Fifty One - Biblia

356 66 4
                                    

Ilang oras ang iyong inilalaan sa pagbabasa ng mga stories dito sa wattpad? Eh sa pagbabasa ng Biblia?

Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang hindi mahilig magbasa ngunit simula nung naimbento ang wattpad ay maraming kabataan ang nahikayat na magsulat at magbasa.

Aminin mo, inaabot ka pa ng umaga sa pagbabasa ng paborito mo stories dito sa wattpad. Kung tutuusin nga eh mas marami pang oras ang iyong nailalaan sa pagbabasa ng stories sa wattpad kaysa sa iyong pag-aaral.

Maraming naaaddict sa wattpad mostly ay mga girls. Marahil na rin dulot ng kilig, at iba't ibang emosyon na kanilang nararamdaman habang nagbabasa.

Pero ang tanong, sumagi na ba sa isipan mo na buklatin ang Biblia? At isa pang tanong, mayroon ba kayong Biblia sa inyong tahanan?

Dito sa wattpad, mayroong spiritual genre upang tayo'y yumabong pang-ispiritwal pero ilang percent kayang mga wattpad user ang nagbabasa nito? 5%? 10%?

Nakakatuwa nga dahil mayroon pa ring mga writer na kagaya ko na hindi nagsasawang magbahagi ng mabuting salita ng Panginoon kahit na alam nilang hindi sila sisikat dito.

Kaya mga co-Christians and co-Spiritual writers, huwag po kayong magsasawang magshare ng Word of God.

Ang Biblia ay naglalaman ng napakaraming kaalaman upang tayo'y yumabong bilang isang mabuti tao.

Ang Biblia ang magtuturo at magbibigay daan sa atin upang tayo'y mapunta sa langit.

Sa Biblia rin matatagpuan ang mga sagot sa iyong katanungan.

At sa tulong ng Biblia, sasagutin ka ng Panginoon at ibibigay sayo ang sagot at upang gabayan at patnubayan ka sa buong maghapon.

Sa pagbabasa ng Biblia ay one way din upang iyong makausap ang Panginoon at sa pamamagitan nito, siya ay tutugon.

I hope na mahikayat ko kayo na magbasa ng Biblia. Bilang na sa panahon ngayon kung ilang kabataan ang nakakapagbasa ng Biblia.

Dapat nga araw-araw ay nagbabasa tayo dahil ito ang maggagabay sa atin sa buong magdamag. Dapat araw-araw ay pinanghahawakan tayong salita ng Panginoon.

Masarap magbasa ng Biblia kaya subukan niyo. Maglaan naman po kayo kahit na ilang oras para makapagbasa ng Biblia.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

Ang Biblia ang Aklat ng buhay kaya matatagpuan natin dito ang sagot sa ating mga katanungan.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon