Chapter 43

243 14 0
                                    

"Bakit parang hindi nauubos ang kalaban?" tanong ni CL na napapagod na dahil sa magdamag na nyang pakikipaglaban.


"Dahil ilang araw na lang ay red moon na, kailangan nila makuha si Dara, pero hindi ko hahayaan na mangyari yun." si GD na sumugod sa mga kalaban.

"Bom!" napalingon sila ng madinig ang sigaw ni Top.

Nakadapa si Top na tila ba may inaabot sa ngayon ay bangin dahil sa nabiyak na sahig. Hawak hawak nito ang kamay ni Bom para hindi ito tuluyang mahulog. Nakita ni GD na palapit si Sander kay Top, pupuntahan nya sana ito pero naharangan agad sya ng iba pang bampira. Naiinis na kinalaban nya ang mga ito. Tinignan nya sila Taeyang pero maingat na nakikipaglaban ito kay Minzy, ganun din sila Seungri at Daesung.

"Aaaahhhh!!!" napasigaw si Top ng tusukin ni Sander ng kuko nito ang balikat ni Top, nangmakita ni Sander na dumudugo na ang braso nito ay tinapakan naman nya ito.

"Top bitawana mo na ako" naluluhang sabi ni Bom, tumutulo na sakanya ang dugo ni Top mula sa braso nito.

"Hindi kita bibitawan, kumapit ka lang.Wag kang bibitaw." si Top na tinitiis ang sakit.

Lalong diniinan ni Sander ang pagkakaapak sa braso ni Top, nakita ni Bom na napapikit si Top. Nagmulat si Top at nginitian si Bom. "Wag kang bibitaw." si Top kay Bom. Nakikita ni Bom na papalit palit ng kulay si Top from brown to red to brown again. Pinipigilan ni Top na lumabas ang pangil nya sa harapan ni Bom, natatakot sya sa pwedeng maging reaction ng dalaga. Itinaas ni Sander ang paa at ubod ng lakas na inapakan nya ang sugat ni Top, inulit ulit nya iyon. Naiyak si Bom dahil lalong humigpit ang hawak ni Top sakanya kahit na nasasaktan na ito.Tumutulo ang dugo ni Top sa mga kamay ni Bom.

"Bitawan mo na ako Top.." umiiyak na sabi nya.

"Hindi kita bibitawan Bom. Hindi ko hahayaan na mawala ka sakin."may luhang lumabas sa mga mata ni Top.

"Dito ka na lang ba matatapos Top?" tumatawang tanong ni Sander. "Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako napabilang sa 5 armies?Salamat sayo at naging magaling ako sa pakikipaglaban. Dahil sa pangangantyaw mo nung mga bata pa tayo at dahil sa lagi mo akong natatalo kahit na mas mataas ang clan namin kesa sa clan mo." si Sander na idiniin ang pagkakaapak. "Nasan na ngayon ang ipinagmamalaki mong galing?" tumatawa si Sander dito. "Sumagot ka! Itatapon mo ang lahat para lang sa babaeng yan?!" naiinis na tanong ni Sander kay Top.

"Oo, kaya kong talikuran at isakripisyo ang lahat para sa babaeng to." seryosong nakatingin si Top sa mga mata ni Bom.

"Top.." umiiling iling si Bom dito habang umiiyak. Gamit ang isang kamay ay pinipilit nyang tanggalin ang pagkakahawak ni Top sakanya.

"Ipokrito!" sigaw ni Sander at ubod lakas nyang tinapakan ang sugat ni Top dahilan para lumuwag ang pagkakahawak nya kay Bom. Agad naramdaman ni Bom ang pagkakaluwag ng kamay ni Top at kusa syang bumitaw.

"Bom!" sigaw ni Top kay Bom na nakangiti sakanya. "No!" hindi na ito nagisip na tumalon para sundan si Bom.

"Top!" sigaw ni GD

"Bom!" sigaw naman ni Dara

"Yun na yun?" si Alex kay Sander. Nagkibit balikat lang si Sander at bumaling kila CL at GD.

"Kaya mo pa?" tanong ni GD kay CL

"Anong klaseng tanong yan?" naiiritang sagot ni CL dito.

"Malakas si Sander CL, papaalalahanan lang kita. This is not the time para magtalo tayo dahil sa nalaman nyo." paalala ni GD.

"I know." tanging tugon ni CL at sumugod si Sander sakanilang dalawa.

Samantala..

"Minzy, wako to si Taeyang!" pilit na pinapaalala ni Minzy kung sino sya. Hindi umimik si Minzy at patuloy ito sa pag atake kay Taeyang. Maya-maya ay ang inatake naman nito ay si Sir Josh.

"Minzy wag mo kalabanin ang papa mo!" sigaw ni Dara dito pero parang wala itong narinig. Hindi umaatake si Sir Josh at puro pansasalag lang ang ginagawa nito.

Naramdaman ni Dara na gumalaw si Thunder. "Thunder." haplos ni Dara sa pisngi ng kapatid. Tuluyan itong nagising at bumango. "Si Papa?!" hysterical na tanong ni Thunder.

"Okay si Papa, anong nangyari sayo?Okay ka lang ba?Wala ka bang sugat?"

"Umiinom lang kami ni Papa ng tea naramdaman ko na lang na nahulog ako sa upuan the next thing i know, may lumabas na vampire."

Hindi alam ni Dara ang sasabihin at niyakap nya ng ubod ng higpit ang kapatid, tumayo sila at hinarap ni Dara si Kiko na nakatingin lang sakanilang magkapatid.

"Tapos na ang drama nyong magkapatid?" humikab pa ito tanda na nabobored na sya.

"Ano bang kailangan mo Kiko?!Bakit mo ba ginagawa to?!" si Dara

"Are you that dumb Dara?I mean, lahat naman inexplain sayo kung bakit diba? Una, kailangan ka makuha ng father ko second and lastly ayoko sayo dahil inagaw mo si GD sakin. Ngayon naiintindihan mo na?" naiinis na explain ni Kiko dito.

"Wala bang ibang paraan para matapos to?!"

"Meron, pag namatay ka matatapos lahat ng kaguluhan na to Dara."

Hindi nakaimik si Dara.

"Ano di ka na nakaimik dyan?Kaya ka kailangan kunin ni Daddy ay para patayin ng walang maging reason para mawala sya sa trono nya."

"Tigilan mo na ang sinasabi mo!walang sense ang lahat ng yan!" si Thunder na sumugod kay Kiko.

"Thunder!" akmang susunod si Dara sa kapatid pero kumirot ang sugat nya dahilan para mapaluhod ito. Hinawakan nya ang tagiliran nya, at tumingin sa kapatid na ngayon ay nakikipaglaban kay Kiko.

"Thunder!!" sigaw ni Dara ng makita kung aano itinapon ni Kiko si Thunder sa bangin, pero mabilis ang reflex ni Thunder kaya imbis na mahulog ay napunta ito sa kabilang side.

"Tss!" pumadyan ito dahil hindi nya alam kung makakabalik pa sya sa side nila Dara. "Okay lang ako ate!"

Nakahinga ng maluwag si Dara, pinilit nyang tumayo at hinarap si Kiko. Sumugod si Kiko at naharangan naman agad ni Dara ang atake nito. Kailangan nyang kayanin makipaglaban dahil ayaw nyang maging pabigat sa mga kasama na nakikipaglaban din para maprotektahan sya.

"Marunong ka din pala." nakangiting sabi ni Kiko.

"Lahat ng princess kailangan matuto makipaglaban." si Dara.

"That's why they trained me." si Kiko.

Ngumiti si Dara, "Are you really a princess?by blood?" pangiinis nito.

"by blood or hindi, princess pa din ako!" inis na sabi ni Kiko. Patuloy na naglaban sila ni Dara hanggang sa natamaan ni Kiko ang kamay ni Dara na may hawak ng sword. Tumalsik ang sword at mabilis na umtras si Dara palayo kay Kiko.

"What now princess?" tanong ni Kiko na nakangiti ng nakakaloko.

Tinignan ni Dara ang sword, iniisip nya kung paano makukuha ang sword bago pa sya maatake ni Kiko pero mukhang nabasa ni kiko ang iniisip nya ant sinipa nya papunta sa bangin ang sword.

"Pano ba yan?Wala ka ng pwedeng ipanglaban?" ngumiti si Kiko at tumakbo ng mabilis palapit kay Dara para atakehin ito.

"Ate!!" sigaw ni Thunder nang makita nya ang nangyari. Naiinis sya dahil wala syang magawa, naisip nyang hanapin sila Jasper kahit na ayaw nya. Dahil sila lang din ang makakatulong sakanila.


A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon