Chapter 36

269 12 2
                                    

Lumabas si GD ng classroom nila, sumunod si Dara dito.

"May problema ba sila GD at Dara?" tanong ni Yumi ng mapansin na iba ang kilos ng dalawa sa isa't isa.

Pinigilan ni CL ang knight sa pagsunod sa mga ito.

"Bom." si Top.

"Top!" yakap ni Bom dito. "Sorry, naging busy lang kaya di kita nakausap."

'Mukhang hindi pa alam ni Bom at CL ang tungkol samin' sa isip ni Top.

"Oh bakit ganyan ang reaction nyo?" si CL, tinignan nya si Seungri, Daesung, Taeyang at Top mula ulo hanggang paa. "Bakit wala kayong sugat?" kunot noong tanong nya.

"H-ha?" si Taeyang na tumingin kay Daesung.

"Make-up!" si Daesung.

"Make-up?" si Bom.

"Tinakpan namin ng make-up para naman hindi mabawasan ang pogi namin." explain ni Daesung.

"Ah..naka make-up ka?" si Bom na tinitignan ang mukha ni Top. "Parang wala naman."

"Magaling kasi mag apply ng make up si Daesung kaya hindi halata samin." ngiti ni Seungri.

"Oo nga!" sang-ayon ni Taeyang.

"Kung di lang namin kayo kilala talaga iisipin ko na bampira kayo." biro ni CL. Napansin nya na seryoso ang mga ito. "Nagbibiro lang ako, relax lang kayo." natatawang sabi ni CL na pumunta na sa upuan nya.

Sa rooftop...

Tahimik si GD na nakatingin kay Dara habang si Dara naman ay nakatingin sa palace na view ng rooftop ng school nila.

"Tumingin ka sakin. Magusap tayo." si GD.

Tumingin si Dara sakanya, tinignan nya ito mula ulo hanggang paa at sarcastic na napangiti.

"Vampire ka nga talaga, wala na agad ang mga sugat mo. So hindi din totoo ang sinasabi nila na takot kayo sa araw. Pano sa bawang?" sarcastic si Dara.

"Please don't be sarcastic, let's sort things out."

"How?Sabihin mo sakin kung paano?" galit na tanong ni Dara.

"Oo bampira ako pero hindi ako katulad ng iniisip mo. I don't kill people, I don't drink their blood. Kahit sila Taeyang ganun din. Parang human race, may mabuti and masama." explain ni GD.

"But that doesn't remove the fact that my friends and mother killed by your race. Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ko. Sa tingin mo ba matatanggap mo kung ano nalaman mo?" tanong ni Dara.

"Tanggap ko na ikaw ang princessa ng bansang to kahit itinago mo din sakin."

"Magka-iba yun GD!"

"Anong pinagka-iba Dara?Pareho tayong naglihim sa isa't - isa."

"Walang kaming pinatay na malapit sa puso mo other than your vampire comrades na umaatake samin."

"Pinatay ng lolo mo ang lolo ko."

"Na isinumpa ang lahi namin kaya kailangan kong itago ang sarili ko sa mga tao at dahilan ng pagiging mahina ko." si Dara na pinipigilan ang iyak.

Natahimik si GD. Wala syang mahanap na words para sabihin kay Dara.

"Ngayon nasasagot na ang mga tanong sa isip ko. Na kaya ganyan ang kulay ng balat mo kasi bampira ka. Na kaya lagi mo akong inaamoy at sinasabing mabango kahit wala naman akong inispray sa katawan ko ay dahil dugo ko ang naaamoy mo. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumagal na malapit sayo, thinking na anytime pwede mo inumin ang dugo ko."

Kita ni GD na may mga takot sa mga mata nito. "I'm not going to do that, ni hindi yan sumagi sa isip ko."

"How can I be sure? Sinugurado namin na walang makakapasok na bampira sa loob ng palace pero may nakapasok pa din at ilang beses pa?"

"I told you, iba kami sakanila. I want you to understand me Dara, I want you to believe me. I love you and you know it." hirap na sabi ni GD.

"Understanding and believing you would bring back my mother's life?Minzy's life?" naluha si Dara nang banggitin nya ang pangalan ni MInzy at nang maalala nya ang late queen. "Siguro kung sinabi mo sakin ang totoo before those things happened baka pa, baka pa kahit konti GD. Kahit konti na maintindihan kita at maniwala sayo."

"What's the difference between now and before?" lumapit si GD kay Dara hawakan pero umiwas si Dara na parang takot na takot.

"Difference? I despise vampire now than before. Too bad you're one of them. Just stay away from me." at umalis si Dara.

"I love you" tanging nasabi ni GD na ikinatigil ni Dara sa paglalakad.

"I hope I could still say those words GD. But everything is different now." at itinuloy nito ang paglalakad palayo dito.

Napasigaw si GD dahil sa sobrang inis at lungkot. "Bakit! Bakit ginawa mo pa akong bampira!!!Bakit kailangan mong isumpa ang pamilya nya!!Bakiiiiiiittt!" napaluhod si GD at napaiyak. "All I want is a normal life with her."

Dumating ang araw na ikinakatakot nya. Ang hindi sya matanggap ni Dara. Lingid sa kaalaman ni GD ay nasa likod ng pintuan si Dara na narinig ang mga sinabi nya at nakaupong umiiyak dahil part of her wants to believe GD. A part of her wants to give him hug to assure that everything is okay. A part of her... wants to continue loving him despite of being who he really is. Minabuti nyang bumaba na pabalik sa classroom nila, pinahid nya ang mga luha at ngumiti bago pumasok sa classroom. Napansin agad ni CL at Bom ang mata ni Dara. They don't know what's going on between Dara and GD but they held Dara's hand to assure that everything will be alright.

"You cannot have a normal life with her GD." si Kiko na sumulpot na lang bigla. Masama ang tingin na ibinigay ni GD dito at hindi nya napigilan na sakalin at isandal sa pader si Kiko.

"Ang ama mo ang may dahilan ng lahat ng ito, kung hindi sya naging sakim hindi mangyayari ang lahat ng ito." galit na sabi ni GD kay Kiko.

"Kahit hindi ama ko ang pinagbigyan mo ng trono, man gyayari at mangyayari pa rin ito." sa narinig ay binitawan ni GD si Kiko na napaubo at hawak sa leeg. "Alam mong nakalagay to sa propesiya hindi ba? Kaya wag mong isisisi lahat sa amo ko ang nangyayari. Kung tinanggap mo ang trono dati at hindi ito pinamigay baka hindi pa to nangyari." si Kiko.

"Kung hindi ko ibinigay ang trono malamang pinatay na ng amo mo ang pamilya ko."

"Madali lang naman na maresolve to lahat eh. Pakasalan mo ko."

Napatingin si GD sakanya, "Nababaliw ka na ba?Hindi porke ipinagkasundo tayo ay pakakasalan kita. Hindi kita gusto at lalong hindi kita mahal"

"At sino ang pakakasalan mo yung mahal mong princessa na hindi matanggap kung ano ka talaga? Gumising ka na GD, tapos na ang fairytale dream mo." inis na sabi nito.

"Kahit na hindi na kami maging okay ni Dara hindi pa din kita pakakasalan."

"Alam mong hindi na kayo magiging okay. Give up already GD, ni ayaw nyang magpahawak sayo. At sarado ang isip nya na hindi ikaw ang may kagagawan kung bakit namatay lahat ng mahal nya sa buhay."

"Susuko lang ako pag namatay na ako." Tinalikuran ni GD si Kiko na nakatayo at natatawa ng sarcastic.

"I'll make sure na pakakasalan mo ako GD." nasabi ni Kiko habang pinapanood ang likod ni GD palabas ng rooftop.


A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon