Chapter 37

262 13 1
                                    

"may balita na ba sa katawan ni Minzy?" tanong ni Seungri kay Daesung na nakaupo sa may veranda ng bahay nila.

"Wala pa, walang makakita ng katawan nya. Lumabas din ako nang gabing yun, bumalik ako sa lugar kung saan nakahiga ang katawan ni Minzy pero wala kong maamoy na amoy nya." si Daesung.

"Hindi kaya kasama si Minzy sa pagkawala ng barrier nung pinsan ni Kiko?" si Taeyang.

"Na-warp? Napunta sa ibang dimension?" si Top.

"Pwede yun, diba nangyari yun dati sa kapatid ni GD, isang taon bago sya nakabalik." si Taeyang.

"Pero buhay si ate nang makain sya ng warp, kung napunta sa ibang dimension ang katawan ni Minzy, malabo ng makita pa ang katawan nya." si GD.

"Ano nga pala ang nangyari sa usapan nyo ni Dara?" si Top.

Umiling si GD bago muling tumungga ng alak. "Ayaw nya makinig sakin. Sinisisi nya din ako sa nangyari sa pamilya nya."

"Pero bakit sa tingin mo hindi sinabi ni Dara kila CL at Bom ang totoong pagkatao natin?" takang tanong ni Seungri.

"Baka gusto nya tayo ang magsabi sa dalawa kung ano talaga tayo." si Daesung.

"Kung si Dara hindi matanggap si GD, pano pa yung dalawa diba?Lalo na si CL. Alam nyo naman personality nun." si Top.

"So pano na ngayon yan?Break na kayo?" si Seungri.

Napatingin si GD dito na parang naliwanagan. "Ang galing mo talaga Seungri!". Umalis ito at umakyat papunta sa kwarto nya.

"Ano nangyari dun?" takang tanong ni Seungri.

"Hello?" si Top na umalis din at pumasok sa loob ng kwarto nito.

"Malaki ang pusta ko na si Bom ang tumawag sakanya." si Taeyang.

"Eh ikaw Daesung okay ka lang ba?" tanong ni Seungri.

"Oo nga Dae, kamusta ka?" si Taeyang.

"Ahm, okay lang naman ako. Bakit?" kunwaring nagtataka si Daesung.

"Dahil sa nangyari kay MInzy, nasabi mo ba sakanya nararamdaman mo?" si Seungri.

Mapait na ngumiti si Daesung. "I confessed to her that night, and she told me that she will answer me on Monday, it's supposed to be today." napatingin si Daesung sa langit.

"You miss her?" si Taeyang.

"Hell yeah! I miss her smile. The sound of her laughter, it's like music to my ears."

"Tinamaan ka talaga noh?" si Seungri.

"Ang masaklap nyan isang beses lang tayo mainlove sa buhay natin. And kung totoong love nga yung nararamdaman mo para kay MInzy, well. Atleast we are here for you Dae, always." si Taeyang na tinapik ang balikat ni Daesung at umalis. Niyakag ni Taeyang si Seungri na umalis para bigyan ng oras si Daesung.

Sa Palasyo.

"Panay ang tunog ng mobile mo, hindi mo ba sasagutin?" si CL nang mapuna na hindi pinapansin ni Dara ang mobile nya pag nakikita nya na si GD ang tumatawag, panay din ang text nito.

"Anon bang naging problema nyo?" si Bom.

"Kaya nga, apektado din ang boys sa problema nyo." si CL.

"May pag ka-aloof nga si Top kanina." pansin din ni Bom.

Napangiti ng sarcastic si Dara, "Wala, nagsawa na lang ako sakanya." tukoy nya kay GD.

"Impossible!" si Bom.

"Hahaha oo nga!" pilit ang tawang ibinigay nito. "Matutulog na ako." si Dara na humiga na at tumalikod kila CL at Bom. Nagkatinginan ang dalawa at kinumutan ni CL si Dara habang si Bom naman ay pinatay ang ilaw at tuluyan nang lumabas ang dalawang babae.

"Okay naman sila last week. Sa tingin ko may nangyari nung may kalaban tayo na mga bampira." si Bom.

"Yan din nasa isip ko, pero ayaw magsalita ni Dara. Ang mabuting kausapin natin si GD." si CL.

Sa loob ng kwarto ni Dara ay binabasa nito lahat ng text messages ni GD sakanya. Napangiti sya nang mabasa na, hindi sila break dahil hindi naman sya pumapayag. Agad din napawi ang ngiti nya ng marealize nya na nakangiti sya.  Itinabi nya ang cellphone at pilit na natulog.

Kinabukasan sa school, abala sa pakikipag kwentuhan sila Dara sa mga classmates nila nang biglang nag 'oohhhh' ang mga classmates nila, pag lingon nila ay nakita nila si GD na may dalang malaking teddy bear.

"Sorry na.." abot ni GD kay Dara ng teaddy bear.

"Oy sorry na daw!" si Bom kay Dara. Nakamasid lang si CL na napansin na wala ni isa kila Seungri ang nagtangkang biruin ang kaibigan.

Umalis si Dara nang masama ang tingin na ibinigay kay GD. Ibinigay ni GD ang bear kay Fani nang hindi tanggapin ni Dara ang bear, mabilis na sinundan nya ang dalaga.

"Kilig ka naman!" si Bom kay Fani na kinikilig.

"Dara wait!" hinawakan ni GD sa kamay si Dara pero mabilis na binawi nya ang kamay mula dito.

"I told you not to touch me!" si Dara.

"Dara..." tanging nasabi ni GD.

"Please GD, don't bother me anymore. Hindi ko na nga sinabi kila CL ang nalaman ko dahil kahit papano may pinagsamahan tayo at ayoko masira kung ano man ang meron sila Bom at Top."

"Ayaw mong masira sila ni Top pero tayo okay lang?"

"Don't you still get it?All i have for you now is hatred. To me, you are nothing but a m-monster who sucks blood. And I fear that one day you might do it to me."

Mapait na napangiti si GD, "A monster huh?" tinitigan ni GD si Dara, "I know deep down in your heart na gusto mong maniwala sakin. I can see it in your eyes. Your eyes speaks louder than your voice. I may be a vampire Dara but I will never..ever hurt you." si GD.

Napalingon silang dalawa ng marinig nila na parang may ballpen na nahulog. It was CL standing at the corner. Unti unti itong lumapit sakanila. "Isa kang bampira?" hindi makapaniwalang tanong ni CL kay GD.

Hindi makasagot si GD na nakatingin kay CL. Agad na humarang si CL sa pagitan nila Dara at GD. "All this time na kasama ka namin?" hindi pa rin makapaniwala si CL.

"isipin nyo kung anong gusto nyong isipin CL, pero isa lang ang masasabi ko. Mahal ko si Dara ganun din kayo. Hindi kami katulad ng inaakala nyong vampire. Hindi kami monster katulad nila." at tumalikod si GD sa dalawang babae na nakasalubong naman si Bom na tumatakbo palapit sa kanila.

"Anong nangyari kay GD?" si Bom nang makarating kila CL.

"He's a vampire." si CL.

"A what?!" tanong ni Bom dahil baka mali lang sya ng nadinig.

"He is a vampire. At tingin ko ganun din sila Top." ulit ni CL kay Bom. Napaupo si Bom sa narinig.

"This can't be.." umiiling iling na sabi ni Bom.

"Bom naiwan mo to." si Top na dala ang phone ni Bom pero napatigil ito nang makita ang reaksyon ng mukha ni Bom pag kakita sakanya. "Alam mo na pala. Just wanted to give you this, I think importante yung call kaya tumakbop ako papunta dito. I won't hurt you." si Top na inislide ang cellphone at hindi na tumangka pang lumapit sa mga ito. Umalis din ito at ramdam nila CL ang lungkot ni Top.

Bumalik sila sa loob ng classroom at hindi na nila nakita sila GD doon, narinig nalang nila na biglang umalis ang lima nang walang paalam at pasabi.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon