Lumayo si Dara nang marinig ang boses, tama ang hinala nya nang naalis ang kumot at tumayo ito.Si GD, basang basa at napahawak sa noo na natamaan ng bowl.
"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ni Dara.
"Nag-iba kasi ang amoy mo, gusto kita makita."
"Oh ngayon?"
"Nag-aalala kasi ako sayo." kita ni Dara sa mga mata ni GD ang sincerity nito.
"Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo." Tumalikod sya at muling humiga sa kama.
"Dara hindi na ba natin maayos to?" nanghihinang tanong ni GD
Muling bumangon si Dara at hinarap sya. "Maayos?Ano bang tingin mo sa nangyari satin GD?Damit na pwede mong tahiin pag napunit?"
"Dara.." tanging nasabi ni GD
"Umalis ka na, and please wag ka na ulit papasok pa dito." si Dara na napahawak sa tagiliran nya dahil nanakit nanaman ang sugat nya.
"Dara anong nangyayari?" hinawakan ni GD si Dara at naalala ng princess ang panaginip nya. Mabilis na lumayo sya kay GD. Nakita nyang nasaktan ang si GD sa naging reaction nya. Gusto nyang lapitan si GD at bawiin ang mga sinabi pero takot pa din sya, takot sya na muling bumalik kay GD at masaktan lang.
"I'm not a monster Dara, I may be from their race but I'm not a monster." malungkot na sabi ni GD.
Hindi nakaimik si Dara. Nasasaktan din sya dahil nasasaktan nya si GD.
"Sana balang araw maging okay tayo, sana mawala ang takot mo sakin..samin..Dahil kung talagang sasaktan kita, matagal ko na sanang ginawa. Hindi ko ipipilit sayo ang sarili ko kung ginagamit lang kita Dara. Mahal kita, mahal na mahal. At hindi ako magsasawang suyuin ka para mapatunayan sayo na maganda ang intesyon ko."
Hindi pa din umimik si Dara, pinipigilan nya ang sarili nya na tumakbo palapit dito at yakapin.Sabihin na okay lang sakanya ang lahat.
"Dara!" biglag bumukas ang pintuan at tumambad si Bom na hinihingal.
Nakita ni Dara na nasa likod si CL na may kinakalaban na bampira. Nanlaki ang mata nya.
"Anong nangyayari?" si GD kay Bom.
"Wala tayong oras para magpaliwanagan, kailangan natin madala si Dara sa ligtas na lugar. Sa may library." si Bom.
"Bom sa likod mo!" si Dara nang makita nya na may bampira na aatake dito, paharap pa lang si Bom pero naharangan agad ni Top ang mga kuko ng kalaban.
"Bilisan nyo nang umalis dito." si Top na ibinalibag ang kalaban.
Walang sabi sabi na binuhat ni GD si Dara. "Bitawan mo ko!" si Dara na pilit na kumakawala dito.
"Wag kang magulo Dara, hindi ito ang oras para pandirihan mo ko." bumaling si GD kay Bom, "Saan papuntang library?"
"Sundan nyo ko. CL!" tawag ni Bom kay CL bago sila umalis,
"Susunod ako." si Cl na busy sa pag pigil sa mga bampira na makalapit kay Dara,
"Wag kayong mag-alala, kami na bahala dito." si Daesung at Seungri na nasa magkabilang gilid ni CL.
Tumakbo si Top at Bom na sinusundan naman nila GD at Dara.
"Si Thunder!" si Dara nang maalala ang kapatid.
"Nasaan si Thunder?" tanong ni GD kay Bom.
"Baka nasa kwarto kasama ang hari. Mauna na kayo sa library---" naputol ang sasabihin ni Bom nang biglang magsalita si Dara.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...