Naalimpungatan si Dara ng maramdaman nyang may humalik sa noo nya, pag mulat ng kanyang mga mata ay nakita nya si GD na nakangiting nakatingin sakanya.
"GD.." bumangon sya at umupo.."Okay ka lang ba?" nag aalalang tanongni Dara.
"Okay lang ako." hinaplos ni GD ang pisngi nito, "Hindi ba sya masakit?" tanong ni GD na nakitaan ni Dara ng galit sa mga mata. Hinawakan nya ang kamay nito at dinama iyon. "Okay lang ako as long as okay kayo..okay ka.." ngumiti si Dara, unti unting inilapit ni GD ang mukha nya dito.. Mapungay ang mga mata nilang dalawa, tinignan ni GD ang mga labi ni Dara..
"Ehem!" mabilis na naghiwalay ang dalaw at napatingin na nandun ang mga kaibigan nila.
"Andyan pala kayo?" nakangibit na tanong ni Dara.
"Hindi naman kami umalis, nakatulog ka lang dyan sa sofa." si Minzy na natatawa.
"Wala ng nakita ang dalawa basta nagkadikit na eh" comment ni Taeyang na napapakamot sa noo.
"Kanina lang tapang tapang nyan kay Kiko ngayon naman!" natatawang comment ni CL.
Nagkatawanan ang lahat ng maalala ang nangyari kanina,
"Pero grabe kaya, natatakot ako kanina kasi baka mamaya makawala sya sakin." si Dara.
"Ang tapang mo nga eh!" si GD na proud na proud sakanya.
"Ano ba ang nangyari kanina?" si Minzy na walang matandaan sa kung ano nangyari.
Ikinwento nila kay Minzy ang lahat ng nangyari at maya maya ay lumabas si Top. Ang lahat ay napatayo at nagtanong kay Top, nang madinig naman ni Sir Reynold and ingay ay lumabas din ito para makibalita sa kung ano nangyari sa anak.
"Ano nangyari sayo?" si Seungri na hindi malaman kung matatawa o hindi.
Puno ng kalmot si Top sa mukha at braso, "Okay na sya, natutulog na." pasalampak na umupo ito sa upuan. Agad na lumapit si Sir Reynold dito.
"Ano na nangyari kay Bom?" makikita sa mukha nito ang pag aalala at pagod.
"Okay na po sya, nakatulong yung blood bag ni Daesung." tinignan ni Top si Daesung na walang magawa kundi magngitngit dahil paubos na ang blood bag nya sa ref.
"Hindi sya mag cracrave sa dugo ng..." hindi masabi ni Reynold ang salitang tao nang magsink in sakanya na isa ng bampira ang anak.
"Sorry po." si Top na hinawakan sa balikat si Reynold.
"Sir Reynold, ako po ang nag sabi kay Top na irevive namin si Bom." si Dara.
"Naiintindihan ko po princess. Salamat Top. Si Bom na lang ang buhay ko, sya na lang natitira sakin." mangiyak ngiyak na sabi ni Reynold kay Top.
"Papa" napalingon ang lahat ng makita si Bom na nasa may pintuan. Agad na tinakbo ni Reynold ang distansya nilang mag ama at ubod higpit na niyakap nya ito. "Papa!" iyak ng iyak si Bom dito na nakayakap din.
"It's okay anak" hinagod ni Reynold ang buhok ni Bom. Tinignan ni Reynold ang mukha ng anak, ganun pa rin iyon walang pagbabago.
Halos maiyak ang lahat nang.. "Pa gusto ko ng mais" si Bom
Napatawa ang lahat dahil pagkain pa rin talaga ang gusto ni Bom. lumapit si Minzy, CL at Dara dito.
"Minzy!" gulat na gulat si Bom at niyakap ang kaibigan.
"Bom! Mabuti naman at okay ka na.. Sorry" si Minzy.
Yumakap din si CL at Dara sa dalawa. Makikita sakanila na sobrang saya nila nang magkasama sama ulit sila maging ang mga tao sa paligid nila.
'Sana lagi na lang ganito' sa isip isip ni Dara.
"Kailangan na natin magpahinga." ang sabi ng papa ni GD.
Nag paalam ang lahat at pumunta sa kwarto kung saan sila mga nagpapahinga.
Nagdecide si Dara, CL, Minzy at Bom na matulog nang magkakasama.
Sa loob ng kwarto..
"Anong pakiramdam na?" si Cl patungkol sa pagiging bampira ng dalawa.
Nagkatinginan si Minzy at si Bom.
"Parang ganun pa rin naman parangmas naging strong yung pandinig, pakiramdam and yung pag amoy." Si Minzy.
"Pero yung cravings ko ganun pa din eh." si Bom
"Lagi ka pa rin gutom?!"si Cl.
"Ay grabe ka sa laging gutom ha" si Bom
Nagkatawanan ang lahat, "Pero kidding aside Dara, sobrang bango mo nga." Si Bom."
"Huh?" takang tanong ni Dara na inamoy naman ang sarili. "Wala naman akong amoy and hindi naman ako nagpabango." kunot noong sabi ni Dara.
"Ang ibig sabihin ni Bom yung dugo mo." paglilinaw ni Minzy.
"Oo, sobrang bango nga." si Bom na sumisinghot sinnghot pa habang nakapikit.
"Feel na feel lang?" natatawa si Cl habang nakatingin kay Bom.
Pagmulat ng mata ni Bom ay kulay pula na ito at unti unti lumalabas ang pangil, Mabilis na kumilos si CL at Minzy para ilayo si Dara dito.
"Bom?" si Dara na nag aalala habang nakahawak sa balikat ni Cl na hinaharangan sya.
Hindi sumagot si Bom pero nanatili itong nakatingin kay Dara at sa paningin ni Minzy at Cl, anytime ay susugod ang kaibigan nila para makalapit kay Dara.
"Ako na ang bahala dito, lumabas na kayo ni Dara." si Minzy kay CL.
Tinignan ni Cl si Minzy na kulay pula na din ang mga mata. Tinignan ni Minzy si Cl at tumango naman ito. Papunta na sila sa pintuan nang mabilis na naharangan ni Bom ang pintuan.
Mabilis na humarang si Minzy sa pagitan nila Bom at CL at Dara.
"Bom, ano ba yang iniisip mo?!" si Minzy.
"Bakit nag kakaganyan si Bom?Akala ko ba okay na ang lahat?" si CL.
"Hindi ko din alam pero kailangan natin mailayo si Dara kay Bom." sagot ni MInzy dito.
Nagulat ang lahat at napalingon nang may marinig na nabasag, Si Top at GD ang bumasag ng bintana para makapasok ang mga ito.
"Ako na ang bahala dito." si Top na nilapitan si Bom.si GD
"Ano ang nangyayari kay Bom?" tanong ni Dara kay GD.
"Dahil sa papalapit na red moon kaya sya nagkakaganyan." si GD.
"Anong ibig mong sabihin?Pero okay naman sya kanina ah." si CL
"Naging bampira si Bom sa panahon na malapit na ang red moon, mahirap controllin ng isang bampira na nasanay sa dugo ng tao ang sarili lalo na sa mga bagong bampira." paliwanag ni Top.
"Ano ang dahilan para hindi matakam si Bom sa dugo ni Dara at bakit si MInzy hindi naapektuhan?"Si Cl.
"Nakakatakam ang dugo ni Dara pero dahil siguro sa mas matagal na ako naging bampira kesa kay Bom ay hindi ko naiisip na inumin ang dugo nya o ng kahit na sinong tao." sagot ni Minzy.
Niyakap ni GD si Dara at ni Minzy si Cl. "Ikaw na muna ang bahala Top" si GD at lumabas na sila sa may bintana.
Nang wala na sa paningin ni Top ang mga kaibigan ay hinarap ni Top si Bom na masama ang tingin sakanya at kulay pula pa din ang mga mata. "Bom, hindi dapat." umiiling iling si Top habang dahan dahan na lumalapit dito.
"Wag mong hayaan na matalo ka ng pagiging bampira mo, think of your friends and family, think of those memories you shared with us." Nakalapit na si Top kay Bom at hinawakan nito sa mukha ang dalaga. "Think of what we have Bom." Top's lips touched Bom's and under the light of the moon coming from outside of the broken window, her eyes start to change, closed her teary eyes and put her arms around him.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampiroDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...