabas kami ngayon?" si Bom.
"Hintayin na lang natin si GD." si Top na umiwas ng tingin kay Bom.
May mga dumating na knight at tinanong sila kung nasan si Dara, nang sinabi ni CL na nasa panganib si Dara ay mabilis na bumalik papuntang palasyo ang isang knight para ireport ang nangyari habang ang iba naman ay tinulungan si Bom at CL na makarating sa palasyo at ang iba ay pumunta sa iba't ibang direksyon para hanapin ang nawawalang princessa.
"I'll explain to you everything after natin marescue si Dara." si Bom nang makita nya ang nagtatakang mukha ni Top. Bumalik sila Bom at CL sa palasyo kasama ang ibang knights para na din magamot sila ni CL.
Sa loob ng barrier..
Bumalik si Top sa loob at nakita nyang nakadapang walang malay si Seungri habang si Daesung ay hawak hawak ang mukhang nabaling braso. Si GD ay prinoprotektahan si Dara habang si Taeyang ay nakahinto at pinapakiramdaman ang gagawing kilos ng kalaban.
"Yaaaaahhh!!!" sugod ni Daesung sa lalaki. Natamaan ni Daesung ang lalaki sa may paa at doon kumilos si Taeyang at Top para sunod sunod na atakihin ang lalaki, dahil sa pagkabigla ay hindi ito nakaiwas sa mga atake ng tatlong lalaki. Huminto sila at lumayo dito.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...