Chapter 40

228 16 1
                                    

Nilinis ng doctor ang sugat ni Dara at muling binendahan.

"Mukhang nagkaroon ng infection ang sugat ng princess." ang doctor sa hari.

"Pero bakit ganun ang amoy ng sugat ni Dara?" takang tanong ni Bom.

"Parang nabubulok na hindi maintindihan." si CL

"Kailangan kong makausap si Jasper at matanong kung bakit nagkakaganito ang anak ko ngayon." ang Hari na patuloy sa pag hawak sa kamay ng anak.

Samantala..

"Anong ibig mong sabihin na nagbago ang amoy ni Dara?" ang ama ni GD.

"Nagwawala yung bango ng dugo ni Dara." parang nakatingin sa kawalan si GD dahil nag-aalala ito sa kalagayan ng dalaga.

"Hindi kaya may lason ang kuko ng pinsan ni Kiko?" si Top na nandun ng makita nyang nasugatan si Dara.

"Possible yan." ang kapatid ni GD.

"Anong pwede nating gawin para mawala ang lason sa katawan ni Dara?" si GD.

Tinitigan sya ng ama nya bago nagsalita, "Titignan ko kung anong pwede natin maitulong sakanila." at umalis si Jasper.

Sa Palace..

"Okay lang ba si ate?" si Thunder na nakabantay sa gilid ng kama ni Dara.

"Bumaba na kahit papaano ang lagnat nya." si CL.

"Bakit parang biglaan yung lagnat ni ate?" takang tanong ni Thunder.

"Malamang masama na ang pakiramdam nya pero hindi sya nagsasabi satin." si Bom

"Magiging okay naman si ate diba?" lingon ni Thunder kila Bom at CL.

"Oo naman..Magiging okay si ate mo." si Bom na ginulo ang buhok ng kapatid ni Dara.

Muling tinignan ni Thunder ang kapatid na natutulog, makikita sa mukha ni Dara na nahihirapan ito. Hinawakan ni Thunder ang kamay ni Dara. 'Magiging okay din ang lahat ate' sa isip nya.

Dumating si Jasper sa palace kasama ang iba pang mga bampira na kasama nila sa grupo nila.

"Sila ba ang sinasabi mong ilalagay dito sa loob ng palasyo?" ang isang elder.

"Sila ang mga pinsan ko, katulad ko ay hindi sila sang ayon sa kung ano ang ginagawa ng iba naming kalahi lalo na ng hari namin." si Jasper.

"Makakaasa po kayo sa suporta namin." si Alex ang isa sa mga pinsan ni Jasper.

Matapos ang pagpupulong ay umalis ang lahat sa hall at naiwan si Jasper at ang hari.

"Jasper, gusto kita makausap tungkol sa anak ko." panimula ni Triton.

"Alam ko, nabubulok ang sugat ng princessa."

"Paano mo alam?" takang tanong nito sa kaibigan.

"Naamoy sya ng anak ko, nagbago daw ang amoy ng princessa."

"Anong pwede natin gawin? Habang lumalapit ang pag sapit ng red full moon ay lalo nanghihina si Dara." tanong ng hari sa kaibigan.

"Kailangan matanggal ang lason sa loob ng katawan ng princessa." seryosong sabi nito.

"Ipapahanda ko ang pag tanggal sa lason sa katawan nya sa doctor." akmang aalis na ang hari ng pinigilan ito ni Jasper.

"Walang magagawa ang doctor mo."

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ng hari

"Tanging ang dating prinsipe lang ang makakatanggal ng lason sa katawan ng anak mo."

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon