Chapter 16

322 15 0
                                    

Kinausap ni Dara ang mga magulang at sinabing hindi na nya kailangan ng mag hahatid at sundo sakanya dahil aagaw lang ng atensyon ito sa mga classmates at ibang students ng school. Idinahilan nya na kasama nya sila CL, Bom at Minzy kaya alam nya na walang mangyayari sakanya. Pumayag din naman kalaunan ang mga magulang nya sa kundisyon na kelangan nya matutong humawak at bumaril para na din sa kaligtasan nya.

"Ano sabi ng hari at reyna?" si Minzy pagkalabas ni Dara.

Naglakad sila papunta sa kwarto ni Dara. "Pumayag sila pero dapat matuto akong bumaril, turuan nyo ko." si Dara.

"Yun lang pala eh!Gusto mo ngayon na?" si Bom na inilabas ang baril. Binatukan ng mahina ni CL si Bom.

"Gabi na, gusto mo na mapagalitan tayo?" si CL. nagring ang cellphone ni Dara at napangiti nang makita kung sino ang tumatawag. Sumenyas sya sa mga kaibigan na papasok na sa loob ng kwarto.

"Hello" sagot ni Dara.

"Baby!MIss na kita sobra!!!" bungad ni GD sa kabilang linya.

"Miss na din kita, kelan ka uuwi dito?"

"Baka next week pa pero di pa sigurado, miss na miss na talaga kita. I wanna hug and kiss you."

Namula si Dara sa narinig at naisip, "Kamusta na sila mama at papa mo?"

"They're okay. Kamusta dyan?"

"Okay naman, medyo magulo this past few days pero okay naman na." si Dara na nagdadalawang isip na sabihin kung ano ang nangyayari sakanya at sa kaibiga nito.

"Good na okay ka lang, pag dating ko dyan let's go on a date."

"San naman tayo pupunta?"

"Hhhhmmm, kahit san, san mo ba gusto?"

"Hhhhmmm?Mag road trip na lang tayo then like the other time, manood tayo sunset."

"Okay, no worries kung ano gusto ng baby ko yun ang gagawin natin."

May narinig si Dara sa background na tumatawag kay GD. "Tinatawag ka na ni Mama mo."

"Oo eh, may ginagawa kasi kami. Ngayon na nga lang kita nakausap mabilis pa."

"Okay lang yan, may ibang time pa naman para makapagusap tayo."

"Okay, I have to go now baby, I miss you.I love you."

"I love you too. Bye."

Humiga si Dara at inisip na next week magkikita na sila ni GD. Nakatulog sya ng nakangiti at hindi iniisip ang mga masasamang bagay na nangyari at mangyayari.

Kinabukasan sa school nila ay maagang dumating ang teacher nila at lahat ay natahimik ng makita na may kasunod itong babae.

"Good Morning class, I want you to meet someone, she's your new classmate. Please introduce yourself." ngiti ni Ana.

"Hi!You can call me Kiko!My family just moved here from another country, hope to be friends with all of you." ngiti ni Kiko, ang bago nilang classmate.

Nagsipulan ang mga lalaki dahil kay Kiko.

"Boys!" natatawang sabi ni Ana, "You can sit beside Andrea." tukoy nito sa bakanteng upuan sa tabi ni Andrea.

"Hi!" bati ni Andrea dito, "Mukhang magkakasudo tayo." ngiti ni Andrea dito.

"Feeling ko din." ngiti ni Kiko, tinignan ni Kiko si Dara na nakatingin din sakanya. Nagulat si Dara at nginitian si Kiko, ganun din ang ginawa ng huli.

"Naramdaman mo ba?" si Taeyang kay Daesung.

"Oo, familiar din sya sakin." si Daesung na iniisip kung san nya nakita ang bagong student na si Kiko.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon