Chapter 34

260 15 1
                                    

Mabilis na dinala ng hari si Dara sa loob ng pagamutan sa palasyo nila, agad na ginamot ng mga doctor si Dara, nandoon din sila CL at Bom na pawang may mga benda sa katawan at nakahiga. Bumangon ang dalawa upang puntahan si Dara.


"Buti na lang malakas ang princessa, dahil sa lalim ng mga sugat na natamo nya pwede nya itong ikamatay." anang ng doctor. Habang ginagamot si Dara ay dumating ang tatlong knight general galing sa pagpapatrol. Agad na nilapitan ni Sir Roy si CL at ni Sir Reynold si Bom. Napatingin si Dara kay Sir Josh na nagbigay galang sakanya at muling tumayo. Alam nyang hinahanap nito si Minzy pero hindi maialis ang mga mata sakanya. Napaluha si Dara at pinilit na bumangon kahit nahihirapan sya at hindi pa tapos ang pag-gagamot sakanya.

"Sir Josh I'm sorry.." hinawakan ni Dara ang mga kamay ni Sir Josh. "If I'm strong enough I coul----"

"Don't say that princess. You are strong enough to protect and take care of my daughter." nagcrack ang boses nito at halata na pinipigilan ang pagluha. "It's my fault that I'm not there when you needed me."

"Sir Josh.." si Bom at si CL na tumakbo palapit dito at niyakap ito.

"Minzy is proud of you princess and also sainyong dalawa. I can imagine her smiling face while looking at you. It's an honor to serve and protect you princess. Minzy's life wouldn't be invain." si Sir Josh.

"It's okay to cry Josh, let it out." ang hari. Pero hindi natinag ang expression ng mga mukha ni Sir Josh.

Sumenyas si Sir Reynold kay Sir Roy at inakay nila palabas ng kwarto ang kaibigan nila.

"HUmiga ka na Dara, dumudugo ulit ang sugat mo." ang Hari na inalalayan ito sa paghiga sa kama. She couldn't stop crying, pati si CL at Bom. Hindi nila mapigilan ang iyak nila.

"Umuwi na lang sana tayo ng maaga, kasalanan ko to! Minzy would still be here with us if only hindi matigas ang ulo ko." paninisi ni Dara sa sarili nya na nadinig naman ni Sir Josh, tuluyan na itong naluha dahil sa lungkot na naramdaman sa pagkawala ni Minzy

"Hay!" si Josh na tumingin sa langit. "Alam kong nandyan ka na, susunod ako sayo. Magkikita din tayo anak ko." sabi ni Josh na tumuro pa sa langit. Tinapik ni Reynold ang likod ni Josh at naglakad silang tatlo palayo sa kwarto na iyon.

Dumaan ang magdamag pero hindi nakita ang katawan ni Minzy. Naririnig ni Dara ang mahinang pagiyak ni Josh sa twing bibisitahin nya sa quarter nito si Josh. Dumating ang hapon ng kinabukas at nasa loob ng hall ang mga elders at ang knight generals ganun na din ang hari para sa pagpupulong tungkol sa nangyari.

"Hanggang ngayon hindi pa nakikita ang katawan ni Minzy, paano tayo nakakasiguro na hindi ito naging bampira?" tanong ng isang elder.

"Sa kwento ng ating princess ay hindi ito nakagat ng bampira, kaya wag po tayong dumating sa punto na iisipin natin na naging bampira si Minzy." pagtatanggol ni Josh sa anak nya.

"May punto si Sir Josh, ngayon ay kailangan natin malaman kung paano nila nakilala ang anak ko na isang princessa?" tanong ng hari. Bumukas ang pinto at sumulpot si Dara kasunod si Bom at CL.

"Pa!Alam ko na ang pwede makapatay sa mga bampira." tumatakbong lapit ni Dara sa hari.

"Ano pong ibig ninyong sabihin mahal na princessa?" ang isang elder.

"Dugo ko. Dugo ko ang makakapatay sa mga bampira."

"Anong ibig mong sabihin?" ang hari.

"Ngayon ko lang naalala, namatay ang tinawag nila Trio ng tikman nito ang dugo ko mula sa kuko nya ng masugatan ako. Ang tinawag naman nila na Trone ay namatay ng may pumasok na dugo ko sa loob ng katawan nya. Ibig sabihin mas malakas sa silver ang dugo ko panlaban sakanila." explain ni Dara.

"Kung ganun ay kailangan natin kunan ng dugo ang princessa at ihalo sa mga silver." ang isang elder.

"Hindi pwede, masyadong mapanganib, alam ninyong lahat kung ano ang kundisyon ng princessa." ang hari.

"But pa, ito na ang chance natin. Ayoko ng may mapahamak pa, ayoko ng mawalan pa ng kaibigan. Ayoko na mawala sa lahat ang pagsasakripisyo ni Minzy." tinitigan nya sa mga mata ang ama nya. "Let me do this."

Matagal na tinignan ng hari si Dara at nakita nito ang kagustuhan ng anak na makatulong.

"Pwedeng kunan ng dugo ang princessa, pero may limitasyon, kelangan ng doble ingat at laging sisiguraduhin na hindi manghihina at magkakasakit si Dara."

Sumangayon naman ang lahat.

"At sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para ipakilala si Dara as the princess of this country." ang hari,

"Pero mahal na hari masyadong mapanganib." ang isang elder.

"Mas mapanganib kung itutuloy natin ang pagtatago sa pagkatao ni Dara, ayoko nang maulit ang nangyari kagabi." ang hari.

"Tama ang mahal na hari, kung alam na ng lahat na Si Princess Dara ang princessa natin ay mabilis at madali natin syang maproprotektahan, at satingin ko alam na din nila ang pagkakakilanlan ng princessa." si Sir Reynold.

Muling sumang-ayon ang lahat at natapos ang pagpupulong.

"Pa, pwede pa rin ba akong pumasok sa school?" tanong ni Dara.

"Hindi ba masyadong mapanganib?" nag aalalang tanong ng hari.

"I have CL and Bom with me as well as the knights."

Pumayag ang hari sa gusto ng anak. Umalis sila Dara, CL and Bom. They all go to Minzy's room.

Humiga si CL sa kama ni Minzy, si Bom ay umupo sa bean bag na paborito ni Minzy habang si Dara ay tinitignan ang picture nilang apat na nasa side table ng kaibigan. Tears began to fall down as they reminisce their memories with Minzy.

"Nakakamiss si Minzy." si Bom na lumuluha.

"Nagprapractice sana sya ngayon ng sayaw para sa recital nya." si CL na lumuluha din.

"Kasalanan ko.." si Dara na sinisisi pa din ang sarili. Bumangon si CL at nilapitan si Dara.

"Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan." pag aalo ni CL.

"Kung hindi nya ako kasakasama at akay akay, hindi sana mangyayari sakanya to, kung sya lang mag-isa malamang kasama pa natin si Minzy dito, kung malakas lang sana ako..."

"Ginawa ni Minzy ang gusto nya. Hindi dahil knight sya kundi dahil mahal ka nya kaya nya ginawa yun." si Bom.

"Hindi gugustuhin ni Minzy na makita kang ganyan Dara, hindi sya magiging masaya kung nasan man sya kung patuloy mo sisisihin ang sarili mo." si CL.

"Atleast now we know kung paano natin mapapatay lahat ng bampira, MInzy's death will not be invain." si Bom.

"Anong balita na pala kila GD?" si CL.

Tumahimik lang si Dara at muling naalala ang natuklasan, hindi sya makapaniwala na ang itinuring nyang mga kaibigan at ang lalaking minahal nya ay isang bampira.

Nang gabing iyon ay ipinatawag ng hari ang mga kamag anak nila para pormal na ipakilala si Dara, na walang maskara. Nang makita nila ang mukha ng princessa ay hindi sila makapaniwala sa nakikita, dahil sa magandang kutis at mukha ng princessa.

A Bite to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon