"CL!" napalingon si CL nang marinig na may tumatawag sakanya, nakita nyang tumatakbo ang classmate nya papunta sa direksyon nila.
"Bakit?" nagtatakang tanong nya.
"Natrap sila Dara sa loob ng classroom" sabi nito na humihingal pa.
"Tumawag na ba kayo sa maintenance para mabuksan ang pinto?" si Top.
Umiling ito, "Hindi, natrap sila dun dahil may sumulpot na bampira, si Seungri duguan na sya." nang marinig ang sinabi nito ay patakbo silang pumunta sa classroom, nakita nila na nasa labas ang mga classmates nila at ibang students na nagkakagulo sa hallway at nakatingin sa loob.
"Move!" si CL, nang makarating sila sa may pintuan ay tnry nya buksan ito pero ayaw. Sinipa ni Taeyang ang pinto pero hindi pa rin ito bumubukas.
"Mukhang may spell ang pintuan."si Top nang hindi nila mabuksan ang pinto, nakita nila na nakayakap si Dara kay Seungri na duguan na ang damit. "Seungri!" sigaw nito nang makita ang kalagayan ng kaibigan.
"Dara!" si CL at Bom na kinakalampag ang pintuan.
"Si Minzy?Nasan si Minzy?!" si Bom na hinahanap kung makikita nya si Minzy pero wala syang nakitang anino ni Minzy.
"Seungri..." naiiyak na sabi ni Dara habang nakahawak sa tagiliran nito para pigilan ang pagdaloy ng dugo.
"D-dara, lumayo ka sakin." pilit na sabi ni Seungri, dahil nang hihina sya at naamoy nya si Dara ay natatakot sya na baka may magawa syang hindi maganda.
"Hindi pwede. Wag ka na lang magsalita." si Dara at nakita nya sila CL na kinakalampag ang pintuan. "Nandyan na sila CL, wag kang mag alala." si Dara kay Seungri habang si Daesung naman ay patuloy na nakikipaglaban sa bampira.
"May spell ang buong classroom." si Taeyang nang mapansin na kahit anong lakas ng pagkakahagis sa pader ay hindi ito nasisira.
"Pano masisira ang spell?" tanong ni Bom.
Umiling lang si Taeyang, kaya nilang sirain ang spell pero malalaman ng lahat ang totoong pagkatao nila. Nakita ni CL ang basag na bintana. Tumakbo ito palabas na sinundan naman nila Bom, Top at Taeyang. Nang makarating sila sa labas ay tumingala sila, nasa 2nd floor ang classroom nila, kaya nilang talunin yun pero inaalala nila ang ipapaliwanag sa mga tao, hindi sila pwede magpadalos dalos dahil pwedeng malaman ng mga tao kung sino talaga si Dara.
"Ihagis mo ko." si Top kay Bom.
"Ano?" tanong ni Top dahil baka nagkakamali lang sya ng dinig.
"Ihagis mo ko para maabot ko yung bintana at makapasok sa loob." ulit ni Bom.
"Okay ka lang ba? Paano kung may man gyaring masama sayo dun?"
"Pero hindi natin pwede hayaan na tumagal pa ito, baka lalong mapahamak ang mga kaibigan natin sa loob." si Bom at khumarap kay CL. "sigurado ako na tinatawag ni Minzy ang pinakamalapit na knight na nagbabantay dito sa school, tumakbo ka pabalik sa classroom pag nabuksan ko na ang pinto ay pumasok agad kayo, pero Top kelangan na ihagis mo ko, kayo ni Taeyang."
"Is this a good idea?" nag aalangan na tanong ni Taeyang.
"Wala tayong choice." inilabas ni Bom ang baril na nakatago sa hita nya na natatakpan ng skirt nya.
"Woah!Teka teka ano yan?" si Top.
"Baril obvious ba?" sarcastic na sabi ni Bom.
"Mag-iingat ka." si CL na tumakbo pabalik sa loob.
"Sure ka ba dito?"si Top.
"Oo." seryosong sabi nito. pumwesto si Top at Taeyang para ihagis sya, ipinatong ni Bom ang isang paa sa mga palad ng mga ito at bumwelo hanggang sa inihagis sya ng mga ito, naabot nya ang bintana, pero nasugatan sya dahil sa basag na bintana pero hindi nya ito pinansin pinilit nyang itaas ang katawan at nang mapansin ni Dara si Bom ay nilapitan nya ito katulong ang ibang classmate nila ay nakapasok si Bom. Naamoy ng bampira ang dugo mula sa mga kamay ni Bom, iniwasan nito si Daesung at tinangkang sunggabin si Bom pero mabilis ang kamay nito na pinaputukan ito ng tatlong beses. Nang makita nya na na naka handusay na ang bampira ay pinaputukan nya pa ito ng isa, siniguro nyang patay na ito bago lapitan sila Seungri.
"Seungri!" inalalayan nila Bom at Daesung si Seungri, nakapasok na din sila CL sa loob saka dumating si Minzy na kasama ang isang knight. Nakita nya na duguan ang damit ni Dara at humagulgul ito ng iyak dahil inakala nito na may nangyari ng masama sakanya.
"Wag ka nang umiyak wala naman nangyari sakin, dugo ni Seungri to." si Dara.
"Seungri!" si Top na pinangko ito. "Dito papunta sa clinic." si CL.
"Hindi na, iuuwi na muna namin si Seungri, Taeyang maiwan ka na muna dito." si Top at mabilis na umalis ang mga ito. Inilabas ng knight ang bangkay ng bampira at sinabihan ang mga teacher na iprepare ang isang lugar para masunog agad ang katawan nito.
"Magiging okay lang ba si Seungri?" nag aalalang tanong ni Dara kay Taeyang.
"Magiging okay yun, masamang damo yun di agad yun mamatay." biro ni Taeyang na tumatawa pa.
"Wag ka ngang magbibiro ng ganyan. Hindi maganda." si Minzy na nanlaki ang mata dahil sa sinabi ni Taeyang. Tumahimik naman si Taeyang at inayos nila ang mga upuan.
"Nakakatakot na talaga." umiiyak na sabi ng isang classmate nila na kasamang natrap sa loob ng classroom. Nilapitan ni Dara ang classmate nya.
"Magiging okay din ang lahat Yumi." niyakap ni Dara si Yumi para mabigyan ng assurance.
"Okay ka lang?!Paanong magiging okay ang lahat?!" ang ever kontrabida ng classroom nila na si Andrea.
"Bakit may magagawa ba pag natakot na lang tayong lahat?Dapat lalo natin lakasan ang loob natin dahil alam kong magiging okay ang lahat." si Dara.
"Natural lang naman na matakot kami lalo na at nakita namin ang ginawa ng vampire kay Seungri at sino ba mag aakala na sa kasikatan ng araw may sasalakay na vampire pero tama si Dara kelangan natin lakasan ang loob natin dahil magiging okay ang lahat." sang-ayon ni Yumi maging ng ibang classmate nila.
"So ako nanaman ang mali dito?" tinignan ni Andrea ng masama si Dara.
"Walang nagsasabi na masama ka Andrea, ang sinasabi lang namin ay dapat maging matapang tayo." si CL na itinuloy ang pag aayos sa mga upuan.
"Wag ka ng umiyak Yumi, tatanungin ko yung knight kung pwede kayo samahan umuwi sa bahay nyo." si Dara na nginitian ang classmate.
"Salamat Dara!" niyapos ni Yumi at ng iba pang classmate nya si Dara na nakasama nyang natrap sa loob ng classroom.
"Pabibo!" si Andrea na tumalikod.
"Diba Andrea anak ka ng knight general?Baka pwede mo naman pakiusapan ang daddy mo na bigyan kami ng bantay." si Fani
"A-ano?!Bu-busy sila." lumabas ito ng classroom at iiling iling naman si Bom at CL.
"Kapatid mo siguro sa labas yan CL." comment ni Bom.
"Tantanan mo ko Bom." irap nito sa kaibigan at natawa naman si Bom.
"Ang bait talaga ni Dara noh?" si Taeyang na nakatingin kay Dara. Tinignan nila CL at Bom si Taeyang.
Nakita ni CL sa mga mata ni Taeyang na mukhang nagkakagusto ito sa dalaga.
"Taeyang ipapaalala ko lang, kaibigan mo si GD at girlfriend nya si Dara." si CL. Tinignan sya ni Taeyang at ngumiti.
"Alam ko. Wag kang mag-alala, walang sulutan na magaganap." si Taeyang na kumindat pa dito.
Natapos ang araw at katulad nga ng sinabi ni Dara sinamahan ng 4 na knights ang mga classmates nila at hinatid isa isa sa mga bahay ng mga ito.
"Princess Dara!" sigaw ng teacher nila. Napalingon sila Minzy, Bom at CL sa paligid at siniguradong walang nakarinig sa sigaw ng teacher nila.
"Ms. Ana, dapat hindi nyo sinisigaw yan." paalala ni CL.
"Pasensya na, okay lang po ba kayo?" nag aalalang tanong nito dito.
"Okay lang po ako." ngiti nya dito.
Dumating na ang sundo nila at nag-paalam na sa teacher nila.
"Hindi mo na kami dapat sinundo Sebastian." si Dara sa driver ng sasakyan nila.
"Utos po ng Hari, simula po ngayon hatid sundo ko na po kayo. Para na po sa kaligtasan nyo." sagot ni Sebastian sakanya.
Hindi na umimik si Dara, kakausapin nya ang mga magulang nya tungkol sa bagay na ito.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...