Chapter 21

307 15 0
                                    


"GD ikaw na!" si Karen na sinesenyasan sya na lumabas na. Wala sa loob na iniwan nya si Dara at naglakad sa catwalk para i-model ang suit na suot nya. At ang huling rarampa ay si Dara. Paglabas nya ay natahimik ang lahat at nakatingin lang sakanya. Nakita ni Dara ang mga magulang na nakaupo sa harap at nakangiti sakanya. It was her first time walking in front of the public wearing her royal gown without a mask on her face. Her eyes are teary while walking.

After i-model lahat ng damit ay nabenta din nila ang mga gown na suot nila but Dara knows the fact that the one who bought her gown was a maiden from the palace.

"Thank you so much for buying our model's clothes, swim wear and gown. But wait! There's more!" si Karen na tinanggal sa harap ng mga nanonood ang damit at tumambad ang panibagong damit nito na napapatungan lang pala ng night gown. "We are having our very first mini concert and prepared something for you to enjoy. Let's have a blast everyone!" at dumilim sa loob ng gymnasium ng school nila. They performed different songs and dance number and the crown goes wild even the king and queen are enjoying the event, and seeing their daughter perform melts their heart. They're so happy but when Dara and GD perform a song they felt something, they realized that Dara and GD are in a relationship when GD gave her red rose on stage. After that performance, GD, Taeyang, Top, Seungri and Daesung performs 2 songs followed by Dara, Bom, Minzy and CL then other students from their class, taking pictures here and there.

 After that performance, GD, Taeyang, Top, Seungri and Daesung performs 2 songs followed by Dara, Bom, Minzy and CL then other students from their class, taking pictures here and there

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After the performance everyone lined up and bowed as showing to their guest that they are thankful for this night.

"I hope everyone enjoyed our performance. Thank you! Most especially to our King and Queen who watched us all the way to the end." Si Karen at lalong lumakas ang palakpakan ng mga nanonood. "There's a booth outside where you can collect the clothes you've bought from Day1 of our festival. Hope to see you again next year!" pagtatapos ni Karen.

"Umalis na ba sila?" si Dara, pertaining to her parents.

"Yes, nakita ko umalis na sila." Si Bom.

"Ang galing nakasali ako sa performance nyo." Si Minzy na hindi pa rin makapaniwala.

"Galing mo talaga sumayaw." Si CL na inakbayan si Minzy.

"Baby girl!" si GD na tumatakbo palapit.

"Baby boy!" si Dara na sinalubong naman ito.

"Haaaayyyy, ang dalawang ito." Nailing iling na sabi ni Top na kasunod ni GD.

"In fairness ha magaling ka mag rap." Puri ni Bom kay Top.

"Naman!" pagmamayabang nito.

Pero para silang mga langgam na nahawi ni Andrea. "Mamaya na kayo magkwentuhan, hindi pa tayo tapos maraming kelangan linisin." Si Andrea na nilagpasan sila.

"Si Andrea siguro pinaglihi sa sama ng loob, lagi na lang naka busangot eh." Si Seungri na nakasunod ang tingin kay Andrea na nilapitan si Kiko na abala sa tinatanggal na mga pin sa mga itim na tela.

"Tara na nga, at baka mamya magtatalak nanaman yan." Si Bom na kinuha ang walis at lumabas ng backstage, sumunod naman ang mga ito sakanya at inayos ang mga upuan pati confetti na nagkalat.

"Magpalit ka kaya muna ng damit sobrang basa ka ng pawis." Si Dara na pinupunasan si GD sa likod.

"Ikaw ang magpalit ng damit at pawisan ka, ako malakas ang immune system ko, ikaw ang iniisip ko." Humarap si GD kay Dara at hinawakan ang kamay.

"After na lang siguro natin maglinis mag papalit ako." Si Dara.

"Hindi, ngayon ka magpalit ng damit. Tara samahan na kita." Hinila ni GD si Dara pabalik sa backstage at pumunta sa dressing room. Inabot nito ang damit kay Dara na kinuha naman ng dalaga. "Bakit di ka pa nagpapalit?" takang tanong ni GD nang makita na hindi gumagalaw sa pwesto si Dara.

"Pano ako magpapalit eh nandito ka pa." si Dara.

"Ay oo nga pala! Akala ko lulusot eh." Kamot ni GD sa ulo.

"Sira! Labas na." taboy ni Dara dito, nang makalabas si GD ay nagpalit sya at lumabas na din, pinagpalit nya din si GD ng damit bago sila bumalik sa labas at tumulong sa paglilinis at pag aayos. Matapos ang gabing yun ay umuwi na sila.

"Princess Dara, kanina pa po kayo hinihintay ng hari at reyna." Salubong ng maiden nya.

"Huh?Bakit kaya?" takang napatingin sya sa mga kaibigan at dumretso sa kwarto ng mga magulang nya. Pagkapasok nya ay nakita nyang nakaupo ang mga magulang at naguusap.

"Ma, Pa!" ngiti ni Dara at patakbong lumapit sakanila at hinalikan sila sa pisngi bago umupo sa tabi ng ina.

"Kamusta ang pakiramdam mo?Hindi ka ba nahihilo?Kita naming na sobra ang pagod mo." Ang reyna na nag-aalala sa health nya.

"Okay lang po ako. Hindi ko ineexpect na pupunta kayo sa event namin." Masayang sabi ni Dara. Nagkwentuhan sila tungkol sa mini concert nila at sa fashion show nila nang magtanong ang hari tungkol sa performance nila ni GD.

"So tell me something about that guy GD. Are you close with him?" ang hari

"Kayo na ba anak?" ang reyna

Nakatingin lang si Dara, hindi alam kung ano ang sasabihin dahil nagaalangan sya na mapagalitan.

"Anak, okay lang naman samin kung magboboyfriend ka na hindi namin tututulan kahit hindi sya galing sa royal family but atleast be honest with us." Ang reyna.

Tumingin si Dara sa hari at nakitang seryoso ito na nakatingin sakanya.

"It's fine with me as well, pero sana kung makikipagrelasyon ka ay galing din sa royal family." Ang hari.

"Mas mahalaga ba sayo yan kesa sa sariling kaligayahan ng anak mo?" baling ng reyna sa hari.

"Mahalaga sakin ang kaligayahan ng anak ko, pero hindi natin maikakaila na kelangan nyang maikasal sa isang royal blood, sya ang susunod na uupo sa trono and we cannot entrust that to an outsider lalo na kung nasanay ang tao sa isang normal na buhay. Hindi nya kayang makipagsabayan kay Dara if ever na yung GD nay an ang makakatuluyan nya. How can he talk to other royalties, elders, duke or duchess? How can they follow someone who barely knows about royalties and politics?" ang ama nya.

Tahimik lang si Dara, may point ang ama nya. Normal ang buhay ni GD and it will take years bago nya matutunan ang mga natutunan at patuloy na pinagaaralan nya.

"At sa kinakaharap natin ngayon, sa tingin mob a ang isang normal na tao ay makikipaglaban sa mga bampira na kinakatakutan nila araw araw?Satingin mob a kayang talikuran nung GD nay an ang buhay nya sa labas ng palasyo?" patuloy ng ama nya. "Walang masama kung makikipagkaibigan ka sakanya pero ayoko na maririnig na may relasyon kayong dalawa, naiintindihan mo ba?" tanong ng hari.

"Opo." Mahinang sagot ni Dara.

"Bumalik ka na sa kwarto mo." Ang ama na tumayo at tumalikod. Umalis si Dara pero narinig nya pa ang sinabi ng reyna bago nya tuluyang maisara ang pinto.

"Kaya mas pinili ni Thunder na umalis sa lugar na to dahil dyan sa ugali mo na yan." Ang reyna.

Malungkot na pumasok si Dara sa kwarto nya. Nahiga sya at napaluha. Mahal nya si GD at nasasaktan sya sa naiisip na kakailanganin din nila mag hiwalay isang araw lalo nap ag naipagtapat nya kung sino talaga sya at ano ang papel nya sa bansa nila.


A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon