Chapter 48

260 18 3
                                    

Bumangon si Dara na hindi makatulog, iniisip nya ang pag alis nila bukas ng umaga. Kumirot ang sugat nya at bigla syang nahilo pero desidido na sya sa plano nya. Binuksan nya ang cabinet na nasa loob ng kwarto at hindi nga sya nagkamali na may mga damit doon pero mga panlalake dahil pag-aari ito ni GD.

Nagpalit sya ng damit, napagdesisyunan nyang suotin ang pantalon at isang loose T-shirt, nakita nya din na may cap dun at sinuot nya yun. Nakakita sya ng sneakers at isinuot iyon. Matapos ayusin ang sarili ay maingat na nilapag nya ang princess gown nya sa kama. Dahan dahan syang lumabas at siniguro nya na hindi sya makakagawa ng kahit na anong ingay. Nasa may paanan na sya ng hagdan nang may magsalita.

"San ka pupunta?"

Gulat na napalingon si Dara, nakita nyang si GD ito ng masinagan ng bwan. Nakahinga sya ng maluwag ng masigurong hindi knights ang nakakita sakanya.

"Maglalakad lakad lang ako sa labas." palusot ni Dara.

Tumingin si GD sa wristwatch nya, 2:49am "Nang ganitong oras?" kunoot noong tanong nya dito.

"Oo, mas maganda ang simoy ng hangin ngayon." tuloy ito sa pagpapalusot at sa pag atras papunta sa main door. Habang si GD naman ay patuloy ang paghakbang palapit sakanya.

"Pwede ka sa may veranda, mas safe ka dun."

 Napatigil si Dara at nakita ni GD na lumngkot ang expression ng mukha nito.

"Wala na ba akong ibang maririnig kung hindi mas safe ako sa lugar na yon?I mean, hindi lang naman buhay ko ang nasa panganib but why all of you think that I can't handle myself?Hindi ako mahina, I can fight." si Dara.

"Dara, alam namin na matapang ka at magaling ka pero iba ang lakas ng mga bampira lalo na pag dating ng red moon, at bukas na ng gabi yun." nag-aalalang tono ni GD.

Matagal na nakatingin si Dara kay GD bago muling nagsalita, "Kaya nga kasama namin kayo diba, kaya nga nasa tabi namin kayo kasi alam namin na makakasama namin kayo sa pakikipaglaban."

"Oo nga andun na tayo-----teka, tama ba ang narinig ko?" si GD na tila ba nagulat sa sinabi ni Dara.

"Na alin?" kunot noong tanong ni Dara.

"Na alam nyo na nasa tabi nyo lang kami?"

"Oo bakit?" takang tanong nya.

"Is that an acknowledgement na tanggap mo na ako?Tanggap mo na kami?" maririnig sa boses ni GD ang sayang nararamdaman nito.

Hindi nakaimik si Dara at namula.

"It is right?" masayang inilang hakbang lang ni GD ang pagitan nila ni Dara at niyakap ito ng sobrang higpit. "Thank you Dara, thank you for trusting me once again. I miss you so much" sincere na sabi ni GD.

"Im sorry." sabi ni Dara.

Kumalas si GD at tinitigan si Dara, "You don't have to, naintindihan kita, namin."

"But I called you a monster."

"Alam ko naman na hindi mo intensyon yun. Nadala ka lang sa mga nangyari at nalaman mo. BUt everything is fine now. Right?" tanong ni GD dito.

Tumango lang si Dara tanda na naiintindihan na nya ito. Muling niyakap ni GD si Dara. "I miss this. I miss you so much baby girl."

Niyakap din ni Dara si GD, "namiss din kita."

"Nung mga panahong galit ka sakin nawala ba love mo sakin?" tanong ni GD.

Umiling ito, "The reason na galit ako sayo kasi naguiguilty ako, naguiguilty ako na despite sa mga nalaman ko about you, mahal pa din kita. Na a part of me believes in you. Believed you when you told me na hindi ka katulad ng ibang bampira."

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon