Chapter 44

208 14 1
                                    

Nagulat na lang si Dara ng may tumalsik na dugo sakanya. Nanlaki ang mata nya ng makita nya si GD na hinarang ang sariling katawan sa atake ni Kiko.

Napaatras si Kiko nang makita nyang ang natamaan nya ay si GD. "GD, so-sorry." napahawak ito sa bibig nya ng makita ang dugo na dumadaloy sa dibdib nito.

"Okay ka lang ba?" tanong ni GD kay Dara na parang wala itong sugat.

"Ikaw ang dapat na tinatanong ko nyan!" napatingin si Dara sa dibdib nito.

"Don't worry hindi ako mamatay dahil dito, magheheal din sya."

"I'm not worrying about that, ayoko lang ng may namamatay dahil sakin." si Dara na nagkukunwaring hindi sya talaga nag-aalala kay GD. Natumba si GD dahil tumalsik si Taeyang sakanya.

"Sorry." si Taeyang na dumudugo ang gilid ng labi. "Lakas sumipa ni Minzy." naiiling na sabi ni Taeyang.

"Urrgghhh!" si Sir Josh na hawak hawak ang kamay ni Minzy, tila pinipigilan nya ito. Nang makita ni Dara ang nangyayari ay tumakbo ito palapit sakanila.

"Minzy no!" hinawakan nya ang kamay ni Minzy kung saan nakabaon ang kalahating kamay ni Minzy sa balikat ni Sir Josh. Tinanggal ni Minzy ang kamay at sinakal si Dara. Inalalayan agad ni Taeyang si Sir Josh na natumba habang si GD ay sinuntok sa tagiliran si Minzy para mabitawan si Dara at agad nyang inilayo si Dara kay Minzy.

"Bakit mo sya sinaktan?" hysterical na tanong ni Dara kay Minzy.

"Kung hindi ko sya sinaktan, mamatay ka naman." si GD.

Agad na nilingon ni Dara si Sir Josh nahawak ang sariling braso, nang makita nya ang sitwasyon ni Sir Josh ay hinarap nya si Minzy. "Minzy tama na!Bumalik ka na sa dati!" sigaw ni Dara dito.

"Walang magagawa ang pagsigaw mo!" si Kiko na lumapit sa tabi ni Minzy.

"Wag kang makialam dito Kiko!"

"Magigising lang si Minzy sa spell ko pag namatay ako, which is hindi mangyayari. And hinding hindi na sya babalik pa sainyo dahil bampira na sya. Kung hindi dahil sakin, patay na talaga ang kaibigan mo." si Kiko.

"Mas gugustuhin ko pang namatay si Minzy kesa nakikita kong nahihirapan ang anak ko." si Sir Josh. Tinignan nila si Minzy.

"Minzy.." naluha si Dara ng makita ang expressionless na mukha ni Minzy na lumuluha din.

"Anong nangyayari?bakit ka umiiyak?" si Kiko na nagagalit at nagtataka.

"Hindi mo maiaalis sa pagkatao nya kung sino talaga sya Kiko, ginawa mo syang bampira pero sya pa rin si Minzy na minahal naming lahat." si Dara na nakangiti kay Minzy. "Everything is okay Minzy, bumalik ka na samin" itinaas nya ang kamay na para bang sinasabi nito kay Minzy na abutin ang kamay nya. Napansin nila na unti unting tumataas ang kamay ni Minzy. pumunta si Kiko sa likod ni Minzy at ngumiti sakanila bago nito kagatin ang leeg ni Minzy.

"Kiko wag!!!" si Dara na gulat na gulat sa nangyari.

Agad na tumakbo si Sir Josh para alisin ang pagkakagat ni Kiko sa leeg ng anak pero huli na ang lahat, Minzy is under Kiko's spell again. Sinalubong ni Minzy ng atake si Sir Josh pero mabilis na kumilos si Daesung para kunin si Sir Josh at ilayo kay Minzy.

"Okay lang kayo?" tanong ni Daesung.

"Ako ang kalaban mo!" hindi inaasahan ni Daesung na matatamaan sya ni Sander sa mukha. Tumlasik si Daesung pero sumugod agad si Seungri kay Sander.

"AAAhhhhh!!!" napalingon silang lahat sa sigaw ni CL, pabuhat na sakal sakal ito ni Alex sa may bangin.

"It's such a shame na hanggang dito ka na lang." at binitawan ni Alex si CL.

"CL!!!!" napasigaw si Dara sa nakita. Putok ng bala ang nagpatigil pa sa ibang naglalaban.

"Alex?" si Sander na nagtataka dahil nakatigil ang kambal sa paglalakad papunta sakanila.

Tumingin si Alex sa katawan na may dugo, kinapa nya ang sugat at alam nyang nakabaon ang silver sa katawan nya. "Sander" napaluhod ito bago tuluyang bumagsak. Mabilis na sinalo ni Sander ang kapatid.

"Bom!" si Sir Reynold nang makita ang anak na buhat buhat ni Top ganun din si CL.

"Princess Kiko, I'm afraid but we need to go." si Sander na buhat buhat ang kapatid.

"Tsk! Hindi pa to tapos!" si Kiko na umalis kasunod ang kambal at ang iba pa.

"Minzy!!!!!" tumakbo si Dara para habulin ito pero nawala na lang na parang bula ang mga ito at muling lumiwanag. Ang lahat ay nakatigil lamang at nakatingin sa direksyon kung saan nawala ang mga kalaban. Kung saan muling nawala si Minzy.

Matapos gamutin ang sugat ng lahat ay nagpulong ang mga ito sa hall.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hndi naging abo si Alex." si CL

"Dahil tinrain sila sa silver, oo namamatay kami sa silver pero unti unting nagiging immune ang 5 armies sa silver." si Top.

"Kung ganun ano ang pwede natin gawin para matalo ang 5 armies?" si Bom.

"Ang dugo ko." napatingin ang lahat kay Dara. "Tapos na bang gawin ang lahat ng weapons natin na may dugo ko?" tanong ni Dara kay Sir Roy.

"Malapit na po matapos princess." sagot nito.

"If you still need my blood, handa akong magpakuha ulit."

"That's enough Dara, kung okay ka na saka natin isipin na magpakuha ka ng dugo." ang hari, bumaling ito kay Sir Josh na nakikinig lamang sakanila pero mahahalata mo na malalim ang iniisip. "Are you okay?"

"Okay lang po ako King Triton." pagbibigay ng assurance nito.

"Mababawi din natin si Minzy." tinapik nito sa balikat ang knight general nya.

"Yun ang kutob ko nang hindi makita ang katawan ni Minzy." si Top na tila malalim ang iniisip.

"Anong pwede nating gawin para mabawi si Minzy?" si Bom kay Top.

"Kailangan natin mapatay ang nagbigay sakanya ng spell." sagot nito.

"Ibig sabihin kailangan talaga natin patayin si Kiko" si CL.

"Wala bang ibang paraan na mawala si Minzy sa spell ni Kiko ng hindi natin mapapahamak si Kiko?" si Dara.

"Seryoso ka ba Dara?!" gulat na nagtaas ng boses si CL na ikinatingin sakanya ng hari. "I'm sorry, princess." nagbaba ito ng tingin.

"We will find a way to do that. For the mean time kailangan natin maialis kayo dito sa loob ng palace."

"Para sa anong dahilan?" si Sir Roy.

"Mapanganib na ang buhay nila dito, wala na din bisa ang mga silver na nakapalibot sa palace dahil malaya ng nakakapasok ang mga kalaban."

"At saan pwedeng magstay pansamantala ang royal family?" si Sir Reynold

"Pwede sa bahay, magagawan ni Top na maitago ang presence nyo sa mga kalaban." si Jasper na tumingin kay Top at tumango dito tanda na kaya nyang gawin yun.

"Paano kami makakasiguro na ligtas sila sa bahay nyo?" si Sir Josh.

"Kasama kayo0 at ang ibang knights na mapipili nyo, malaki ang bahay. Kaya kayo iaccomodate."

"Okay ka lang Dara?" tanong ni Seungri dito.

"Oo okay lang." sabi nito na pinunasan ng mga kamay ang pawis sa noo.

Nilapitan sya ni Jasper at tinignan sa mga mata. "Bilisan na natin ang kilos, hindi magdadalawang isip na bumalik ang mga kalaban dito." at umalis sila sa palasyo papunta sa bahay nila GD.



A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon