"Papa si ate!" bungad ni Thunder na hinihingal pa dahil sa pagtakbo.
Agad naman napatayo ang hari at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Dara. Naabutan nya sila CL na nakaupo sa kama ni Dara.
"Anong nangyari?" nag aalalang tanong ng hari.
"Tumigil po sa pagtibok ang puso ni Dara pero okay na sya ngayon. Mataas po ang lagnat nya mahal na hari." si Minzy.
"Wala pa bang balita ang mga elders?" nilapitan ng hari si Dara at kita nya sa mukha ng anak na nahihirapan ito.
"Wala pa po mahal na hari." si Sir Roy.
"Parang lalong lumalala ang sitwasyon ni Dara."
"Papa hindi na ba gagaling si ate?" naiiyak na tanong ni Dara.
"Gagaling sya. Magtiwala lang tayo." hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ng dalawang anak.
Sa school.
"Hindi nanaman pumasok si Dara?" si Andrea kay Bom at CL.
"Yung totoo Andrea?" sarcastic na tanong ni Bom.
"Pag umaabsent ka hindin naman namin pinapakialamanan." si CL
"Mataas pa din ba lagnat ni Dara?" nag aalalang tanong ni GD.
"Oo eh, mukhang dahil sa trauma at shock na naranasan nya this past few days." si Bom.
"Gusto ko sana sya dalawin, pwede ba?" tanong ni GD.
"Sorry GD pero hindi pwede, strict kasi ang papa nya.Wag ka mag alala marami naman tumitingin kay Dara sa bahay nila." pagbibigay assurance ni CL sa binata.
Matapos ang buong araw ay gumaan gaan na ang pakiramdam ni Dara. Pagmulat nya ng mga mata ay nakita nya ang kapatid na natutulog sa upuan. Tumyo sya at kinumutan ang kapatid. Lumabas sya para magpahangin. Nahihilo pa rin sya at nanghihina, umupo sya sa swing na nasa botanical garden malapit sa kwarto nya.
"Dara!" si Minzy na nag aalalang hinubad ang jacket at ipinatong dito.
"Okay lang ako Minzy, gamitin mo na to at malamig."
"Okay lang ako, gamitin mo na to, Ano ba ang ginagawa mo dito?" umupo ito sa tabing swing si CL sa harap nya at si Bom sa gilid nya.
"Nagpapahangin lang. Sumakit katawan ko kakahiga maghapon eh."
"Oh, pinabibigay ni GD." abot ni CL sa three red roses at isang maliit na stuff toy. Napangiti syang kinuha ito.
"Nag aalala sayo sila GD, gusto ka nya puntahan pero alam naman natin na hindi pwede kaya ayan, pinabigay na lang nya." si Bom.
"Picturan mo ko." si Dara kay Minzy.
Pinicturan naman sya nito na nakangiti habang hawak ang bigay ng boyfriend. Sinend ni Minzy ang picture kay GD. Wala pang ilang minuto ay tumawag si GD kay Minzy.
"Oh si GD. Di na nakapaghintay." natatawang sabi ni Minzy.
Kinuha ni Dara ang cellphone ni Minzy para makipag usap sa boyfriend habang ang mga kaibigan naman nya ay lumayo para bigyan ng privacy ang pag-uusap ng dalawa.
"Hello!" masiglang bati ni GD.
"Thank you sa flowers." hindi mapigilan na mapangiti ni Dara habang inaamoy amoy ang mga bulaklak.
"Kamusta na pakiramdam mo?Namimiss na kita sobra." si GD sa kabilang linya.
"Okay na ako, namimiss na din kita. Sorry kung hindi kita napapansin lately."
"I understand baby, gabi na bakit hindi ka pa nagpapahinga?"
"Halos kagigising ko lang, iniwan ko si Thunder sa loob ng kwarto natutulog pa din."
"Hindi pa din ba sya natutulog sa kwarto nya?"
"Hindi eh, namimiss nya kasi si mama." muli nalungkot ang boses ni Dara.
"Pag okay ka na labas tayo sa isang araw?"
"Ayaw mo bukas?" si Dara na nakalabi.
"Pwede ka na ba bukas?"
"Okay naman na ako."
"Okay sige sunduin kita bukas san ba banda bahay nyo para sa harap na kita susunduin."
"Wag na sa may shed na lang ulit. Isasama ko sila CL, Bom at Minzy okay lang?"
"Hmp!Sige na nga! Isasama ko na din tong mga mokong na to."
Nadinig ni Dara na nag react ang mga kaibigan nila sa background ni GD.
"See you tom, ibabalik ko na kay Minzy yung phone."
"Okay sige. I love you!"
"I love you, bye!", nilapitan ni Dara ang mga kaibigan na naguusap at inabot ang cellphone.
"Tapos na kayo magusap?" si Minzy
"Hindi, hindi pa sila tapos mag usap kaya binabalik na nya sayo yung phone mo." si Bom na niloloko nanaman si Minzy na natatawa.
"Bukas susunduin tayo ng mga boys, di ko pa alam kung san tayo pupunta pero sabi ko kasama kayo." pag-iinform ni Dara.
"Bukas?Pero hindi ka pa magaling."si CL.
"Feeling ko lalo lang ako manghihina dito sa loob ng palasyo. I need some fresh air." simpleng ngiti ni Dara.
"Okay lang yan CL!"si Bom na inakbayan si Dara. "Para din naman sumigla ulit tong princessa natin."
"Kaya nga!" segunda ni Minzy.
Tinignan ni CL ang tatlo na nag puppy eyes para maawa sya. "Sige na nga!"
"Yes!" sabay sabay ang tatlo na napatalon. It's been a long time since they go out with their friends. CL realized that Dara needs to breathe from all the stress and depression she suffered.
Kinabukasan ay nakita nila Dara na nag aabang ang mga kaibigan nila sa may waiting shed. Kinawayan nila ito habang si GD naman ay patakbong sinalubong si Dara at nang makalapit ay niyakap nya ito ng sobrang higpit bago hinalikan sa labi.
"Ehem!" napatingin si GD sa napaubo na nasa likod ng girlfriend.
"GD kapatid kop nga pala, si Thunder. Thunder sya yung kwinekwento ko sayo, boyfriend ko si GD." pagpapakilala ni Dara sa dalawa.
Napakamot si GD sa ulo at namula dahil na rin sa pagkapahiya. "Hello!" simpleng bati nito. Nginitian lang sya ni Thunder.
"Ayan!Sugod kasi ng sugod eh." natatawang sabi ni CL.
"Hindi makapaghintay?" si Seungri na nasa likod na nila.
Nagbatian ang mga ito at ipinakilala ang kapatid ni Dara. Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay magkatabi sa harapan si Dara at GD habang magkahawak kamay. Magulo sa likod dahil kay Bom at Top na nagiinisan, nakapag adjust na din si Thunder at nakikipaglokohan sa mga ito, nakatingin lang si Dara sa rearview mirror at napansin ni GD na naluluha si Dara.
"What's wrong?" mahinang tanong ni GD na nag aalala.
"Wala, ngayon ko lang kasi ulit nakita na ngumiti si Thunder. Sorry kasi sinama ko sya."
"Wag kang magsorry, mas maganda nga na sinama mo sya atleast nakilala ko na sya." hinila ni GD palapit si Dara na napasandal naman sa balikat ni GD.
"Thank you." si Dara at hinalikan ni GD ang ulo nito.
"Ano ba yan!" si Minzy.
"Nilalanggam na kami!" si Daesung na nagaktong nangangati. Napalingon si Dara sa mga kaibigan at nakita ang mga mapanuksong ngiti ng mga ito. Kwentuhan, biruan at kain ng chips habang bumabyahe sila papunta sa beach kung saan napagkasunduan na maliligo sila.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...