Chapter 18

306 16 0
                                    

"Are you serious?!Para lang sa nangyari na yan sisipain mo sya?" si GD na nakayakap kay Dara. Nakita nito kung ano ang nangyari, sosorpresahin sana nya si Dara pero sya ang nasorpresa nang makita na may gustong manakit sa dalaga.

"Paano kung mamatay ako?" si Kiko.

"We both know na hindi mamngyayari yun." seryosong nakatingin si GD kay Kiko.

Dumating na din sila CL at Top at nakita nila na andun na si GD.

"GD!" si Taeyang na tinapik ito sa balikat.

"Anong nangyari?" si CL na nagtataka at napatingin kila Kiko.

Kiko smirked at him, "I believe I'm the only person who knows the truth other than them." tukoy nya kila Daesung, Taeyang at Top.

"Aha!" si Daesung na napasnap pa ang mga daliri.

"Now you recognized me." ngiti ni Kiko kay Daesung.

Napapailing na lang si Daesung at napatingin kay GD na seryosong nakatingin. Naramdaman ni Dara na humigpit ang yakap sakanya ni GD. Umiiling iling si Kiko na umalis at tumawa.

"GD" mahinang sabi ni Dara. Tumingin si GD sakanya atsaka ngumiti.

"I missed you." he gave her a smack on  her lips dahilan para kantyawan sila ng mga classmates nila. Sa sobrang pagkapahiya ni Dara ay namula ito ng husto at lumayo kay GD. Natawa naman si GD sa cuteness ng reaction ni Dara.

"Kamusta?Biglaan ba ang dating mo?" si Bom kay GD.

"Oo eh, narinig ko kasi boses ni Dara ulit kaya minadali ko kelangan ko asikasuhin para makabalik na agad dito." pinisil pa ni GD ang pisngi ni Dara. "Nasan pala si Seungri?" takang tanong nya ng hindi makita ang kaibigan.

"Nasa bahay." si Top.

"Bahay?" napakunot noo nito. "Bakit ano nangyari?" tanong nya sa mga ito.

"Sa bahay na lang natin pag usapan." si Taeyang.

Diniscuss nila kay GD kung ano ang mangyayari sa festival nila, game naman ito sa nalaman.

"Kilala mo si Kiko Dae?" si Taeyang kay Daesung, nasa labas sila kasama si Top habang si GD ay naiwan sa loob at kasama si Dara.

"Hindi nyo ba sya natatandaan?" si Daesung.

"Hindi, sino ba sya?"si Top.

"Sya si Kiko ang anak ng hari."

"Hari?Hari natin o hari nila?" naguguluhan na tanong ni Taeyang.

"Natin."

"Hala!Sya ang fiance ni GD?" si Top na hindi makapaniwala.

"Hindi naman tinanggap ni GD as fiance nya si Kiko, pinagkasundo lang naman sila ng mga Lolo nila." si Daesung.

"Gulo to" simpleng sabi ni Top.

"Totoo, alam naman natin na patay na patay yang si Kiko kay GD. Kaya nga panay ang iwas ni GD eh." si Daesung na tinutukoy ang palipat lipat nila ng bansa at school para lang maiwasan si Kiko.

"Parang ang seryoso ng usapan nyo ah!" si Minzy na ikinalingon nilang tatlo.

"Uy Minzy! Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Daesung.

"Papunta ako sa principal's office eh nakita ko kayo kaya nilapitan ko muna kayo."

"Ahhh, samahan na kita." si Daesung at umalis na sila.

"Sumisimple ata si Daesung eh." si Top na tinignan nila ang kaibigan kasama si Minzy na palayo.

"Love is in the air. Ano ba yan." si Taeyang na tumawa.

"Nababaliw ka nanaman tara na nga." si Top na tumalikod at naglakad pabalik sa classroom nila.

"So ito mga notes mo, ipinagsulat na kita para hindi ka na mahirapan." si Dara na inilabas sa bag ang notebook ni GD at ipinakita dito ang mga nakasulat sa loob. Nang tignan nya ito ay hindi ito nakatingin sa notebook pero nakatigtig ito sakanya habang nakangiti at nakapangalumbaba. Natawa naman si Dara sa itsura ng boyfriend. " Ano ba GD, dito ka tumingin." hinawakan nito ang ulo at itinungo ang ulo para tignan ni GD ang notebook pero pagkabitaw nya sa ulo ng binata ay automatic na tumingin ulit ito dito.

"Hay naku," umiiling iling si CL na "Wala ng pag asa yang si GD"

"Kung nakakatunaw lang ang tingin tunaw na tunaw na si Dara." si Bom.

"Ilang linggo ko din di nakita si Dara ah, pag bigyan nyo na ako." si GD na tinignan sila at ngumiti.

"Asus!" sabay na sabi ni Bom at CL.

Lumipas ang mga araw at lagi silang magkadikit at magkasama, nasa bahay sila ni GD ng pumipili sila ng mga damit na pwede nilang imodel sa school festival nila. Tuksuhan at biruan habang ginagawa nila iyon. Araw ng festival.

"Nakakakaba." si Dara na nasa likod ni CL, nasa loob sila ng gymnasium para sa opening ceremony ng festival nila.

"Kaya mo yan." si Bom naman kay Dara.

Isa isang nagsalita ang mga teacher's nila ganun na din ang principal nila. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating ang mga knights at kasama ang hari at reyna. Ang lahat ay nagbigay galang sa royal family. Umakyat ng stage ang hari at reyna, nakipagkamay sa mga teachers at tumapat sa microphone ang hari at iginala ang paningin, nang makita ang anak ay ngumiti ito.

"This is a special day for all of us, I remember the time when I have to hide my identity in order to study here, masyadong matigas ang ulo ko and I told my father that time, Na gusto ko mag aral na parang normal na tao, I'm fed up being inside those walls. So he decided to hide my identity as a prince and enrolled me here but ofcourse alam ng mga teachers kung sino talaga ako. Ginawa ko sya sa anak ko, I love her and I don't want her to stay inside the palace all her life, but she still studying the manual of being a princess as well as my son. I hope one day there will be no hiding of identities, and I'am assuring you, matatapos din lahat ng kaguluhan na nangyayari and I will stand and fight to protect my people!" ang hari.

Ang lahat ay nagpalakpakan sa speech ng hari. Umalis din ang hari at ang reyna, at nagstart na ang festival. Ibat' ibang students from different schools ang nagpunta at bumisita sa school nila. Open house for 1 week. Busy sila Minzy sa cafeteria nila at pumunta sila CL para tignan at i-try ang pinagmamalaki nitong own recipe ng red velvet nya, nilagyan nya daw ito ng twist.

"Welcome Masters and Mistresses." bow ni Minzy sakanila pag kapasok nila sa loob ng maid cafe nila. Natatawa naman ang mga lalaki lalo na si Daesung dahil sa role playing nito.

"Umayos ka baka matuktukan kita." nakangiting bulong ni Minzy kay Daesung.

Pumwesto sila sa loob at umorder. Tumingin sila at mukhang madaming lalaki ang nakatingin sa bawat kilos ni Minzy.

"Mukhang madaming fans si Minzy ah." si Top.

"Madami nagkakagusto dyan kay Minzy, hindi lang nya pinapansin masyadong suplada." si Bom na natatawa nang maalala nya na may nagbigay ng love letter dito at pinunit nito sa mismong harap ng lalaki ang sulat at tumakbong umiiyak ang lalaki palayo sakanila.

"Baka naman may ibang gusto na din si Minzy." si Seungri na nakatingin kay Daesung.

"Wala naman sya nakwekwento." si CL.

"Okay na ba sugat mo?" si Dara na tinanong si Seungri, alam na ni GD kung ano ang nangyari sa mga panahon na wala sya.

"Ah, oo okay na." ngiti ni Seungri dito.

Nagkwentuhan pa sila at kumain bago umalis at mag paalam kay MInzy para naman pumunta sakanilang sariling show.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon