Chapter 50

257 15 4
                                    

"Wala bang katapusan tong tunnel na to?" si Bom  na tumatakbo, nasa likod ito ni Dara habang si CL naman ang nauuna.

"Kailangan natin mailayo si Dara dito." si CL na napapailing dahil sa hindi malaman ang gagawin.

"Ugh!" biglang napaluhod si Dara.

"Bakit?" sabay na nagaalalang tanong nila CL at Bom. Nakita nila na hawak hawak ni Dara ang tagiliran na dumudugo.

"Umaatake nanaman ba ang lason sa katawan mo?" si CL.

"Hindi ko alam, pero wag nyo ko pansinin kailangan natin makaalis dito." si Dara na pilit tumayo.

"Pumangko ka sakin." si Cl na nakatalikod kay Dara.

"Hindi na, kaya ko pa naman." nahihilong tanong ni Dara.

"Wag ng matigas ang ulo Dara, kailangan natin bilisan ang kilos baka maabutan tayo nila Kiko at Minzy." si Bom.

Sumunod si Dara dito at pumangko kay CL, matapos nun ay tumakbo sila. Habang tumatakbo ay napalingon sila CL at Dara sa narinig na kalabog sa likod.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Cl kay Bom.

"Tuloy lang kayo sa pagtakbo, baka may mahinang pader dito na pwede kong matulak." si Bom na patuloy sa pag kalampag at pagkalabog ng mga pader habang tumatakbo. At hindi nga nagkamali si Bom, sa sumunod na kalampag nya sa pader ay bumigay ito at tumambad sakanila ang tila isang garden. Lumabas si Bom at siniguro nito na walang kalaban bago pinalabas sila Dara at CL, nagtago sila sa likod ng malalaking halaman.

Sinira ni CL ang damit ni Dara at nakitang bumuka nga ito at nagsstart na magkaroon ng amoy na parang nabubulok. "Umaatake nanaman ang lason." si CL na pumunit sa damit nya at ginawang benda sa sugat ni Dara.

"Hindi kaya dahil nandito tayo sa teritoryo nila at mamayang gabi ay red moon na?" si Bom.

Inilibot nila ang paningin, madilim pa din, parang walang nagbago sa kulay ng kalangitan simula ng umalis sila sa bahay nila GD. Pag tingin ni CL sa relo ay nakalagay na 6:30am na. 'May araw na dapat.' sa isip isip ni CL. Kinakabahan sya dahil maaring may mga lumabas na mga kalaban at dalawa lang sila ni Bom na propprotekta kay Dara na nanghihina na.

"Dara, kailangan natin magpalit, iyo tong baril." ibinigay ni Bom ang baril kay Dara at kinuha ang pen ni Dara.

"Pero Bom, mas gamay mo ang pag gamit ng baril." nag-aalalang sabi ni Dara dito. Makikita din sa mukha ni CL ang pag-aalala dahil hindi sanay si Bom sa pag gamit ng sword.

"Okay lang ako, kaya ko pa rin makipaglaban, ang importante, maligtas ka." ngiti ni Bom at hinawakan ang mga kamay ni Dara. "Kahit na anong mangyari Dara, kailangan mong makasurvive. Kailangan na maging queen ka ng bansang to." si Bom.

"Bom, ayoko ng tono ng pananalita mo." umiiling iling si Dara na tila ba iyon na ang huling sandali nila na magkakasama.

Ginulo ni Bom ang buhok ni Dara, "Hindi ko pa rin magets pano nagawa ng mga elders ang sword na to." tinitignan tignan pa ni Bom ang pen.

Niyakap ni Dara ng sobrang higpit si Bom, "Promise me we will go home together." umiiyak na sabi ni Dara kay Bom. Walang sagot na narinig si Dara, tanging mahigpit na yakap ang itinugon nito sa sinabi nya. Napabalikwas sila nang marinig ang boses ni Kiko.

"Wag na kayong magtago dyan sa likod ng halaman dahil amoy pa lang ninyo alam ko na." si Kiko.

Tumayo ang tatlo mula sa pagkakaupo.

Kiko smirked, "So nanghihina na si Dara, totoo nga na walang silbi ang panganay ng mga royal family lalo na pag malapit na ang red full moon."

Sa sandaling yun ay naglabasan ang mga bampira, before they knew it, they were surrounded by them.

"So matira matibay tayo ngayon?I guess i will be watching and play for a little bit." nakangiting sabi ni Kiko na umupo sa upuan.

Pag kaupo ni Kiko ay doon sabay sabay na sumugod ang mga bampira, Kanya kanyang laban ito, kahit na nanghihina si Dara ay bumabaril sya, si CL at Bom ay nakikipaglaban gamit gamit ang mga swords nila.

"Just wait for a bit Minzy," pigil ni Kiko kay Minzy na akmang pupuntahan ang tatlong babaeng nakikipaglaban. "Save the best for last ika nga." si Kiko na tumawa pa.

"Nababaliw na ata talaga yang babaeng yan." si Dara na inis na inis dahil nanghihina na talaga sya.

Samantala..

"Yaaaah!!!" sigaw ni GD at nagpakawala ng isang malakas na suntok sa pader na nagkaroon na ng lamat dahil sa walang tigil na pagsuntok nilang lima dito, bumagsak ang pader.

"Dara?" si Gd na walang nakitang tao sa kabilang panig ng pader. Agad na tumakbo ito kasunod ang apat na kaibigan, pero hindi pa sila gaanong nakakalayo ay may naramdaman na lang silang parang sumipa kay GD at tumalsik ito kasama ang apat.

Pagkabawi nila sa pagkasorpresa ay tinignan nila kung sino ang may kagagawan nun, ang Kambal. Si Alex at si Sander.

"Walang aalis ng buhay dito sa loob ng tunnel." seryosong sabi ni Sander.

"Umalis kayo sa daan!" frustrated na sigaw ni GD sa mga ito.

"Makakaalis lang kami dito kung makakaya nyong patayin kami." si Alex.

'kaya na namin to, kayo ni Top ang humabol kila Dara. Pag nagsimula silang umatake haharangan nanamin sila para makaalis kayo ni Top.' dinig ni GD sa isip nya ang sinabi ni Daesung. Nilingon nya ito at tumango. Tumingin sya kay Seungri at Taeyang na tumango din kay GD. Tinignan nya si Top ganun din ang ginawa nito. Hindi din nagtagal ay nagsimulang kumilos ang kambal, umatake ang mga ito at tulad nga ng sinabi ni Daesung ay agad na hinarangan nya at ni Seungri si Sander habang si Taeyang ay hawakhawak sa paa si Alex. Agad na tumakbo ang dalawa pero parang may salamin na nakaharang at nabangga sila.

Sinipa ni Sander si Taeyang at sinuntaok naman ni alex si Daesung bago mabilis na lumayo kay Seungri.

"Sa tingin nyo ba talaga na ganun kami kamang mang na hindi namin na anticipate kung ano ang gagawin nyo?" si Alex.

"Bago pa kayo nakabuo ng plano dyan sa isip nyo ay nauna nanamin gawin ang harang na to." si Sander na tila may hinahawakan at nang tinitigan nila GD kung ano ito ay para ngang salamin na kumikinang.

"Tsk!" napalatak si GD.

"Hindi kayo makakaalis dito ng buhay." si Sander at sinimulan nito atakehin si Top.

Nagtulong ang lima sa pakikipaglaban sa kambal. Kahit na malakas sila ay malakas din ang kalaban kaya ito napabilang sa army ng pinakamalalakas na clan sa vampire race.

Habang nakikipaglaban ay hindi mawala sa isip ni GD si Dara. 'Hintayin mo ko Dara, please be alive, please be safe!'

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon