"Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!"
isang malakas na sigaw ang nagpagising kay Dara sa kalagitnaan ng gabi. Bumangon sya at naglakad papunta sa pintuan para tignan kung ano ang dahilan ng pagsigaw na iyon pero bumukas ang pinto at pumasok sila Bom, CL at Minzy, nakita nya sa labas na dumoble ang nagbabantay sa labas at tumatakbo ang mga knights.
Sinara ni CL ang pinto.
"Ano nangyari?" nagtatakang tanong ni Dara sa mga ito.
"Nakita si Nikki at Mady na walang buhay sa may garden." si Minzy.
"Ano?!Bakit?Ano nangyari?"
"Vampire." simpleng tugon ni CL.
"Vampire?Paano nakapasok dito?"
"Yun nga ang ipinagtataka namin, paano nakapasok eh napupuno ng silver ang palasyo at sobrang higpit ng bantay. Magkakasama ang hari, reyna at mga elders dahil sa nangyari."
"Aaaahhhh!!" sigaw nang nasa labas na kwarto ni Dara, humanda ang tatlo nang marinig ang sigaw na mula sa labas hanggang sa nadidinig na nila ang putok ng mga baril at kalansing nang nagtatama na swords. Ilang minuto ay tumahimik na lalong nagpakaba sa kanilang apat, niready ni CL ang sword nya habang si Minzy ay ang silver crossbow nya at si Bom ay itinutok sa pinto ang baril na hawak nya. Narinig nila na may naglalakad papalapit sa pintuan. Walang umiimik sakanila, lahat sila ay nakahanda para protektahan si Dara. Naghanap si Dara ng pwedeng gamitin just in case, nakita nya sa side table nya ang ballpen at kinuha nya iyon. Bumukas ang pinto at parepareho silang napahinga ng maluwag nang makita na si Sir Roy ang dumating kasama sila Sir Reynald at Sir Josh. Ang dalawa pang Knight Generals
"Okay lang ba kayo?" nagaalalang tanong ni Sir Josh.
"Papa naman sa susunod magpaparinig kayo ng boses nyo pag ganito nangyayari."si Minzy na nakaupo na sa sahig.
"Si Princess Dara okay lang ba?"tanong ni Sir Reynold.
"Okay lang po ako. Sila Mama at Papa po?" nagaalala naman nitong tanong.
"Dara!" tumatakbo papalapit ang reyna kay Dara at niyakap ito.
"Ma!" niyakap din nya ang ina, nakita nya ang hari at ngumiti ng makitang ligtas ang anak.
"Ano nangyayari ma?"tanong ni Dara dito.
"Nag-iinvestigate pa kung paano nangyari na may nakapasok dito." sagot ng hari.
"Tinignan ka lang namin kung safe ka, Hindi ko alam ang gagawin pag may nangyari sayo." sabi ng reyna. Umalis din ang mga ito at natira sila CL, Bom at Minzy. Umupo sila sa kama ni Dara.
"Ano yung sigaw na nadinig pa natin kanina?"si Bom.
"Bukas pa natin malalaman yan, ang mabuti pa matulog na tayo at maaga pa para bukas."si CL.
"Dito na lang kayo matulog." si Dara na makikitaan ng takot.
"Dito nga kami matutulog." pumwesto si Minzy ng higa sa gilid at natulog na sila.
"Ilan ang nakagat?" tanong ng hari kay Sir Roy.
"2 maiden at 4 na knights." sagot nito.
"Nahuli namin ang bampira at kasalukuyan na nasa tower ngayon."si Sir Reynold.
"Ang mabuti pa pumunta ka na sa kwarto natin." ang hari sa reyna.
"Hindi, gusto kong malaman kung paano sya nakapasok at bakit nya ito ginagawa."mariin sabi ng reyna.
Walang nagawa ang hari at nagderederetso sila sa tower, nakita nila na nakakadena ang bampira, dumudugo ang kaliwang binti nito sanhi ng tama ng baril.
BINABASA MO ANG
A Bite to Remember
VampireDo not walk by yourself at night if you value your life! Vampires roams at night, hunting their prey to suck blood.There's good vampire and there's not so good vampire at all. They are feared by many but someone is trying to annihilate their race...