Bilang isang kabataan, paano ka gumalaw sa isang lipunan? Eh sa inyong tahanan? Anong klase kang anak? At ang pagsagot mo sa iyong magulang, kamusta naman? Iyan ang ating pag-uusapan.
Sa isang lipunan ay mga simpleng kabataan lamang tayo na naglalakad sa daan at pa easy easy lang. Yung tipo bang napakagaan ng ating nararamdaman dahil walang masyadong problema sa buhay at kadalasang problema lang sa pag-ibig ang iniisip natin.
May times na kapag broken hearted ka pa nga ay wala kang pakialam sa paligid basta para bang pasan mo ang mundo at hirap na hirap kang gumalaw dito.
Kadalasan nga ay hindi natin inintindi ang problema sa ating tahanan para bang mind your own business na lang at walang pakialaman.
Sa loob ng ating tahanan, kamusta ba? Masaya ba ang inyong pamilya? Nagkakaroon ba kayo ng bonding time? Nakakapagkwento ba kayo ng inyong karanasan sa kanila? At higit sa lahat, nasasandalan niyo ba sila sa oras ng problema? Iyan ang tatalakayin natin sa ibang yugto nito.
Ang una nating pag-uusapan ay ang PAGSAGOT SA MAGULANG.
Oh nakarelate ka? Kaya naka-ngiti ka ngayon? Haha! Ito ang isa sa mga hindi magndang pag-uugali ng isang kabataan.
Bakit nga ba natin sinasagot ang ating mga magulang? Eto ang ilan sa aking mga listahan...
1. MAY GUSTO KAYONG IPAGLABAN
(Eto yung time na sa tingin niyo ay mali sila at gusto niyong tumbukin na tama kayo at sa sobrang reasonable mo ay humahaba pa ang inyong pagtatalo)
2. MASAMA ANG TIMPLA NIYO IN SHORT WALA KAYO SA MOOD
(Eto naman yung time na kapag nagsermon sila ay napopoot kayo sa sobrang galit dahil may nangyaring hindi maganda kaya hindi niyo mapigilan ang inyong sarili kundi sagutin sila)
3. NABIGLA LANG KAYO
(Eto yung time na may masakit silang nasabi sayo kaya hindi mo napigilan ang sarili mo dahil nga affected kayo kasi totoo)
4. NAIINIS SA SOBRANG LAKAS NG BOSES
(Kadalasan itong nangyayari sa mga squaters area na kung saan ay umaga pa lang ay may nagbabangayan ng mag-inak na dahil sa sobrang lakas ng boses ay feeling mo ay napapahiya ka na kaya lumalaban ka)
5. KAPAG SA TINGIN NIYO AY NAPAPAHIYA NA KAYO
(Kagaya nga ng sinabi ko sa taas lalo naman kapag sinermunan kayo sa harap ng inyong mga kaibigan o kabarkada syempre ayaw mong mapahiya sa kanila at kadalasan ay ipinagmamalaki niyo pang kaya niyo sila)
6. MASYADO KAYONG TINATAMAAN SA MGA SINASABI NILA
(At dahil sobrang sapul na sapul na kayo sa pagsesermon nila ay sasagot na kayo kaagad)
Iyan ang ilang kadahilanan kung bakit sinasagot ng isang kabataan ang kanyang magulang.
Tandaan po narin na kaya lang po tayo pinapagalitan o sinesermunan ng ating mga magulang ay dahil concern sila sa atin at ayaw nila tayo mapahamak.
Walang magulang na naghangad na mapahamak ang kanilang anak. Tandaan po natin na THEY LOVE YOU VERY MUCH! Mahal na mahal ka ng magulang mo kaya sana maintindihan mo.
Sa oras ng sermon nila sa atin ay manahimik na lang tayo at huwag sasagot lalo na kapag galit sila at ikaw ay galit din tiyak na sasabog kayo pareho.
Tula ko..
Pagsagot sa Magulang
By risingservant
Ano ang kahihinatnan mo?
Kung ang magulang mo ay sinasagut-sagot mo?
Hindi ka ba nakukuntento
Lalo na't lahat ng gusto mo ay ibinibigay nila sayo
Naubusan ka ng pasensya?
Pwes, sana ika'y makonsensya
Ang magulang mo ay dapat sundin
Nang lahat ng iyo ay hindi nila kuhanin
Iwaksi natin ang pagsagot sa magulang natin
Upang kasiyahan habang kapiling sila'y ma-angkin
I hope magustuhan niyo ang aking mumunting tula na ito. Habang maaga pa po ay magbago na tayo.
Maupo tayo sa isang tabi at yumuko at pagsisihan ang nagawang kasalanan at sabihing...
Lord, Patawad!
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Sana po ay nagustuhan niyo po ito kahit papaano. I hope na marami kayong matutunan at magising po kayo sa katotohanan.
Tayong mga anak ay dapat hindi sinasagot ang ating mga magulang lalo na kapag nagagalit sila sa atin. Matuto tayong respetuhin sila dahil nakasaad ito sa Sampung Kautusan ng Diyos.
Word of God
"Ang malumanay na sagot, nakakapawi ng poot ngunit ang salitang masakit lalong nakakagalit."
-Kawikaan 15:1
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
![](https://img.wattpad.com/cover/14934538-288-k222933.jpg)
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...