Chapter 49

235 12 3
                                    

"Minzy.." si Dara nang makita ang kaibigan.

"Dara!Bom! CL!" ngiting takbo ni Minzy nang makita ang mga ito.

"Minzy!" si Bom na tumakbo din palapit kay Minzy.

"Bumalik na sa dati si Minzy!" si Dara at CL na sumunod kay Bom at sinalubong ng yakap si Minzy.

"Okay ka lang ba?" tinignan ni Dara si Minzy mula ulo hanggang paa, wala itong sugat. Naalala nya na bampira na nga pala ito kaya madaling magheal ang sugat nito.

"Okay lang ako, namiss ko kayo sobra." si Minzy na naiiyak iyak.

Lumapit sila Daesung sakanila, "Ikaw na ba talaga yan Minzy?" tanong ni Daesung.

Tumango si Minzy na ngumiti kay Daesung, mahigpit na niyakap ni Daesung si MInzy at ganun din ang ginawa ng dalaga kay Daesung.

"Paano ka nakawala sa spell ni Kiko?" tanong ni Taeyang na masaya din na nakita ang kaibigan.

"Nung nasa kwarto kami may nakita akong isang potion dun, though hindi ko alam kung ano yun pero nung makita ni Kiko na nakatingin ako sa vial, agad nya itong itinago at pinagbawalan na akong pumasok sa kwarto nya." explain ni Minzy.

"Sabi ko na nga ba eh, alam kong nilalabanan mo at bumabalik sa dating ikaw nang makalaban mo ang papa mo." si Dara.

"Ayun sya!!!" napalingon ang lahat, nakita nila na may mga paparating na bampira.

"Tsk! Tara bilisan natin!" si Minzy na hinawakan ang kamay ni Dara at tumakbo para makapagtago.

"Top!" si GD na ibig sabihin ay palakasin ang shield dahil alam nilang maamoy ng mga kalaban si Dara.

Tumango si Top at gumawa sya ng panobagong shield para maprotektahan at maitago sila. Nakita nila na lumagpas sakanila ang tatlong bampira.

"Bakit ka nila hinahabol?" tanong ni Daesung.

"Siguro para mag cast nanaman ng spell si Kiko sakin kasi nga nakawala ako sa spell nya." explain ni Minzy.

"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo habang hindi pa sumisikat ang araw." si CL.

"Panigurado na matutuwa si Sir Josh pag nakita ka." nakangiting sabi ni Dara.

"Masaya kami na nakabalik ka na sa dati MInzy." sincere na sabi ni Bom.

"Tara na." si Daesung na papunta sa dinaanan nila.

"Wag tayo dyan." pigil ni Minzy.

"Bakit?" takang tanong ni Seungri.

"Sigurado ako na nandun pa ang mga bampira na naghahanap sakin, habang nandito ako at nagkukunwari na nasa spell pa din ni Kiko ay naglibot ako, may nakita akong secret passage papunta sa city, mas safe kung doon tayo dadaan. Lalo na para kay Dara. Mukhang hindi na nagagamit yun kaya hindi nila basta basta maamoy si Dara." si Minzy.

"May point si Minzy, lead the way." si CL kay Minzy.

Naglakad sila papunta sa may likod ng mansion at pumasok sa isang pintuan. Naglalakad sila at nagkwekwentuhan. Kwinekwento ng mga ito kay Minzy ang nangyari nang inakala nila na patay na talaga ito.

"Hindi makapaniwala ang mga classmates mo na isa ka sa mga knights ng royal family." si CL.

"Wala kasing mag aakala naman talaga na nakatira tayo sa palace eh" sagot ni Minzy.

"Madami dami ka ding namiss Minzy, anong gusto mong kainin pag uwi natin?" si Bom

"Hhhhhmmm gusto ko ng corn!" si Minzy.

Natawa naman ang magkakaibigan dahil yun agad naisip nito na kainin.

"Sige magpapakuha tayo mamaya ng corn!" sang ayon naman ni Bom na inakbayan pa ito.

"Wala bang nakatabi sa bahay nila GD?" tanong ni Minzy.

"Sinasabi ko na nga ba eh!" sabay na sabi ni GD at Top at akmang hahatakin palayo sila Dara, Cl at Bom kay Minzy pero huli na ang lahat, May biglang humarang na pader sa pagitan nila.

"Anong nangyari?" gulat na sabi ni Dara na natumba dahil sa biglaang pagbaba ng pader na nagbukod sakanila ng boys.

"Minzy?" seryosong tanong ni CL nang mapansin nito na naka ngisi ito.

"Dara!Dara!" kinakalabog ni GD ang pader.

Nadidinig nila ang sigaw ni GD. "GD!" ganting sigaw ni Dara.

"Lumayo kayo kay Minzy! hindi totoo ang mga sinabi nya kanina!" sigaw ni GD.

Nanlaki ang mga matang napatingin ang tatlong babae kay Minzy.

"Minzy, nagbibiro lang si GD diba?" si Bom na akmang lalapit pero pinigilan ni CL.

"Sa kasamaang palad ay hindi." napalingon sila sa pinanggalingan ng boses, si Kiko na bigla na lang sumulpot mula sa kabilang daan.

Sa kabilang side ng pader.

Napapadyak si GD ng kahit na anong suntok ang gawin nya ay hindi nya matibag tibag ang pader. " Sinasabi ko na nga ba may iba eh."

"Napansin ko din na parang may mali, pero hindi ako sigurado kaya hindi ko din sinabi sa tatlo." si Top.

"Hindi ko napansin na nasa spell pa din sya." hindi makapaniwalang sabi ni Daesung.

"Normal lang yan dahil si Kiko ang naglagay ng spell sakanya." si Taeyang.

"At dahil malapit ako kay Dara ay hindi ko nakita ang pwedeng mangyari." naiiling na sabi ni Seungri.

"Hindi tayo pwede mag aksaya ng panahon." patuloy sa pagsuntok si GD sa pader, tumulong na din ang apat para mabilis na matibag nila ang tila makapal na pader na nakaharang sakanila.

'Dara, hintayin mo ko!' sa isip isip ni GD.

Sa kabilang side ng pader..

"Ngayon wala ng panggulo." si Kiko na lumalapit kila CL at Bom na parehong hinaharangan si Dara.

Alisto ang mga mata nila CL at Bom, parehong tinitignan si Kiko at Minzy na bumalik sa blankong expression ang mukha.

"Infairness ha, malakas ang loob nyo para pumunta dito. Hindi namin ineexpect na ngayon din kayo pupunta dito, buti na lang mas malakas ang papa ko kesa sa shield na ginawa ni Top at naamoy nya si Dara. I didn't expect for you to fall in my trap hahahaha." si Kiko na tumawa na parang nababaliw.

"You dirty blood sucker monster!" si Bom.

"Oh please! baka nakakalimutan mo na ang boyfriend mo ay bampira din." si Kiko.

"Oo pareho kayong bampira pero magkaibang mag kaiba kayo!" sagot ni Bom.

"Nakakairita ang boses mo!Minzy!" si Kiko.

Nang marinig ni Minzy ang pangalan nya ay agad itong sumugod kila Bom, agad na hinarangan ni Bom ang atake ni Minzy. Sinipa nya si Minzy sa may tyan at mabilis na inatake si Kiko na hindi naman nito naiwasan at tumakbo palayo ang tatlo.

Napamura si Kiko na tinulungan ni Minzy na tumayo. "Habulin mo sila. Wag mo silang hayaan na makatakas sayo, father is expecting Dara." si Kiko kay Minzy. Tumango si Minzy at tumakbo para habulin sila CL, Bom at Dara.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon