Agad na nilapitan ni Sander si Kiko at tinignan kung nadampian ng dugo ni Dara ang mga kamay ni Kiko. Pagalit na hinablot ni Kiko ang mga kamay kay Sander. "I'm fine!"
Hindi kumikilos si Dara na tila ba nawalan ng malay. Kiko smiled sarcastically at naglakad papunta kay Dara.
"Can't get up Princess?"si Kiko na umupo sa gilid ni Dara. Napahinto si Kiko ng makita ang ngiti ni Dara, mabilis na nakabangon si Dara at hinawakan si Kiko sa balikat. Akmang susugod si Sander dito pero nakita nito ang daliri ni Dara na may dugo at malapit sa balat ni Kiko. Tumayo ang dalawang dalaga.
"Titigil kayo o itutuloy ko pagdampi ng dugo ko sa balat ng babaeng to?!" sigaw ni Dara sa lahat na napatigil ng makita na nasa alanganing posisyon si Kiko.
"Very witty Dara" natatawang sabi ni Kiko, "but you're still no---"hindi naituloy ni Kiko ang sasabihin nang hinawakan ni Dara ang leeg ni Kiko, "Easy, walang dugo yung daliring idinampi ko dyan sa leeg mo but next time na magsalita ka pa or may gagawin kang hindi ko ikatutuwa ididkit ko sayo tong dugo ko." si Dara na dahang dahang naglalakad papunta kay CL. Parang kurtina na nahawi ang daan sa takot ng mga kalaban na mapahamak ang kanilang princessa.
Sinuntok ni GD ng ubod lakas si Alex at mabilis na pinuntahan si Dara. Nang magkakasama na ang magkakaibigan..
"Tanggalin mo ang spell kay Minzy." utos ni Dara dito.
"Hindi ko alam kung pano tanggalin." Kaila ni Kiko.
"Tatanggalin mo o tatanggalin mo?" Si Dara na nagbabantang idikit ang dugo kay Kiko.
Walang nagawa si Kiko kung hindi iabot dito ang isang maliit na bote na naglalaman ng liquid para mawala sa spell ni Kiko si Minzy. Kinuha iyon ni CL at nilapitan si Minzy. Hindi ito pinapansin ni Minzy at nakatingin ito kay Kiko. Tumango ang huli at ininom nito ang laman. Matapos inumin ay unti unting nawalan ng malay si Minzy, agad itong sinalo ni CL. Lumapit si Daesung at binuhat si Minzy. Unti unting umalis sila Dara pero kasama pa din si Kiko.
"Subukan nyong sumunod at magiging abo ang princessa nyo!" sigaw ni Dara sa mga ito habang paatras na naglalakad. Parang mga estatwa na hindi makakilos ang mga kalaban. Makikita sa mukha nila Sander at Alex ang inis dahil wala silang magawa para matulungan si Kiko.
Nang masiguro nila na malayo na sila sa mga kalaban at nasiguro na nila na walang sumunod sakanila na kalaban ay itinulak ni Dara palayo sakanila si Kiko na at mabilis na na hinarangan ni GD at CL si Dara.
"Hindi pa tayo tapos Kiko." at mabilis na tumakbo ang grupo nila Dara papalayo sa lugar na iyon.
Tumayo naman si Kiko, at tinanaw ang anino nila.
"Okay ka lang?" tanong ni Alex dito.
Tinignan ng masama ni Kiko ang kambal bago nilampasan ang dalawa para bumalik sa loob ng palasyo nila.
Tumatakbo sila palayo sa lugar na iyon, walang nagsasalita lahat ay tahimik. Nang matanaw nila ang mga kawal nila Dara na tila ay hinahanap sila ay saka sila parang napagod na biglang naging dahan dahan ang takbo.
"Princess!" sigaw ng isang kawal na mabilis tumakbo sa kanila, Nagsunuran ang iba pa at inalalayan sila hanggang sa makabalik at makapasok sila ng bahay ni GD.
"Anak!" ang Hari na sinalubong ng yakap ang si Dara. "Anong nangyari? Wag nyo na ulit gagawin ang ginawa nyo. Sama sama tayo sa laban na to." malumanay na sabi ng hari kay Dara. Nakita ng hari na may sugat sa gilid ng labi si Dara at tila namamaga ang mga pisngi. Muling niyakap ng mahigpit nito ang anak.
"Anong nangyari?" si Reynold na nilapitan si Top na buhat buhat si Bom, Napansin nito na may bite marks sa leeg nito. Agad na napatingin ito kay Top.
"We tried to revive her." si Seungri.
Napatahimik lang si Reynold, at nang akmang kukunin nya si Bom ay nagulat sila nang bigla ito magmulat ng mata. "Anak!"
Mabilis na inilayo nila Taeyang at Seungri si Sir Reynold kay Bom habang si Top naman ay mabilis na dinala si Bom sa kwarto nya.
"Ano ang nangyayari?"nalilitong tanong ni Sir Reynold.
"Nasa unang stage si Bom ng pagiging bampira." Napalingon ang lahat nang makita nilang gising na si Minzy.
"Minzy!" si Dara at CL na agad nilapitan si Minzy at niyakap.
"Glad you're back!" ngiti ni Dara at CL.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Sir Josh.
Agad naman na tumabi sila Dara at CL, Napatitig si MInzy sa ama at tila nahihiya dahil alam nyang sya ang dahilan kung bakit nasugtan ang ama. Lumapit si Josh na nakangiti at pinipigil ang iyak. "Hindi mo ba ako yayakapin man lang?" si Sir Josh sa anak. Humagulgul na ng iyak si Minzy at niyakap ang ama. "I'm sorry papa!" sobrang higpit ng yakap ni MInzy sa ama. "It's fine. Okay lang. Wala kang kasalanan. I'm just glad you're back."
Binigyan muna ng space at time ng grupo sila Minzy at Sir Josh. Habang si Sir Reynold ay hinihintay ang balita kung ano na ang nangyari sa anak.
"Okay ka lang?" Si Sir Roy na tinanong si Cl ngunit nakatingin lang sa direksyon ng kwarto ni Top. Nilingon ni CL and ama, at ngumiti. Tumango lang ito na parang bata at nakita ni CL na ngumiti ang ama at ginulo nito ang buhok nito bago pumunta sa tabi ng hari.
Tinignan ni Dara ang mga tao sa paligid nya, ang mga kaibigan nya at mga pamilya nya bago sya tumingin sa pinto ng kwarto ni Top.
'Everything will be fine Bom, We will wait for you' Naramdaman na lang ni Dara na may humawak sa magkabilang kamay nya, si Minzy at Cl na nakangiti sakanya at tumango.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampirosDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...