"Minzy!" nagpumiglas si Dara kay GD para lapitan ang kaibigan pero lalong humigpit ang pagkakabuhat nito dito. "GD bitawan mo ko, si MInzy!" baling nito kay GD.
"Hindi na sya ang Minzy na nakilala mo." seryosong sabi ni GD.
"Anong ibig mong sabihin?" muling nilingon ni Dara si Minzy, at doon nya napansin na may mga pangil ito at namumula na ang mga mata nito. Ang kulay ng balat nito ay katulad ng kila GD. Maputla.
"Hindi mo inaasahan ang makikita mo noh?" dumating si Kiko na ngumungiti pa at inakbayan si Minzy na hindi mo kakikitaan ng emosyon sa mukha.
"Kiko?!" si Bom na hindi makapaniwala.
"Ikaw ba ang nagdala sa mga bampira dito?" galit na tanong ni Top.
"Ooppss!Baka nakakalimutan mo, pareho tayong bampira Top." nakangiting sabi ni Kiko.
"Bakit mo ginagawa ito?" si Dara.
"Bakit?" nagiba ang expression ng mukha ni Kiko at naging seryoso ito, kakikitaan ng galit sa mga mata. "Tinatanong mo ko kung bakit?Kung hindi dahil sayo ay hindi magkakaganyan si GD. Hindi magpapakatanga sa isang taong katulad mo. Ikakasal na sana kami!"
"Nasisiraan ka na ba ng bait Kiko? Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi ako magpapakasal sayo, kahit hindi ko nakilala si Dara hindi ako sumangayon na ikasal sayo at lalong lalo na ngayon!" si GD.
"Ikaw ang anak ni Jasper?" ang hari na hanggang ngayon ay pangko pangko ni Top.
"Alex!Sander!" tawag ni Kiko sa dalawang bampira na nagtatago lamang.
"Ang kambal.." mahinang sambit ni Top.
"May problema ba?" kinabahang tanong ni Bom nang makita na tumigas ang expression ng mukha ni Top.
"Ang kambal ay kasama sa 5 armies, napatay natin ang tatlo kung natatandaan mo."
"5 armies?" ang hari.
"Sila ang pangatlong pinakamalakas na warrior ng hari at ang kambal ay kabilang sa isa sa pinakamalakas na clan ng lahi namin, ang czar clan."
"Ibig sabihin malakas talaga sila?" si Bom na inihanda ang baril.
"Bom!" si CL kasama si Daesung at Seungri, pawang mga sugatan at may mga punit ang damit, tumakbo ang mga ito palapit sakanila. "Minzy?" gulat na gulat si CL sa nakikita nya. Pupuntahan nya sana ito nang mapansin nya kung sino ang katabi ng kaibigan, si Kiko.
"Mabilis ka din CL. Napansin mo agad kung ano kami at kung ano na ngayon ang kaibigan nyo." nakangising sabi ni Kiko.
"Walanghiya ka!Anong ginawa nyo kay Minzy!!" si Daesung na nanggagalaiti sa galit, pigil pigil ni Seungri si Daesung na umatake sa kalaban.
"Wag ka magpadalos dalos Dae, hindi basta basta ang kalaban natin." si Seungri.
Napapadyak si Daesung sa sobrang galit.
Ibinaba ni Top ang hari sa isang tabi, ganun din ang ginawa ni GD, itinabi nya si Thunder at Dara sa hari.
"Time is running for her." tukoy ni Kiko kay Dara. Pinagpapawisan si Dara at namumutla, ramdam nya ang kirot ng sugat nya, nanghihina na din sya.
"No matter what happen Dara, don't sleep okay?" si GD na nakaluhod sa harapan ni Dara. Hinawakan ni GD ang kamay ni Dara, hindi magawang alisin ni Dara ang kamay ni GD na nakahawak sakanya. Sobrang namimiss na nya ito.
"Walang ganyanan Kiko!" sigaw ni Daesung ng salagin nya ang patalim na dapat ay para kay Dara. Tumayo si GD at hinarap ang mga ito.
"I told you not to harm Dara didn't I?" galit na sabi ni GD dito.
"Yaah! Matuto kang gumalang at rumespeto sa princess natin!" sabat ni Sander.
"Puro ka salita!" si Alex na sumugod kay GD pero naharangan agad ito ni Seungri.
Kumilos na din si Sander para kunin si Dara pero naharangan agad sya ni Top at Bom.
Sa hindi nila inaasahan ay biglang lumabas ang ibang mga bampira na kasama nila Kiko, tumayo ang hari at hinawakan ang espada nya para proteksyunan ang mga anak. Si CL at GD ay nagtutulong para maprotektahan din sila Dara, habang si Bom at Top ay abala sa pakikipaglaban kay Sander. Tinulungan ni Daesung si Seungri na kalabanin si Alex.
Nahihilo na si Dara at parang nahihirapan ng huminga, sumasakit ng husto ang sugat nya. Nakita nya na papalapit si Kiko kasunod si Minzy sa kanila. Abala ang lahat sa pakikipag-laban, maging ang ama nya ay nakikipaglaban kahit na may sugat ito sa braso. Tinignan nya si Thunder na wala pa ring malay, iginala nya ang paningin at naghanap ng pwedeng ipanglaban kung sakasakali, napansin nya na may naka clip sa damit ni Thunder. Hindi sya nagkamali ng hinala, pinindot nya ito at naging sword. Mahigpit na niyakap nya si Thunder habang malapit na sila Kiko sakanila. Itinaas ni Dara ang sword paharap kay Kiko, ngumisi si Kiko at tumigil sa paglalakad. Si Minzy na ngayon ang nauuna habang si Kiko ay nasa likod ni Minzy. Nanghihinang ibinaba ni Dara ang sword, hindi nya kayang saktan ang kaibigan.
Nakita nya na bumilis ang paglalakad nito hanggang sa tumatakbo na ito palapit sakanila, nakita nya na humaba ang kuko ni Minzy, napapikit na lang sya at hinintay ang pagatake sakanya ni Minzy, Walang nangyari. Pagmulat nya ng mata ay nakita nya si Sir Josh na hinarangan ang atake ni Minzy, nang anak nito.
"Sir Josh!" gulat na sabi ni Dara.
Umatras palayo si Minzy sa mga ito.
"Okay ka lang Dara?" si Taeyang na nakipaglaban kasama ang mga knights general kanina.
"Okay lang ako. Sir Josh.." nasasaktan at nalulungkot si Dara dahil sa nakikita. Magkaharap ang mag-ama at tila handang makipaglaban sa isa't isa.
"Buhay si MInzy?!" hindi makapaniwalang sabay na reaction ni Taeyang, Sir Roy at Sir Reynold na napatingin kay Sir Josh.
"Hindi sya si Minzy." walang expression na sabi ni Sir Josh.
"Taeyang, please. Wag mo hahayaang maglaban si Minzy at ang papa nya. Please." umiiyak na sabi ni Dara kay Taeyang.
"Wag kang mag-alala Dara." lumapit si Taeyang kay Sir Josh at hinawakan ito sa braso. "Ako na bahala dito, ang mabuti pa ay dahil nyo sa safe na lugar sila Dara." si Taeyang.
"Walang aalis!" si Kiko na nilatigo ang lupa at nabiyak ang magkabilang gilid. Walang ibang dadaanan ang mga ito kung hindi ang lugar na kinakatayuan ng mga kalaban. "Ibigay nyo sakin si Dara at tapos ang kaguluhan na to." si Kiko.
"Patayin mo muna ako bago mo makuha ang anak ko!" sigaw ng hai dito.
Tumingin si Kiko dito at ngumiti. Agad na pinuntahan ni Sir Reynold at Sir Roy ang hari para protektahan. Sumugod ang ibang bampira patungo sa hari at agad naman na nasasalag ng dalawang knights general ang atake.
"Umalis kayo sa harapan ko kung ayaw nyo masaktan." mahinang sabi ni Minzy kay Taeyang at Sir Josh.
Hindi natinag si Sir Josh, "Ako na nga ang bahala sakanya Sir Josh," si Taeyang.
"Alam kong malakas ka, pero hindi ko pwedeng basta na lang talikuran ang trabaho kong protektahan ang princessa."
"Sir Josh, kaya akong protektahan ni Taeyang, kailangan ka nila papa." maririnig mo ang pagkadesperado ni Dara.
"May tiwala ako sa dalawang knights general princess, I won't leave you hanggat kaya ko pa makipaglaban."
"No.." mahina at walang lakas na sambit ni Dara lalo na ng makita nya na sinimulan ng atakihin ni Minzy ang papa nito at si Taeyang.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...