Chapter 3

590 22 3
                                    

Dara cannot explain what she's feeling right now. Third time na nyang nakikita ang binata, and to her amusement, naging classmate nya pa ito.

"Get away from her." hinawakan ni Cl ang kamay ni GD para alisin ang pagkakahawak nito kay Dara. Nakapwesto si Bom at CL sa harapan ni Dara, acting as her shield.

"Woah!" si Taeyang na mabilis na humarang sa pagitan.

"Bakit masyado ka naman hot CL?" tanong ni Seungri sakanya.

"Bigla na lang nya hinawakan ang kamay ni Dara ng walang sabi sabi. What do you want from her?" si Bom kay GD.

"Nothing! I just want to be close with her. atleast hindi ko na hihintayin na magkita kami sa coffee shop."sagot ni GD na ikinatingin ni CL at Bom kay Dara na napangiwi ng makita ang mapagtanong na mga mata ng kaibigan.

"I met him sa coffee shop but I saw him outside our room before that." si Dara.

"And you agreed to meet him again at the coffee shop?" si Bom.

"Well..." tanging nasabi ni Dara.

"Im glad to know na okay ka lang." si GD kay Dara. umalis sa pagkakaharang sila Bom at Cl nang mapansin na GD will not cause any harm to her. Ngiti lang ang isinagot ni Dara dahil hindi nya alam kung ano ang isasagot sa binata.

"So sya ang sinasabi mo?" akbay ni Daesung kay GD na nakatingin kay Dara.

Isa isang nagpakilala ang mga ito sakanya.

"Pa-bida nanaman." parinig ni Andrea, nilingon ng lahat si Andrea na nakaupo.

"Yung totoo Andrea?Wala ka bang magawang maganda dyan sa buhay mo?" si Bom.

"Wag mo na patulan Bom."si Dara.

Parang mga langgam na nagbalikan sa pwesto nila ang mga students nang dumating ang teacher nila. GD gazed at Dara and sweetly smiled at her, Dara smiled back to GD.

"Uwi na tayo."si Minzy na pumasok sa classroom nila Dara.

"Tara."si Bom.

"Dara.." tawag ni GD sakanya.

"GD, Bakit?"

"Pwede ba tayo dumaan sa coffee shop?"

Tumingin si Dara kila Minzy, Bom at CL.

"Pwede mo naman isama ang mga friends mo, my treat!" ngiti ni GD.

"Wow galante! Kasama ba kami sa treat mo?" biro ni Top.

"Mas madami kang pera kesa sakin kaya KKB tayong lima."si GD.

"Grabe!ang kuripot!"si Seungri.

"So payag ka?kayo?"si GD.

Tumingin si CL sa relo nya, "Pwede na ba ang 30 minutes?"

"Ang bilis naman!" angal ni GD.

"Tara uwi na lang tayo." akmang tatalikod si CL nang sumigaw ng "Oo!" si GD.

Naglakad sila papunta sa coffee shop at umorder ng lagi nilang kinakain.

"Bakit pala hindi ka pumasok kaninang umaga Dara?"si Daesung.

"Sumama kasi pakiramdam ko, taz nang umokay na, nagdecide na lang ako na pumasok kasi wala naman akong ginagawa sa bahay."

"Ah okay, magkakalapit lang ba bahay nyong apat?"

"Magkakasama kami sa iisang bahay." si Minzy.

"Cool! Kami din mgkakasama, how unfortunate." sumimangot si Taeyang.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon