Chapter 5

471 25 2
                                    

Dumating na din sila Daesung, Taeyang at Seungri and Dara, Minzy and Bom finished their bath.

"Matagal pa ba sundo natin?" si Minzy.

"Tinawagan ko na sila ulit, 10mins nandito na sila."si CL.

"Okay ka lang ba Dara?May gusto ka bang kainin?"si GD na nilapitan agad ang dalaga.

"Wala naman, okay naman ako. Thank you.Balik ko din to bukas." ngiti ni Dara na tinutukoy ang damit na suot nya.

"Bagay pala sayo mga ganyan na damit." ngiti ni GD na tinignan sya mula ulo hanggang paa at muling ibinalik sa mukha nito ang paningin nya. Hindi nya napigilan ang sarili at pinisil ang pisngi ni Dara. Natawa naman ang lahat maging si Dara sa ginawa ni GD.

"Wala na, tinamaan na talaga." iiling iling na sabi ni Daesung.

"May gusto ka talaga kay Dara?"si Minzy na lumaki ang matang tanong kay GD.

"Oo, bakit?Masama ba?" tanong nito at muling tinignan si Dara, "May boyfriend ka na?" malungkot pero hopeful ang naeexpress nya sa mga mata nya.

"Wala pa." umiling iling si Dara.

"Pwede bang ako ang maging boyfriend mo?" hinawakan ni GD ang kamay ni Dara.

"Manligaw ka na muna oy!"Hinila ni Bom palayo kay Dara si GD.

"Eh di manliligaw ako, ikaw kababae mong tao ang lakas lakas mo." hindi makapaniwalang sabi ni GD kay Bom.  Natawa ang lahat nang may mag doorbell.

"Ssshhh." si Seungri at tumahimik ang lahat saka dahan dahan na nagpunta si Seungri sa pintuan. Sinilip nya sa peephole kung sino ang tao, nakita nya na nakasuot ng silver armour ang tatlong lalaki. Binuksan nya ito.

"Bakit po?"

"Nandito kami para sunduin sila CL."

"Sir Roy?!"si Minzy na tumakbo palapit sakanila.

"Okay lang ba kayo?nasaan si Pr---- si Dara?"

"Okay lang po ako." sumulpot mula sa likod ni Minzy sila Dara at ang iba pa.

"Uwi na tayo."si CL kay Sir Roy

"Let's go, thank you sainyo." nag bow sila Sir Roy at ang kasama nito sa mga binata.

"I'll see you again tomorrow right?You'll be fine." ngiti ni GD kay Dara. Ginantihan lang ng ngiti ni Dara si GD at saka umalis.

"Akala ko mamatay ako."si Seungri pagkatapos maisara ang pinto at masigurong nakaalis na ang mga kaibigan.

"Buti na lang malayo layo ako."si Taeyang.

"Galing mo nga Seungri eh!akalain mo, ilang inches lang ang pagitan mo sa silver armour nung Sir Roy."si Daesung, lahat sila ay weakness ang silver lalo na kung malapit sila sa silver, unti unting umiinit ang pakiramdam ng kung sino man sakanila ang mapalapit sa silver.

"Tara na nga kumain, nagugutom na ako eh."si Taeyang na pumunta sa kusina. Kinuha nito ang mga Blood Bag at isa isang inabot sa mga kaibigan. Lahat sila ay uminom nito at sabay sabay na napa "Aaahhh--" sign na refreshed na sila.

"Wala talagang tatalo sa pork blood!"si Top.

"Mas gusto ko yung beef." si Seungri.

"Eeewww ang lansa." nagmake face pa si Daesung.

"Ang arte mo eh parepareho naman malansa lahat yan."si Seungri.

"Guys, we need to stay alert."seryosong sabi ni GD.

"Yeah, we tried to search the area pero hindi namin nakita yung nasense natin kanina."si Taeyang.

"Sa Crar Clan kaya galing yung nasens natin kanina?"si Top.

Umiling si GD, "Impossible, sila pinakamalakas na clan and sure ako na hindi sila magtatago, they'll attack us regardless of who we are and where we are." seryosong sabi ni GD

"Mas malaki ang possiblity na Tsurl Clan ang may kagagawan ng nangyari kanina." si Top.

"Paano mo nasabi?"si Daesung.

"Sino ba ang madalas na magparami ng lahi nila or ng alagad nila?Tsurl Clan lang naman iyon. At base sa galing ng pagtatago nya, nakakasiguro akong Tsurl Clan nanggaling yung babaeng kumagat sa lalaki kanina."sagot ni Top.

"Hindi safe dito." naiiling na sabi ni Seungri. "Kailngan mo GD kausapin ang parents mo."

"Kakausapin ko sila sa makalawa."tugon ni GD.

Yes, they are vampires but they belong to the good ones. As much as possible ay ayaw nila pumatay ng kapwa bampira pero may mga times na kailangan nilang gawin yun para na din sa ikakabuti ng nakararami.

"Anong nangyari?Okay ka lang Dara?" salubong ng hari sakanila. Ang lahat ay lumuhod tanda nang pagrespeto sa pamilya ni Dara.

"Okay lang po ako."

"Kaninong damit ang suot mo?"takang tanong ng reyna.

"Sa friend po namin, pinaligo nila kami after nung incident." sagot ni Dara.

The night ends with a very eerie feeling.

Pagpasok nila CL, Bom at Dara ng claasroom nila ay nagkakagulo ang lahat, nakita na lang nila na may mga bulaklak sa ibabaw ng table ng classmate nila.

"Anong nangyari?" Tanong ni Dara.

"Nagtapon lang ng basura daw si Aimee sa labas ng bahay nila, katabi lang ng gate nila, nakarinig na lang daw ang mga magulang nya ng sigaw at paglabas nila nakita nila si Aimee na patay na."inform ng classmate nya.

"Vampire again?"si Bom.

Tumango ang classmate nila.

"Sunod sunod ah, gabi gabi na lang." si Andrea na hindi mapigilan na matakot at mainis.

"Kaya nga eh, tapos ngayon classmate naman natin."si Belle.

"Dara!Goodmorning!"masayang bati ni GD na kararating lang.

"Morning."tipid na bati nito.

"Why the sad face?" nagaalalang tanong ni GD.

"May iba pang nabiktima?!"gulat na tanong ni Top nang mapansin ang pinagkakaguluhan ng mga classmates nila.

Dumating ang homeroom teacher nila na si Ms. Ana.

"Class, I know that you are aware of what happened to Aimee yesterday. We will offer a mass for her at the gymanasium later at 2PM. Please, wag na kayo lalabas ng gabi kahit sa bakuran pa ng bahay nyo. Stay safe everyone."si Ana.

"Ms. Ana diba may mga nagrorounds naman po na mga knights?Bakit madami pa din namamatay?"si Belle.

"Because we are just relying everything to them kaya kahit alam natin na hindi safe ay lumalabas tayo dahil ang thinking ng mga tao may mga knights naman."

"Eh di ibig sabihin lang po nun walang kwenta ang ginagawa ng knights pati ng royal family."si Andrea.

"Andrea!"si Ana.

"Bakit ikaw ba kilala mo kung sino mga vampire?"si Dara na ikinagulat ng lahat dahil noon lang sumali sa usapan si Dara patungkol sa Family nila.

"Hindi" mataray na sagot ni Andrea.

"Kung hindi mo kilala pano makikilala ng knights diba?I mean everyone in the palace is trying their best to solve this problems, negligence na din natin minsan kung bakit tayo napapahamak. Kaya nga may sinet na curfew para madaling maidentify ng knights kung sino ang vampire, hindi na halos natutulog ang mga knights kakabantay satin para lang maprotektahan tayo kaya wag mong sasabihin na walang kwenta ang ginagawa nila dahil wala kang alam." hindi napigilan ni Dara ang sarili na sabihin nya yun sa dalaga.

"Bakit ikaw?Ano bang alam mo para magsalita ka ng ganyan?Palibhasa kasi hindi ikaw ang namatayan kaya ganyan ka na lang makapagsalita."

"Sumosobra ka na ha!" akmang susugurin to ni Bom pero pinigilan sya ni Dara.

"Wala kang alam Andrea kung ano ang mga pinagdaanan ko sa kamay ng mga vampires, wala kang alam kung ano ang nararamdaman ko." napaluha si Dara nang maisip si Alice.

Hindi nakaimik si Andrea nang makita ang mga mata ni Dara na puno ng galit at sakit. Hindi nya maipaliwanag pero nakaramdam sya ng kaba ng makita ang side na yun ni Dara.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon