"GD kelangan na natin makausap ang elder at ang mga magulang mo, hindi na tama ang mga nangyayari." si Daesung.
"Papunta ako dun ngayon, mawawala ako ng ilang araw." si GD na inaayos ang mga gamit.
"Paano si Dara?"tanong ni Top.
"Makikipagkita ako sakanya bago ako umalis, kayo na muna ang bahala sakanya." si GD na umalis ng bahay.
"Bakit kumikilos nanaman ang mga clan?"nagtatakang tanong ni Taeyang.
"Malapit na ang red full moon, kaya minamadali nila ang pagkuha sa dugo ng royal family."si Seungri.
"Ibig sabihin nasa panganib nanaman si GD?"nanlaking mga mata ni Daesung.
"Ganun na nga, natatakot ang mga clan na oras na mainom ni GD ang dugo ng anak ng hari ay ito na ang magiging pinakamalas na bampira, katulad ng Lolo nya na napatay dati ng hari ng mga tao." si Top.
"Natatakot pa rin ba ang Hari natin na baka bawiin sakanya ang trono?"si Taeyang.
"Ganun na nga, kaya every red full moon, laging pinagtatangkaan ng mga ito na kunin ang anak ng hari ng mga tao para unahan si GD."si Top.
"Eh wala naman na plano si GD na bawiin ang trono sakanya, kaya nga binigay na ni GD at nang pamilya nya dahil ayaw nila pumatay ng tao at gusto nila mamuhay ng tahimik."si Seugnri
"Hindi mo masisisi ang hari kung bakit ganun na lang ang takot nya kay GD, dahil si GD ang nakasulat sa mga prophesy."si Top.
Samantala sa cafeteria..
"Hindi ka pa rin ba tinatawagan ni GD?"si Bom.
"Hindi pa din eh, nag-aalala ako baka may nangyari na dun or baka may sakit sya."si Dara.
"Hindi ka ba tinawagan ni Top?" si CL kay Bom.
"Hindi, wala naman akong number nun." sabi ni Bom.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ni Dara at napangiti sya nang makita na si GD ang tumatawag.
"Bakit hindi ka pumasok?Okay ka lang ba?Kumain ka na ba?" sunod sunod na tanong ni Dara dito. Natawa naman ang binata at napalingon silang tatlo at nakita si GD na nakangiti habang palapit sakanila.
"Sorry, hindi na ako nakatext sayo." si GD na hinalikan sa forehead si Dara at tumabi dito.
"Ikaw lang?"si Bom na tumingin sa paligid para i-check kung may kasama ba ito.
"Hindi papasok sila Top, bukas pa. Ano kinakain mo?" baling ni GD kay Dara.
"Ramyeon!" ngiti nya na pinakita pa dito ang bowl ng noodles nya.
"Panay ang noodles mo, kumain ka ng kanin kaya ang payat mo eh." tinitigan ni GD si Dara.
"Bakit?" kinapa ni Dara ang mukha nya para icheck kung may mumo nanaman sya.
"Hhhhmm, mamimiss lang kita."
"Bakit?" kunot noong tanong ni Dara.
"Aalis kasi muna ako."
"San ka pupunta?"
"Pupuntahan ko lang sila mama, nag kaemergency kasi."
"Pero okay lang ba sila?"
"Yep! Nagpunta lang ako dito para magpaalam sayo. Aalis na din ako, kelangan ko habulin yung flight ko."si GD na tumayo.
"Ngayon ka na aalis?" nalungkot na tanong ni Dara.
"Aaawwww, baby girl wag ganyan, baka hindi ako umalis." muling umupo si GD at niyakap si Dara.
"Mamimiss kita." yakap din ni Dara dito.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...