Chapter 46

272 17 3
                                    

Nagising si Dara na maliwanag na, bumangon sya kahit na may kirot na nararamdaman. Inilibot nya ang paningin at doon lang nya naalala na nasa bahay sya ni GD. Lumabas sya ng kwarto at narinig nya na may mga nagtatawanan. Nakita nya ang ama nya nanakikipagkwentuhan kila GD. nang mapansin sya ni Bom ay agad nilang tinawag si Dara na bumaba naman at umupo sa tabi ng hari.

"Kamusta ang tulog mo?" nakangiting tanong sakanya ng isang babae. Tumingin si Dara sa ama nya na tila nagtatanong kung sino ang babaeng ito.

"Ako nga pala Jenny, mama ni GD." pakilala nito sa sarili.

"Okay naman po ang tulog ko, salamat." simpleng tugon ni Dara.

"Kumain ka na, nagluto si GD ng pagkain." si CL na ipinaghain si Dara ng pagkain.

"Don't worry safe kainin yan." si GD na nakangiti sakanya.

Naiilang si Dara, nagtatalo ang isip nya. Mapapatawad na ba nya ang lahi nila GD? Pero magkaibang grupo naman ang pumatay sa mga mahal nya sa buhay. Tila napansin ng hari si Dara at pinakisuyuan na iwan muna silang tatlo para makapagusap.

"Okay na sayo ang ganito?" si Dara kay Thunder.

"Wala naman na tayo choice ate, and besides nakita ko kung paano nila tayo tulungan kahapon sa nangyari." explain ni Thunder.

"Galit ka pa rin ba sakanila?" ang hari.

"Hindi ganun kadali ang lahat pa."

"Anong hindi madali? hindi madaling tanggapin na isang bampira ang boyfriend mo o hindi madaling tanggapin na tama ang sinabi ni GD sayo?" ang hari. "Oo sinabi ko sayo na kailangan ay galing sa isang royal family ang mapapangasawa mo, pero namulat ako ng mawala ang mama nyo. Kasiyahan nyo ang priority ko pati na rin ang kaligtasan nyo."

"Isipin mo na lang ate, kung totoong kalaban sila dapat matagal pa lang may nangyari na sayong masama. lalo na ngayon na nandito tayo sa loob ng bahay nila." si Thunder.

Napangiti ng sarcastic si Dara, "Nung isang araw lang against na against ka sakanila at di mo sila pinapaniwalaan pero ngayon.." umiiling iling si Dara.

Hinawakan ng hari ang kamay ni Dara, "Open your heart my princess, try to understand everything. Oo tinago nila sayo kung ano talaga ang totoong pagkatao nila pero minahal mo sya at tinaggap mo ang pagkakaibigan nila diba?"

"I don't know pa, sorry." tumayo si Dara at bumalik sa kwarto nya. Pagpasok n ya sa kwarto ay nagulat sya nang makita si GD na nakaharap sa may bintana. Nilingon sya ng binata at ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito?" si Dara na umupo sa kama.

"Wala lang chinecheck ko lang kung okay tong kwarto mo, nakatulog ka ba ng mahimbing?" lumapit si GD kay Dara, "Kamusta na pakiramdam mo?" akmang dadamahin ng palad ni GD ang noo ni Dara pero mabilis na tinapik ni Dara ang kamay nito.

"Just because I asked for your help yesterday and we are staying here doesn't mean that everything's okay now."

"Galit ka pa rin ba?"

Hindi umimik si Dara. Humiga ito at nagtalukbong. Naramdaman na lang ni Dara na niyakap sya ni GD.

"I don't know kung hanggang kelan ka magiging ganito."

"Bitawan mo ko." nagpupumiglas si Dara.

"Please just for a while pagbigyan mo ko na yakapin ka."

Dinig ni Dara ang longingness sa mga boses ni GD.

"Sobrang miss na kita Dara, I miss us. I don't know until when but I will wait for you. For now, kontento na akong makita ka na safe, I promise you, they won't be able to hurt you as long as I'm alive. I love you so much Dara."

Naramdaman na lang ni Dara na gumaan na ang pakiramdam nya at nadinig nya ang pagsara ng pinto, napaluha sya. How she wish she could also say those words to him. But she don't want to betray her mom and friends who died in the hands of vampires.

"Galit pa din si Dara?" si CL na lumapit kila GD na tahimik na nagbabasa ng libro.

"Oo eh." malungkot na ngiti nito.

"Kayo ba hindi na galit samin?" tanong ni Daesung kay Bom at CL.

"Kung galit pa rin kami, hindi kami makikipagusap sainyo siguro nandun pa din yung trust issue" si Bom.

"Hindi din kasi madali ang pinagdadaanan ni Dara." si Top.

"Kaya nga sobra ang pagiintindi ko at paghihintay kay Dara." si GD

"Buong buhay ni Dara wala syang ibang ginawa kung hindi itago kung sino talaga sya, lagi syang may sakit at nanghihina at laging hinahanap ng mga bampira." si CL.

"Idagdag pa na namatay ang mama nya dahil sa bampira pati na din ang kaibigan namin." si Bom.

"Kaya naiintindihan ko kung bakit sya nagagalit, alam ko dadating din yung time na papaniwalaan nya ako na magkaiba kami. Na hindi kami katulad ng mga bampirang nakakalaban nyo." si GD

"Mahal mo talaga si Dara noh?" si CL

"Katulad nga ng sinabi namin sainyo. We only zing once, and GD already felt it with Dara." si Taeyang na inakbayan si GD, comforting him.

"Simula nung makita ni GD si Dara sa school nyo pati sa coffee shop di na natahimik si GD." tukso ni Seungri dito.

"Naramdaman ko na lang kasi," medyo nahihiya pang amin nito. "Yung feeling na alam mong sya na." parang lumulutang sa ulap ang pakiramdam ni GD nang maalala kung paano sila magkakilala ni Dara.

"Ganun din ba ang pakiramdam mo Daesung kay Minzy nun?" si Bom.

"Nung unang nakilala ko sya?hhmmmm, hindi. Naramdaman ko na lang na gusto ko sya nung nakita ko syang sumasayaw sa stage at kitang kita sa mga mukha nya kung gaano sya kasaya." si Daesung.

"Eh ikaw Top?" si CL

"Nung fashion show natin nung nakita kong nakaswimsuit si Bom." deretsong sabi ni Top na ikinapula naman ni Bom at ikinatawa ng lahat.

"I didn't know that you're pervert!" si Seungri kay Top.

Agad na binatukan ni Top si Seungri, "Anong pervert?!Hindi ah!Bom promise hindi naman katawan mo nagustuhan ko." natatarantang sabi ni Top ng marealize nya ang sinabi. Natawa naman lalo ang lahat.

"Buti na lang hindi ka na masyadong kumakain Bom." si CL na tumatawa pa din.

"Grabe kaaaaaa!!!" si Bom kay Top na humingi naman ng patawad.

"Mas masaya sana kung kumpleto tayo noh?" si Taeyang

"Oo nga eh, parang yung dati lang. Nandito si Dara at Minzy." nakangiti pero malungkot ang boses na sabi ni Seungri.

"Mababawi din natin si Minzy." si Daesung.

"Anong iniisip mo GD?" tanong ni Taeyang ng mapansin na malalim na ang iniisip ng kaibigan.

"Ha?Wala naman." gulat na sagot ni GD.

"May problema ba?Ano nga kasi yun?" pangungulit ni Taeyang.

Tinitigan ni GD si Taeyang, kinabahan sya sa tingin ni GD at umiiling iling na parang nababasa nya kung ano ang nasa isip ng kaibigan. "Don't tell me----"

"Iniisip ko kung totoo yung kwento ni Elder tungkol kay Jasmine. Pag natapos tong gulong to--"

"Wag kang magdesisyon ng basta basta GD." putol ni Taeyang sa sasabihin ni GD.

"Hindi ito basta basta lang Taeyang, ready akong gawin lahat." si GD.

"Teka, hindi kami makarelate anong meron?" si CL.

"At sino si Jasmine?" tanong ni Bom.

"Alam mo ang consequences ng iniisip mo GD diba?" si Taeyang.

"Alam ko, at kung yun lang din ang paraan para makasama ko si Dara, ready akong gawin lahat. Gusto kong maging tao katulad ni Dara. At pagkatapos ng gulo na to, gagawin ko ang lahat, maging tao lang ako at makasama ko si Dara ulit." si GD.

Hindi makapaniwala si Bom at si CL sa narinig at napabuntong hininga na lamang si Taeyang habang tumingin sa mga kaibigan na tila sangayon sa desisyon ni GD.


A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon