"Dara!" sigaw ni Bom nang mapansin nya na papalapit na dito ang isa pang bampira habang nakatilikod si Dara, mabilis na kumilos si Bom para harangan si Dara at hindi naman sya nabigo, bago pa man makalapit ang bampira kay Dara ay na saksak na nya ito ng sword nya.
"Okay ka lang ba?" si Bom na tinignan ang katawan ni Dara na tila ba iniinspect kung may sugat pa ito bukod sa tagiliran nya o wala na.
"Okay lang ako. Ang braso mo." si Dara na hinawakan ang braso ni Bom na may kalmot dahil sa pakikipaglaban.
"Okay lang ako." si Bom na ngumiti kay Dara.
"Matatawagan mo ba sila sa bahay?" si Cl na patalikod na nakalapit sakanila dahil sa kalaban.
"Walang reception dito." si Bom na tinry na kanina tumawag para humingi ng tulong.
"Panigurado na hahanapin nila ito dahil malalaman nila na wala si Dara sa loob ng bahay. Darating din sila pero sa ngayon kailangan natin gawin ang lahat para hindi mapahamak si Dara." si Cl.
Tuloy sa pakikipaglaban ang tatlo, kahit nahihirapan na si Dara at tila nahihilo na ay tuloy sya sa pag asinta sa pag baril, mabuti na lang ata tama ang naging desisyon nya na lumapit kay Minzy at Bom para turuan syang humawak ng baril. Napahawak si Dara sa tagiliran nya at nakita nya ang mga kamay na may dugo, bumuka nanaman ang sugat nya. 'kelan ba gagaling ang sugat nito, anong klaseng lason ba ang nilagay sa katawan ko?' si Dara sa isip. Maya-maya ay parang nakakita sya ng liwanag at nanlaki ang mga mata, naalala nya na dugo nya ang papatay sa mga bampira.
"CL!Bom!" tawag nya sa dalawang kaibigan na nakikipaglaban. Mabilis na nilapitan nila si Dara at alisto parin sa paligid at sa mga kalaban. "Ang dugo ko, ipahid nyo ang dugo ko sa swords nyo, mamatay agad sila." si Dara.
"Pero pag ginawa natin yan baka tuluyan ka nang manghina Dara." nag aalalang sabi ni CL.
"Hindi, okay lang ako ang importante ligtas tayo." pilit ni Dara.
"Kaya pa naman namin, last resort na natin yan" sagot ni Bom.
Lumapit si Dara kay Bom at walang sabi sabi na hinawakan nito ang talim ng sword at inislide ang kamay dahilan para magkadugo ang sword nito.
"Dara!" si Bom na hindi makapaniwala sa ginawa ng kaibigan.
"Ngayon CL, yung tumutulo kong dugo kunin mo." utos ni Dara sa kaibigan.
Agad na kumilos si CL hindi para ipahid ang dugo sa sword nya kung di para balutan ng tela ang kamay ng kaibiga.
"Anong ginagawa mo?!" si Dara
"Ano pa eh di tinatakpan natin ang sugat mo."
"Kunin mo sabi ang dugo hindi ko sinabi na takpan mo sugat ko."
"Dara wag matigas ang ulo." si Cl na naiinis na dito.
"As your princess I command you to take my blood!" puno ng authority na sabi ni Dara.
Napatigil si CL sa ginagawang pagbebenda sa kamay ng kaibigan, maging si Bom aya parang naging statue sa kinakatayuan. Napatigin si CL kay Dara at nakita nito ang mukha ng kaibigan. Sa unang pagkakataon ay sinabihan sila ni Dara at inutusan hindi bilang kaibigan kung hindi bilang princess nila. Walang nagawa si CL kung hindi sundin ito.
"Hindi ka talaga papatalo noh?" amused na sabi ni CL dito and patted her head.
Ngumiti si Dara dito. Matapos gawin ni CL ang pinapagawa ni Dara ay muli itong humarap sa mga kalaban but this time, takot na lumapit ang mga bampira sakanila. Nagkatinginan si Bom at CL at sabay na sumugod sa mga kalaban.
Samantala..
"Padaanin nyo kami!" si GD sa kambal.
"Ano ba sa tingin nyo ang ginagawa nyo?" si Taeyang.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
WampiryDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...