Chapter 35

261 12 0
                                    

Lunes ng umaga sa school nila ay nagkakagulo ang lahat dahil nakita nila sila Dara na napapalibutan ng knights.

"Diba si Dara yun?" si Anthony sa bintana, nagpuntahan ang mga classmates nila sa bintana para makita ang tinuro ni Anthony.

"Bakit napapalibutan sila ng Knights?" takang tanong ni Fani.

"Tsaka puro benda sila Dara, CL at Bom." si Yumi na may halong pagaalala.

"Teka bakit parang hindi nila kasama si MInzy?" tanong ng isa nilang classmate.

Dumating sila GD at naabutan nila na nagkukumpulan sa bintana ang mga classmates nila. Napabuntong hininga sya at alam na nya ang dahilan kung bakit nagkakagulo sa school nila. Napansin nya si Kiko na nakatingin sakanya. Iniwas nito ang tingin at dumeretso sa upuan.

"Okay ka lang?" si Kiko na lumapit kay GD.

"Sa tingin mo okay lang ako?Okay lang kami?" sarcastic na tanong ni GD kay Kiko.

Pumasok sa loob ng room sila Dara, Cl at Bom kasama ang dalawang knights habang ang iba ay nasa labas ng room at grounds ng school nila.

"Anong meron at puro knights ngayon dito?Tsaka anong drama yan Dara?" si Andrea na naiinis nanaman. Palapit ito kay Dara pero pinigilan ito ng knight. Sa takot ay napa atras ito at napairap.

"Okay ka lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Yumi na lumapit pero hinarangan din ng knight.

"Okay lang." hinawakan ni Dara ang braso ng knight at hinayaan na makalapit si Yumi sakanila.

"Anong meron Dara?Bakit puro benda kayo at bakit may mga knights?" si Yumi na tumingin ng palihim sa knights na nasa likod ni Dara.

"Kaartehan nanaman nya yan." si Andrea.

"Teka Andrea, diba sabi mo anak ka ng isa sa mga general knights?Eh di dapat alam mo kung anong nangyayari?" si Anthony.

"H-ha?" si Andrea na napatingin sa knight na nakatingin sakanya na may halong pagtataka.

Nagulat ang lahat ng magkaroon ng announcement na ang lahat ng students ay dapat na mag gather sa gymnasium nila. Mabilis na nagpuntahan ang mga students sa loob ng gymnasium. Nakita nila ang royal seal katabi ng school Logo nila.

"May announcement siguro about sa royal family." ang isang student mula sa ibang level.

"Baka sasabihin na may bago ng queen." ang isa pa.

"Bakit kaya hindi pumasok si Minzy?" dinig nila Daesung na tanong ng isang classmate ni Minzy.

Nang makita ng head teacher na maayos na nakaupo ang mga students ay tinawag nya ang principal kasunod ang Hari at ang Prinsipe.

"Ang gwapo ng prince noh?" Kinikilig na sabi ng mga babae.

Nang humarap sakanila ang hari at ang prinsipe ay nag bow ang lahat tanda ng pag-galang sa kanila.

"Magandang umaga." bati ng Hari.

Bumati din ang mga students at hinayaan sila ng hari na umupo muli para makinig sakanila.

"Something happened the other night, and we lost one of our greatest and bravest knight." panimula ng hari, nakita nya si Dara na naluha ganun din si CL at si Bom. "She sacrificed herself to protect our princess, the future queen, my daughter. Kilala nyo sya, nag-aaral sya dito."

Naging maingay ang mga students at nagbulong bulungan, tanungan kung may idea sila kung sino yun.

"She's on her junior year, Isa sa mga anak ng Knight General." nilingon nito si Sir Josh na straight ang expressions. "Because of her dedication, pagiging matapang at pagiging mabuting kaibigan ay buhay ang ating princessa and I want to take this opportunity to present to Sir Josh the medal of knights for his daughter." lumapit si Sir Josh sa hari at tinanggap ang parangal na tanging sila at ilang mga knights lang ang meron. Nagpalakpakan ang lahat.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon