Nilapitan ni CL si Dara at niyakap pero nagpupumiglas si Dara at pilit na nirerevive si Bom.
"Dara, tama na..." umiiyak na sabi ni CL.
"No!"
Lumapit si GD kay Dara at inilayo kay Bom bago niyakap. "Sssshhhh" hinahagod ni GD ang likod ni Dara na iyak na ng iyak habang nakayakap sakanya.
"Bom.." mahinang tawag ni Top kay Bom na nakahiga sa sahig. Lumuhod sya at niyakap ang katawan ng nobya. Umiiyak ito na nakahalik sa noo ni Bom. "I'm sorry.." si Top.
"Minzy?!" si Daesung kay Minzy na akmang lalapit pero agad na naharangan sito nila Alex at Sander.
"Pabayaan nyo sila, Ley Minzy finish him." si Kiko na ang tinutukoy ay si Daesung. "Minzy!" pagbibigay nito ng signal kay MInzy. nang walang gumalaw sa tabi nya ay nilingon ni Kiko si Minzy at nakita nyang umiiyak ito. "Nanaman?!" tumayo si Kiko at mabilis na kinagat ito muli sa leeg.
"Kagat!Top!" lumapit si Dara kay Top, hinawakan nya ang kamay ni Top at makikita sa mga mata ni Dara na nagmamakaawa ito. "Pwede pang mabuhay si Bom, pwede mo pa sya kagatin."
"Dara!Ano ba yang sinasabi mo?!" si CL na tila hindi nagustuhan ang lumabas sa bibig ni Dara.
"Eto lang ang way para mabuhay ulit si Bom CL para makasama pa natin sya. Para hindi din malungkot ang papa nya." desperado si Dara sa mga sinasabi nya.
"Pero pag gnawa ko yun, magiging bampira si Bom and she can no longer have the normal life she once had." si Top.
Matagal na tinitigan ni Dara si Top bago nagsalita, "She can, as long as we are here for her. You are there for her. It's more than enough for her to live a normal life."
"Paano ang papa nya?Paano yung sakit na mararamdaman ng papa nya once na malaman na isa ng bampira ang anak nya?" si CL.
"Mas masakit kung malalaman nyang namatay ang anak nya. Parang si Sir Josh, kahit bampira na si Minzy ay masaya sya ng makitang buhay ang anak." sagot ni Dara, nanlumo si CL sa sinabi ng kaibigan. May point ang dalaga.
Nang makita nila na unti unting tumitigas ang expression ng mukha ni Minzy ay kinagat na ni Top si Bom.
Tinakpan ni GD ang mga mata ni Dara at itinalikod ni Seungri si CL para hindi makita ng mga ito ang pagkagat ni Top kay Bom. Matapos kagatin ni Top si Bom ay hindi pa rin gumagalaw si Bom.
"Anong nangyayari?" si taeyang ng makita na hindi gumagalaw si Bom.
"Check mo ang pulso." si Daesung na ginawa naman ni Top. Umiling ang huli.
"Itry mo ulit!" si Dara.
"Hindi na pwede Dara, huli na ang lahat." malungkot na sabi ni Top.
Parang nag slow motion ang lahat sa paningin ni GD nang makita nyang unti unting lumalayo si Dara sakanya. Nakuha ito ni Sander habang abala ang lahat at distracted.
"Ibalik mo si Dara!" si GD na hinabol si Sander.
"Dara!" si CL na sumunod dito.
"Bitawan mo ko!!!" si Dara na kinagat sa kamay si Sander, mabilis na sinampal ni Sander si Dara sa ginawa nito.
Nagulat si CL sa nakita at lalong nagalit pero naharangan sya ni Alex ganun na din si GD. Masama ang tingin na ibinigay ni Dara kay Sander pero walang mago dahil malakas ang lalaki, Tinignan nya si Kiko na ngayon ay nasa tabi na nya. Hinawakan ni Kiko ang baba ni Dara at nginitian ng nakakaloko. Masama ang tingin na ibinigay ni Dara kay Kiko.
"I'll let you suffer more, ipaparamdam ko sayo kung anong naramdaman ko nang agawin mo sakin si GD!"si Kiko.
Dara smiled sarcastically, "He's never been and will never be yours Kiko."
"Let's see" bumaling si Kiko kay Sander, "Bantayan mong mabuti yan. Ipapakita ko syo Dara kung paano mamatay lahat ng mahal mo sa buhay bago kita dalhin kay papa." at tumawa ito ng nakakaloko na parang nagecho sa buong lugar ang tawa nito. Sinenyasan nito si Minzy at umatake na sakanila kasabay ng iba pang bampira.
Nakikipaglaban ang lahat, si Top ay binabantayan ang katawan ni Bom habang nakikipaglaban, ganun din si Taeyang, daesung at Seungri, si CL at Minzy ang magkalaban at si GD at Alex naman.
"Minzy, please." si CL na sinasalag lang ang mga sipa at suntok ni Minzy sakanya. Hindi nya kayang labanan ang kaibigan.
"Alex, nakasama kita nung bata ka, isipin mong mabuti kung ano ang tama!" si GD kay Alex
"Ito ang alam kong tama!" sinuntok ni Alex sa mukha si GD na hindi naman nito nailagan.
"GD!" si Dara na pinilit kumawala kay Sander, ubod lakas nya itong sinipa sa harapn na dahilan para lumuwag ang pagkakahawak nya sa dalaga. Akmang tatakbo na sya pero napigilan sya ni Kiko, Sinabunutan ito ni Kiko at ipinadaan ang mahabang Kuko sa leeg ng dalaga, maingat para hindi dumugo at hindi sya madampian. Pabalibag nyang ibinalik si Dara kay Sander. Nang makarecover si Sander sa sakit ay sinampal nyang muli ito dahilan para tumilapon ito sa lupa.
"Dara!" si CL nang makita ang ginawa sa kaibigan. Pinilit nyang makapunta kay Dara pero hinaharangan sya ng mga suntok ni Minzy.
"Nice move pero hindi ka na makakawala sakin sa susunod!" si Sander na muli itong hinawakan.
"Oo, hindi ako makakawala dahil alam kong matatalo kayo ng mga kaibigan ko!" sagot ni Dara sa sinabi ni Sander.
"Hindi ko alam kung saan ka pa kumukuha ng lakas ng loob para sabihin at isipin pa yan. Imulat mo ang mga mata mo." hinawakan ni Kiko ang magkabilang pisngi ni Dara at pilit na ipinakita dito ang mga kaibigan na napapagod na sa pakikipaglaban at halos hindi na masalag ang mga tira ng kalaban. Nakita ni Dara si Minzy na inaatake si Cl. Sumikip ang dibdib nya ng makita nya iyon.
"Nahihirapan sila oo, pero hindi mahihina ang kaibigan ko." si Dara.
"Hindi sila mahihina, aminado ako dyan. Pero maatim mo ba na dahil sayo mamatay sila?" si Kiko.
Napatulala si Dara, nakita nya na sugatan ang mga kaibigan dahil sa hindi maubos ubos na kalaban at hindi din naman mahihina ang kalaban. Nakita nyang si CL na puro sugat na dahil sa mga atake ni Minzy. Nakita nya si GD, lalo syang natulala ng makita nya ang galit sa mga mata ni GD.
"Please Kiko, tama na." si Dara kay Kiko.
"Too late for that." si Kiko.
"Akala ko ba mahal mo si GD?" tanong ni Dara na nakapagpatigil kay Kiko. "Kung mahal mo sya itigil mo nato, wag mong hayaan na masaktan si GD. The more na sinasaktan mo ang mga kaibigan nya the more na nasasaktan mo sya. Kung mahal mo sya ititigil mo ang lahat ng ito!" si Dara.
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Kiko dito. Sa sobrang lakas ay nadinig ng lahat iyo.
"Dara!" chorus na sigaw ni GD at CL.
"Eyes on me!" si Alex kay GD.
"Umalis ka sa daan ko!" galit na sabi ni GD at sinuntok ito sa tyan, hindi pa man nakakalampas si GD kay Alex ay nahawakan agad ni Alex sa binti si GD.
Isa pang sampal ang narinig nila at nakita nila na dumugo ang gilid ng labi ni Dara.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...