Chapter 22

296 15 1
                                    

Kinabukasan sa school kung saan nakaplanong magkikita kita ang mga classmates nya para sa outing nila ay nakaupo sila Dara sa isang gilid habang hinihintay na dumating ang bus at ang iba pa nilang classmates. Napansin si Dara na tahimik at pag kinakausap ay isang tanong isang sagot lamang ito.

"May problema ba?" tanong ni CL

"Ha?Wala naman, bakit?" si Dara.

"Kanina ka pa kasi tahimik eh, hindi ka makausap ng maayos." si Minzy na kasama din sa outing nila.

"Ah wala, di lang ako masyadong nakatulog."

"Naeexcite ka noh?" si Bom na nakangiti na tila tinutukso ito.

"Medyo." tipid na sagot nya. Hindi na nya sinabi sa mga ito ang naging usapan nila ng mga magulang nya kagabi.

"Ang sexy ni Kiko noh?" si Andrew.

"Kaya nga eh, ngayon na nakacivilian sya mas lumutang yung kasexyhan nya pati yung ganda nya." si Robert.

"Nagulat nga ako nung naka bikini sya eh." si Andrew.

Tinignan nila CL ang direksyon kung nasaan si Kiko, naka jumper ito pero naka sports bra lang sa loob ng jumper. Kausap nito si Andrea at nagtatawanan sila. Dumating ang grupo ni GD, at kitang kita nila na sinalubong ni Kiko si GD at akmang hahalikan sa pisngi pero umilag ang binata.

"Ano bang meron yang si GD at si Kiko?" takang tanong ni Minzy.

"Wala naman, feelingera lang yang si Kiko." si Dara na salubong ang kilay at naiinis nanaman dahil sa nakita.

"Good morning!" masiglang bati ni GD kay Dara at umupo sa tabi nito sabay angkla sa braso nito. Hindi ito pinansin ni Dara.

"Aga-aga Dara ah!" puna ni Seungri nang mapansin na wala ito sa mood.

"Mawawalan talaga yan ng mood." si Bom at ininguso si Kiko na nakatingin naman sakanila.

"Bitaw, nagseselos ang Kiko mo." si Dara na umusog palayo sakanya.

"Hala!" si GD na umusog palapit kay Dara. "Anong ginawa ko ba?" takang tanong ni GD.

"Sinalubong ka kasi ng halik ni Kiko." si Top.

"Iniwasan ko naman ah!" sabi nito kay Top at bumaling kay Dara, "Baby."

Pero hindi sya pinansin ni Dara. Dumating ang bus at isa isang sumakay ang mga classmates nya, nasa pangalawang bus sila ng umupo si Dara sa my bintana at tinabihan naman agad to ni GD.

"Galit ka pa rin ba?" si GD

"Naiinis lang ako."

"Sorry." malambing na sabi ni GD.

"Bakit ka nagsosorry?"

"Kasi naiinis ka."

"GD sakin ka na lang tumabi, hindi ako naiinis sayo." tawag ni Kiko dito.

"No thanks, mas gusto ko katabi ang girlfriend ko." si GD na idiniin ang word na girlfriend.

Tumahimik si Kiko na parang napahiya at umupo.

"Galit ka pa rin?" si GD kay Dara na nawala na ang pagkakunot ng noo.

"Hindi naman ako galit, diba sabi ko naiinis lang ako." malumanay na sabi ni Dara.

"Ang cute cute mo talaga, bagay sayo damit mo." si GD.

Napangiti naman si Dara na pinisil ang pisngi ni GD, nakasuot si Dara ng oversized na black and white t-shirt at nakashort lang sa loob na tinernohan nito ng sneakers.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon