Napabalikwas ng gising si Dara mula sa panaginip nya. Napanaginipan nya ang nangyari sa kaibigan nya dati na napatay ng isang bampira. Hinawakan nya ang ulo nya dahil sa sakit. Nadatnan syang nakaganun nila CL, Bom at Minzy.
"Dara!" lapit ng mga ito dito.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Bom.
"Okay lang." naalala nya ang mga knights. "Ang mga knights?Kamusta sila?" nagaalalang tanong nito.
"Okay na sila, ginamot na sila, yung ibang knights na namatay, sinunog na ang katawan." si Minzy.
"Sorry, wala kami sa tabi mo nang mangyari yun." si CL
"Okay lang, hindi nyo kasalanan, ginawa nyo lang kung ano yung dapat nyong gawin." ngiti ni Dara dito.
"Hinding hindi ka namin iiwan ulit." si Bom.
"I know. Kayo kamusta kayo?Okay lang ba kayo?" tanong ni Dara.
"Okay lang kami, ang galing kaya namin." pag mamayabang ni Bom.
"Oo, lalo na sa dapaan." si Minzy.
"Dapaan?" takang tanong ni Dara, nakita nyang binatukan ni Bom si Minzy habang si CL naman ay nangingiti sa mukhang naalalang nangyari.
"Wala, wag kang makikinig dito kay Minzy." si Bom na hineadliock si MInzy.
Binigyan nya ito nang naghihinalang tingin at tinignan si Bom mula ulo hanggang paa, and there she saw bruises on her knees. "Don't tell me ilang beses kang nadapa kanina?"
"Dara!!!!" nahihiyang sigaw ni Bom na ikinatawa naman ng lahat.
"Napaka clumsy mo kasi, lalapitan mo lang kami ni Minzy kanina nadapa ka na, babarilin mo na nga lang kanina yung vampire nadapa ka pa muna, tawa ka pa ng tawa kaya inis na inis mga vampires sayo eh." si CL
"Oh?!" hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ni Dara.
"Oo, nakakatawa nga kasi kanina sasalubungin nya ng atake ang vampire bigla syang nadapa tuloy yung vampire nagderederetso sa bangin." si Minzy.
"Tapos hinahanap namin sya kanina kasi pabalik na kami dito, pag lingon namin nakita namin na nagpapagpag ng damit at ayan nga, dumugo ang tuhod." dagdag ni CL
"Action comedy pala kayo kanina eh."
"Ay naku!" si Bom na namumula sa kahihiyan. Lalong lumakas ang tawa ng mga kabigan nya.
Dumating ang mga magulang ni Dara at nag aalalang tinignan ang kalagayan nya, Ilang araw na hindi nakapasok si Dara sa school dahil nanghihina pa rin ito, taas baba din ang lagnat nya. After 3 days na namahinga si Dara ay nagkaroon ng awarding ceremoy para sa mga knights na nakipaglaban at binigyan ng mataas na ranggo ang mga knights na nagligtas kay Dara sa loob ng palasyo. Si Dara mismo ang nagbigay ng awards sa mga ito.
"Okay ka na ba talaga?"si Bom kay Dara na nakaupo na sa desk nya.
"Oo nga." si Dara na medyo iba pa ang boses dahil sa sipon nito. Inayos nito ang bag matapos ilabas ang notebook at ballpen. Dumating din sila Top, Daesung, Seungri at Taeyang.
"Wala pa rin si GD?"si Bom
"Wala eh, baka next week pa dating nun." si Taeyang.
"Nakakausap nyo ba sya?"si Dara dahil ilang araw na syang walang balita kay GD.
"Kahapon ka----" si Seungri pero siniko sya ni Daesung.
"Hindi pa namin nakakausap si GD, tinatawagan namin kahpon pero hindi sumasagot." si Top.
"Ah ganun ba." malungkot na ngumiti ito.
Dumating ang teacher nila at ibinalita ang mga nangyari ng mga nakaaraang araw, pinapunta nya ang lahat sa loob ng chapel para umattend ng special mass para sa mga namatay. After ng mass ay bumalik din sila sa mga classroom nila.
"Bibili lang kami ng food sa cafeteria, sama ka?" si Bom.
"Hindi na, dito na lang ako." si Dara na nakatayo sa may pintuan.
"Sige, bibilisan na lang namin."si CL.
"Teka sasama ako." sila Taeyang at Top.
Bumalik sa pwesto nya si Dara habang si Daesung at Seungri ay nakaupo sa tabi at harapan nya.
"Hindi ba kayo kakain?"si Dara.
"Nagpabili na lang kami para may kasama ka dito."si Daesung.
"Hindi naman ako mawawala dito." natatawang sabi ni Dara.
Nagkwekwentuhan sila nang may marinig na nabasag sa loob ng classroom nila.
"Ahhhh!" nagtakbuhan ang mga classmate nila sa labas nang makita na lalaki ang dahilan ng pagkabasag ng bintana ng classroom nila.
Nakita ni Dara na namumula ang mga mata nito at sumisinghot na tumingin sa direksyon nila.
"Shit!" si Daesung na inalalayan si Dara sa pagtakbo papunta sa labas pero kusang sumara ang pintuan, naiwan si Dara, Daesung, Seungri at ilang mga classmates nila.
"Daesung pano to?" si Seungri na hindi malaman ang gagawin dahil hindi nila pwede ipakita kung sino at ano talaga sila. Napapailing si Daesung dahil sa sitwasyon.
Nakangiting naglalakad ito papunta sa direksyon nila. Napatingin sila Seungri kay Dara, dahil sa amoy ni Dara kaya ito pumunta sa kanila kahit na nauuna pa ang ibang students sakanila. Nakita ni Dara na umiiyak ang mga classmates nya sa takot. Tumakbo palapit sakanila ang bampira pero mabilis na naiiwas nila Seungri si Dara. Buhat buhat ni Daesung si Dara para mabilis sila makagalaw, kinuha ni Seungri ang isang desk at ibinato sa bampira pero sinalag lang nya ito.
"Silver!, Seungri may silver sa bag ko!" sigaw ni Dara, tinignan ni Seungri ang bag ni Dara at patakbong lumapit pero mabilis na sinipa ng bampira ang desk kung saan nakalagay ang bag nito at napalayo ito sakanila. Sinakal ng bampira si Seungri hanggang sa iniangat sya nito.
"Seungri!" sigaw ni Dara at Daesung.
Pinipilit ni Seungri na makawala sa kamay ng bampira pero napatigil ang bampira at wala sa loob na nabitawan si Seungri.
"Bakit?P-paano?" nagulat na tanong ng bampira. "Isa kang -----" naputol ang sasabihin ng bampira nang sipain sya ni Seungri ng malakas. Tumatawa ang bampira nang makatayo mula sa pagkakasipa ni Seungri. "Akalain mo nga naman." pinagpag pa nito ang suot na damit. "Ang isang----" hindi na nito natapos ang sasabihin ng muli itong sugudin ni Seungri, Sipa at suntok ang inabot nito sakanya, Hindi nya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa ito. Binulungan ni Seungri ang bampira na nakahandusay sa sahig.
"Pasalamat ka at hindi ko ginamit ang totoong lakas ko, sino nagpadala sayo dito?" bulong nya dito.
"Nakakaya ng konsensya mo na bugbugin ang kalahi mo?" he smirked at him.
"Magkalahi tayo oo pero hindi tayo magkapareho. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Sino nagpadala sayo dito?" sabi nito pero napasigaw ang lahat nang makita kung ano ang ginawa ng bampira kay Seungri.
"Seungri!" sigaw ni Dara at Daesung. Naramdaman ni Dara na hinigpitan ni Daesung ang pagkakabuhat sakanya.
"Hindi naman pala tayo magkapareho eh." ganting bulong nito at sinipa palayo si Seungri.
Gumulong si Seungri at hawak ang tagiliran na tinusok ng kamay nito na may mahahabang kuko. Duguan si Seungri na pilit tumayo, kitang kita ni Daesung na pinipigilan ni Seungri ang sarili para lumabas ang mga pangil nito. Nakikita nyang nagagalit na sobra si Seungri. Nilapitan ng bampira si Seungri at sya naman ang bumulong dito.
"Wag mong pigilan ang sarili mo, ikamamatay mo yan pag hindi mo ginamot ang sarili mo." ang bampira na hinawakan ang tagiliran ni Seungri kung saan nya ito tinusok, diniinan nya ito dahilan para mapasigaw si Seungri dahil sa sakit. Nakita nito na namula ang mata ni Seungri pero mabilis na nagfade at bumalik sa color brown ang mga mata nito. Ngumiti ang bampira at diniinan pa lalo ang sugat ni Seungri. Tumilapon ang bampira dahil hindi nya napansin na parating si Daesung at sinipa ito. Mabilis na inalalayan ni Daesung si Seungri papunta kay Dara na ngayon ay kasama na ng iba pa nilang classmate.
"At talaga nga naman!" natatawa ang bampira ng mapansin nito na katulad nya, ay bampira din si Daesung.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampirDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...