Chapter31

275 12 0
                                    

Sa school..

"Dara okay ka na ba?" tanong ni Yumi sakanya.

"Oo okay na ako, salamat, nakwento nila Bom na worried ka dahil may sakit ako." ngiti ni Dara dito.

"Sure ka na okay ka na ha?pag hindi sabihin mo lang sakin pwede ako tumakbo sa clinic para sa gamot kung ayaw mo din pumunta dun."

"Salamat Yumi." ngiti ni Dara.

"Baby!" si GD nang makita sya na nakaupo na sa pwesto nito.

"Ang aga nyo ngayon ah!" si Bom na agad naman sinalubong ni Top.

"Excited si GD kasi makikita nya daw ulit si Dara." si Daesung.

Padabog na umupo si CL sa upuan nya dahilan para mapatingin sakanya sila GD.

"Galit ka ba sakin CL dahil nalate kami ni Dara kagabi?" tanong ni GD dito.

"Isa lang yun." tipid na sagot ni CL.

Napatingin si GD kay Dara na parang nagtatanong kung alam ni CL na may nangyari sakanila kagabi, napangiwi na lang si Dara. Hindi makapaniwalang nanlaki ang mata ni GD kay Dara.

"Ano pati sa tingin lang nakakapagusap na kayo?" si Seungri na natatawa.

"Ganun talaga magkakaintindihan at magkakaintindihan na sila kahit sa mata lang." sarcastic na sabi ni CL.

"CL." si Bom at si Dara.

"Mag punta lang ako sa washroom." tumayo si CL at sinundan naman ito ni Bom at Dara, nang nasa loob na sila ng washroom ay saka sila nagusap.

"CL napagusapan na natin to diba?" si Dara.

"Pero Dara, kung ako nga napansin na may iba sa katawan mo, yung tatay mo pa kaya?!" si CL.

"Hindi nya mapapansin kung hindi ka magrereact ng ganyan CL." si Bom.

"Pero Bom, pano pag nalaman nila na may nangyari na kay Dara at kay GD?Sa tingin mo papayag ang mga kamag anak nila na ipasa ang trono kay Dara?"

"Hinaan mo boses mo." si Dara.

"Hindi nila malalaman, please CL, be nice to GD and ginusto ko din yung nangyari." si Dara na hinawakan pa ito sa braso.

Walang nagawa si CL kundi intindihin ang kaibigan nya. nag-aalala lang sya na baka malaman ng lahat at i-dethrone sya as their crown princess. Bumalik sila sa loob ng classroom at naging maayos na uli ang pakikitungo ni CL kay GD.

Dahil may emergency meeting ang mga teachers nila ay binigay sakanila as free time ang buong araw para sa mga students.

"Paki bigay to kay GD." iniabot ni Kiko kay Daesung ang isang maliit na patalim.

"Para saan to?" takang tanong ni Daesung kay Kiko.

"Ayoko mabiyuda nang hindi pa naikakasal. Gamitin nya yan pag dumating ang mga pinsan ko, target nila si GD." si Kiko at umalis. Tinignan ni Daesung ang maliit na patalim na binigay sakanya ni Kiko bago naglakad palapit kay GD na nakikipahkwentuhan kay Dara.

"GD pwede ka makausap saglit?" si Daesung.

"Ano yun?"

Sumenyas si Daesung na sa labas sila magusap at sumunod naman si GD.

"Pinabibigay ni Kiko." iniabot nito ang maliit na patalim.

"Hindi ko kailangan yan." akmang tatalikod na si GD nang magsalita si Kiko.

"Kailangan mo yan, ako na ang nagsasabi sayo na malakas ang mga pinsan ko at delikado ang buhay mo sakanila." makikita sa dalaga na nag aalala ito kay GD.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon