"Nasan na ba sila?Past 11pm na." si CL na hindi mapakali ganun din si Minzy at Bom. Nasa shed na sila, at panay lang ang sunod ng tingin nila Taeyang, Seungri, Top at Daesung sa tatlong babae na hindi mapakali.
"Hindi pa rin ba macontact si GD?" tanong ni Minzy kila Daesung na tinatry din tawagan ang kaibigan.
"Hindi pa rin sumasagot si Dara." si Bom. Maya maya ay may m ga dumaan na knights at tinignan sila. Napansin ng mga ito na wala si Dara at nang akmang lalapit ito sakanila ay tumakbo palapit si CL sa mga ito para hindi marinig ang pag uusapan nila. Maya-maya ay bumalik si CL at umalis na ang mga knights.
"Anong sabi?" si Top.
"Wala, nagtatanong bakit gabing gabi na nasa labas pa atyo eh delikado. Pinapauwi lang tayo sabi ko may hinihintay lang tayo." si CL.
"Pag wala pa rin si Dara kailangan nanatin sabihin sa mga knights." si Bom.
"Wag kayo mag-alala safe si Dara dahil kasama nya si GD." si Taeyang.
"Hindi mo pa din masasabi." si CL.
Maya-maya ay dumating din ang sasakyan ni GD at bumaba silang dalawa sa kotse.
"Sorry." bungad ni Dara sa mga kaibigan.
"Okay ka lang ba?" si CL na tinignan si Dara mula ulo hanggang paa at napatigil nang may mapansin ito. Napatingin sya sa mga mata ni Dara na umiwas naman ng tingin dito.
"Sorry ha past 11 na." si GD na humihingi ng paumanhin kila CL, Minzy at Bom.
"Tara na Dara." seryosong sabi ni CL.
"Bye!" si Bom kay Top bago bumaling sa iba ganun din si Minzy.
"See you" si Dara kay GD, nag flying kiss pa si GD dito.
Nang hindi na nila matanaw ang mga babae ay sumakay na sila sa sasakyan.
"Mukhang galit si CL ah." puna ni Seungri.
"Magagalit talaga yun kasi anong oras na hinatid ni GD si Dara." si Top.
"Nawala sa isip namin oras eh." si GD na nakangiti.
"At nakukuha mo pang ngumiti?Nakakatakot kayang galitin si CL." si Taeyang.
"Kaya nga eh, bigat ng kamay." si Seungri na wala sa loob na napahawak sa sikmura ng suntukin ni CL dahil sa sobrang galit nito dati sakanya.
Biglang napapreno si GD nang makitang may nakaharang sa daan nila.
"Ano yun?!" si Daesung na gulat na gulat.
Bumaba sila ng sasakyan at pumunta sa harap, nakita nila ang isa sa mga elder na hawak ng hari nila, sugatan at duguan.
"Hyun Suk!" si GD na agad inakay ang elder nila papasok sa loob ng sasakyan, naging alerto ang lahat. Nagpaiwan si Taeyang at si Seungri para siguraduhin na walang makakasunod sakanila pauwi ng bahay. Pag pasok nila ng bahay ay agad na sinalubong sila ng mga magulang ni GD at inakay ang elder.
"Kumuha ka ng dugo sa ref!" ang papa ni GD kay Daesung na agad naman kumuha ng dugo.
Ipinainom nito sa elder ang dugo, pulang mga mata at labas ang pangil pero hindi naghihilom ang mga sugat nito.
"Anong nangyari?Bakit hindi gumagaling ang sugat mo?" ang mama ni GD.
Dumating si Top na may dalang bandage at panlinis ng sugat. Nawalan ng malay ang elder habang ginagamot sya ng mga magulang ni GD. Matapos lagyan ng benda ang ang mga sugat ay iniayos nila ng higa sa sofa ang elder.
"Paano nyo nakita si Hyun suk?" takang tanong ng kapatid ni GD.
"Pauwi kami dito nang muntik nanamin sya mabangga, buti nakapagpreno agad si GD." kwento ni Daesung.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...