Gulat at napatakip ang kamay ni Dara sa bibig nya nang marinig ang sinabi ni GD. papunta sana sya sa sala ng makita nyang naguusap sila GD at CL. Hindi nya alam kung bakit pero nagtago sya sa pader kung saan nadidinig nya ang usapan ng mga ito. Hindi sya makapaniwala sa mga narinig.
'Handa si GD na maging tao para sakin?' sa isip ni Dara.
"Oh?Anong ginagawa mo dyan?" si Thunder na hindi na nya namalayan na nasa harapan na nya.
"Shhhhh!!" at hinila nya ito palayo sa lugar na yun. Nang nasa kusina na sila ay natatawa si Thunder sa reaction ng kapatid nya.
"Anong meron?nakikinig ka sa usapan nila noh?" tukso ni Thunder.
"Ang ingay mo talaga kahit kailan." simangot na sabi nito.
"Teka, may ginawa akong cupcake dito." kinuha ni Thunder sa loob ng microwave ang cupcake na binake nya kanina.
"Bakit ka nagbake?" sinimulang kainin ni Dara ang cupcake na binigay ni Thunder. "Hhhhmm..ang sarap ah!"
"Syempre ako pa, kailangan mo din kasi ng sugar sa katawan napansin ko kasi na lalo ka nanghihina, baka kasi kulang na din sa nutrition ang katawan mo."
"Ang bait talaga ng bunso namin." she patted thunder on his head like he is still a kid. "Nasan nga pala sila papa?"
"Nasa meeting sila ng mga elder sa palace."
"Sa palace?HIndi ba delikado masyado?" nagaalalang tanong ni Dara.
"Doble ingat sila, kasama nila ang dalawang knight general pati ang papa ni GD"
Lumungkot ang expression ni Dara, "Tell me Thunder, Am I being harsh to GD?And to others?"
"Hhhmmm... I've been there ate, it's normal and understandable but we need to open our hearts and minds now that we know who is our enemy and ally. Try to understand them, alam ko mahirap sa pakiramdam, nakakaguilty na makipagkaibigan sakanila to think na sila ang pumatay kila mama, rather kalahi nila ang pumatay kay mama but they're different from those bloodsucker monster. Just follow your heart ate." sincere na sabi ni Thunder bago iniwan si Dara sa kitchen, nakita nya na pumasok si GD sa loob ng kitchen at binuksan ang ref, napatingin si GD kay Dara at muling sinara ang ref.
"Ah, it's fine. Pwede ka uminom ng dugo, I don't mind" ngiti ni Dara dito. Awkward smile tho.
Nanlaki ang mga mata ni GD na agad nilapitan si Dara, "Just now."
"What?" takang tanong ni Dara.
"You just smiled at me." hindi pa rin makapaniwala si GD.
"Sino may sabi?Hindi noh!Dyan ka na nga!" at mabilis na umalis si Dara sa kitchen, leaving GD smiling, widely. Narinig na lang ni Dara ang sigaw nitong "Yoohoo!" at nangingiting naglakad papalayo sa kusina.
Kinagabihan...
"Dara?" katok ni CL sa pinto ng kwarto ni Dara. Lumingon si Dara nang bumukas ang pinto at nakita si Bom at CL na pumasok ng kwarto nya. Umupo sa kama ang dalawang kaibigan at tinitigan si Dara.
"Bakit ganyan kayo makatingin?" nagtatakang tanong nya.
"Just checking if you are really okay." si CL.
"Ngayon ka lang namin makakausap after what happened yesterday." si Bom.
"Okay lang ako, you don't have to worry bout anything." pagbibigay nito ng assurance.
"Minzy." si CL. "Daesung promised na babawiin nya si Minzy."
"I know, I heard everything. At kasama ako sa pagtupad sa pangakong yun. Promise ko na ibabalik ko si MInzy satin no matter what happen." seryosong sabi ni Dara.
Umiling si Bom, "It's better if you leave the country Dara, napagusapan na ang lahat." si Bom.
"Anong ibig mong sabihin?" si Dara na nalilito.
"Aalis ka bukas ng umaga kasama si Top, Thunder at GD para umalis ng bansa." si CL.
"Ano?!Bakit?!"
"For your safety, Top will be responsible para maging invicible kayo at si GD naman ang responsible para hindi matrace ang amoy mo ng mga bampira." si Bom.
"Si papa ba ang nakaisip ng bagay na yan?" tanong ni Dara, tumango ang dalawang kaibigan nya at mabilis na tumayo sya at lumabas ng kwarto, nakita nya ang papa nya na nakaupo sa sala kasama ang lahat na tila naguusap at nagplaplano.
"Anong ibig sabihin ng kailangan kong umalis ng bansa?!" bungad ni Dara sa ama nya.
"Dara it is for your own good." si Triton na mahahalata mo sa mukha ang pagod at sobrang pag-aalala para sa mga tao at sa pamilya nya.
"No!Hindi ako aalis dito!" sigaw ni Dara.
"Pero ate---" si Thunder.
"No!ayokong umalis! Kailangan pa natin mabawi si Minzy!" sigaw muli ni Dara.
"Dara don't shout like that. Just calm down." ang hari.
"How can I calm down?! Biglaan lahat ng desisyon mo, you didn't even bother to consult me bout this yet you want me calm down?!For real?!" sigaw ni Dara sa ama nya.
"That's enough young lady! Yes I'am your father but don't forget that I'am also the King and you should respect me. Pinalaki ka ba ng mama mo na sigaw sigawan ang nakakatanda sayo?" galit na sabi ni Triton sa anak nya.
"And I'am also the princess who is going to be the future Queen so atleast nagconsult ka muna sakin Pa." malumanay na sabi ni Dara.
"I know na ganito ang magiging reaksyon mo kaya hindi ko na sinabi sayo ang plano ko. This is final, you will go tomorrow with your brother, GD and Top."
"Paano ka?" basag ang boses na tanong ni Dara.
Tinitigan ni Triton ang anak na halatang pinipigilan nitong umiyak. He sigh and lumapit sya kay Dara, hinawakan nito ang pisngi ng anak, "Once na matapos to, susunduin ko kayo." ngiti ni Triton kay Dara.
Hindi na napigilan ni Dara na mapaluha at niyakap ang ama, "Sumama ka na lang pa, hindi mo naman kailangan magpaiwan dito."
Niyakap ni Triton ang anak ng mahigpit. "You know I can't do that, hindi ko pwedeng iwan ang tao natin na nasa panganib. It is my duty as a their King to protect them and to never neglect them."
Umiiling iling si Dara, "Hindi ako aalis, ayoko umalis kung maiiwan ka dito. Ayoko iwan ka dito."
Lahat ng nakapaligid sakanila ay naiyak at nalungkot sa nakikita nilang eksena ng mag-ama.
Hinawakan ni Triton ang anak sa mag kabilang balikat at tinignan ang anak, "Hindi bagay sayo ang umiiyak," pahid ni Triton sa luha ng anak. "I promise I will be safe, Kasama ko ang pinakamagaling na knights natin at nandito din ang family ni GD para tulungan tayo."
Lumingon si Dara kay Sir Roy, "Sir Roy, pwede bang kumbinsihin mo si papa na sumama samin bukas?"
"I tried princess, yan din ang gusto naming lahat." si Sir Roy na nakatungo.
Tinignan ulit ni Dara ang ama, doon nya lang nakita na may bahagyang kulubot na ang mga mata nito tanda na tumatanda na ito. Lalo syang naiyak dahil alam nya ang pwedeng mangyari, alam nya na once na umalis sila ng kapatid ay may chance na hindi na nila makitang nakangiti ang ama nila.
"Pa.." garalgal na boses ni Dara.
"I will be fine, I promise. Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo." ngiti ni Triton sa anak bago umalis at pumasok sa kwartong inooccupy sa loob ng bahay nila Jasper.
"Ate.." si Thunder na niyakap si Dara, "Magiging okay naman ang lahat diba?Makikita pa natin si papa." si Thunder na mahahalatang ayaw din iwan ang ama at ayaw din umalis.
Hindi umimik si Dara at niyakap ang kapatid.
Inabutan ni Top ng tissue si Bom na labis ang iyak dahil sa nakikitang eksena. It breaks her heart to see her friend suffer like that. Niyakap ni CL na lumuluha din si Bom.
Si GD naman ay nakatingin lang kay Dara, ramdam nya ang lungkot ni Dara. How he wish he can hug and comfort Dara like before.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...