Chapter 25

284 13 1
                                    

The country is grieving for losing such a wonderful queen.

Simula ng dumating si Thunder ay hindi pa ito natutulog at pumapasok sa kwarto nito. Kita ni Dara na blanko ang expression ng mukha ni Thunder.

"Mag pahinga ka na muna." si Dara na hinawakan ang kamay ng kapatid.

"Okay lang ako ate." ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata nito ang ngiti nito na madalas makita ni Dara dati.

"Dito muna kayo Dara, Thunder. I'll meet the elders." ang hari at umalis kasama ang tatlong knight generals.

"Kakaawa din naman ang princessa at prince natin." sabi ng isang kamag anak nila na nakaupo hindi kalayuan sakania, dahilan para madinig ni Dara.

"Kaya nga eh, ngayon na lang umuwi ang prince ganito pa nangyari."

"Nakamaskara pa din ang princessa, hindi ba dapat tanggalin na nya yan."

"Ang sabi ng ibang malapit sa pamilya ay may sumpa sa princessa kaya keailangan magtago ng mukha. Wala pa ni isa satin ang nakakakita sa mukha nya."

"Kakaawa din, sigurado ako na gustong gusto na nya tanggalin ang maskara nya, lalo na ngayon na wala na ang reyna."

"Sa tingin mo mag aasawa pa ang hari?"

"Siguro, di natin masasabi bata pa naman ang hari at ang alam ko bago nya pakasalan ang reyna ay meron syang karelasyon dati."

Dahil sa nadinig ay tumayo si Dara at lumapit sa mga ito na agad naman natahimik at parang hindi alam ang gagawin.

"Mawalang galang na po, oo at kamag anak ko kayo pero sana irespeto nyo ang burol ng ina ko bago kayo magsimula ng kung ano anong rumor." si Dara, nilapitan sya ni Thunder at inakay palayo sa mga ito agad na nagbulungan ang mga tao sa loob ng hall.

"Totoo naman ang sinabi ko diba?" mahinang sabi nito sa katabi.

"Tumigil ka na." mahinang saway nito.

Bumalik si Dara sa mga ito at wala ng nagawa si Thunder ng tumaas ang isang kamay nito tanda na wag syang pipigilan.

"As your princess and future queen, I command you to bow down and kneel infront of my mother's coffin until the day of her funeral. I also command you to never utter any ill words for the queen nor think that the king will marry again without me and the prince's consent." si Dara na sobrang galit. Agad na lumuhod sa harap ni Dara ang mga ito maging ang ibang kamag anak nila na katabi ng mga ito.

"Sorry Princess Dara, patawarin  nyo po ang kapatid ko sa mga nasabi nya. Pagluhod ng ganun katagal ay makakasama sa kalusugan nya."

"Sana naisip nyo yan bago nyo kami pag usapan." umalis si Dara sa harap ng mga ito at bumalik sa upuan kung saan nakaharap sa katawan ng reyna. Nadinig nya na nagbulungan ang mga ito. ang iba ay sang ayon sa ginawa nya pero may iilan ilan na hindi natuwa sa inakto nya.

Dumating araw ng libing ng reyna, ipinarada ang coffin ng reyna sa capital at makikita ang lahat na naghahagis ng puting rosas para sa reyna.

Matapos ang libing ay pumasok na si Dara ganun din ang mga kaibigan nya.

"Ang tagal nyo absent ah!" Si Andrea na hindi makapaniwala.

"Wag ngayon Andrea." bulong ni Bom.

Napatingin sila kay Dara na mukhang lalong namayat at seryosong nakatingin sa labas ng bintana.

"Ano nangyari dyan?" takang tanong ni Andrea.

"May problema kasi sa bahay kaya wag nyo muna guluhin si Dara." si CL

Dumating sila GD at agad na lumapit ito kay Dara.

"Dara!" si GD. Parang walang buhay na tumingin si Dara kay GD at nang makita nya ang mukha nito ay nagbago ang expression ng mukha nya. She's about to cry. Niyakap ni GD si Dara at doon bumigay ang iyak nya. Ang iba ay naiiyak ng walang dahilan dahil nadadala sila sa pag iyak ni Dara.  Kahit iretable si Andrea ay pinabayaan nya umiyak si Dara.

"Anong nangyari?Bakit ngayon lang kayo pumasok?" si Top.

"Di din namin kayo macontact." si Daesung.

"Mukhang malaki ang problema ni Dara ah." si Taeyang.

"Huuussshhh, tahan na.." alo ni GD dito. Lumayo ito at tinignan sa mukha si Dara. "Tell me anong nangyari?"

"S-si Mama.." humihikbing sabi ni Dara.

"Ano nangyari?" si Seungri.

"W-wala na si-i mama."

"Paano?Ano nangyari?" nag aalalang tanong ni GD.

Patuloy sa pagiyak si Dara. Tumingin si GD kay CL.

"Namatay ang mama ni Dara dahil sa vampire."

"I swear, magkaroon lang ako ng chance na makaganti sa mga vampires I'll grab that chance." si Dara na makikitaan ng galit sa mukha.

Niyakap ni GD si Dara at tahimik na napaisip kung ano ang nangyari, wala sa loob nya na napatingin sya kay Kiko na nakangiting nang aasar na parang sinasabi nito na 'I told you so.'

Natahimik din sila Seungri at nagkatinginan lang. Walang masabi sa mga kaibigan lalo na kay Dara na nagluluksa sa pagkamatay ng nanay nya.

Nakauwi na ng bahay sila GD na tahimik pa rin at mukhang malalim ang iniisip.

"Iniisip mo ba ang sinabi ni Dara?" si Top.

"Hindi pwedeng hindi ko maisip yun. Kalahi natin ang dahilan kung bakit namatay ang mama nya." seryosong sabi ni GD na kinakagat kagat ang kuko.

"Ilang linggo na lang dadating na ang red moon." si Daesung.

"I don't think we can handle everything on our own GD." si Taeyang.

"Padating na sila Mama, alam nila na twing red moon ay nagkakaroon ng labanan." si GD

"They want you dead, lalo na kung hindi mo pakakasalan si Kiko." si Seungri.

"I'll kill them first before that happens." si GD.

Maya maya ay may nadinig silang kumakatok. nagkatinginan ang lahat.

"Seungri?" tanong ni Top dito.

Naging pula ang mga mata ni Seungri at nalaki ang mga ito. "Nandito na sila GD." Tukoy nito sa mga magulang nya.

Pag bukas nila ng pinto ay agad na nagbatian ang mga ito. Nag bow at lumuhod ang apat tanda ng pagrespeto nila sa totoong royalties ng lahi nila.

Sa loob ng palasyo..

"Dito ka pa rin ba matutulog?" tanong ni Dara sa kapatid na nakahiga na sa kama nya.

"Mas maganda kwarto mo at mas malambot ang kama mo kaya dito na lang ako matutulog." sabi nito na tumalikod.

Umupo si Dara sa kama, "Yan ba talaga ang dahilan?"

Tahimik lang si Thunder.

"Ilabas mo Thunder ang nararamdaman mo, nandito ako. nandito kami ni Papa." Nakita ni Dara na yumuyugyug ang balikat ng kapatid at naririnig nya ang mahina at pigil nitong pag iyak. Humiga ito at niyakap ang kapatid. "Mahal na mahal ka ni mama Thunder. Inayos nya ang kwarto mo dahil alam nya na parating ka. Nasa loob ng secret room mo ang regalo ni mama. Alam ko masakit, pero kailangan mo maging malakas ngayon Thunder." naiyak na sabi ni Dara.

Tuluyang umiyak si Thunder na hindi nito ginawa during the burial and funeral. "Sobrang sakit ate. Ang tagal kong hindi nakita si Mama para lang ganito ang abutan ko."

Humigpit ang yakap ni Dara sa kapatid. "Alam ko na binabantayan tayo ni Mama, be strong."

Hindi nya alam kung namamalikmata lang ba sya o nag iilusyon nang makita nya ang reyna na nakangiting nakatingin sakanila at yakap yakap sila.


A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon