Kadalasan nating naririnig ang salitang ito sa tuwing may taong tumutulong sa taong nangangailangan ng tulong.
Kagaya ng halimbawa natin, may isang babaeng nawalan ng tirahan at wala na siyang ibang malapitan kundi sa tiyahin niya.
Pinatuloy naman siya ng tiyahin niya sa bahay nito kaya tinanaw ng dalawa ang pagtulong na iyon na utang na loob.
Kaso lang, hindi nagtagal ay nang dahil sa UTANG NA LOOB na ipinagduduldulan sa kaniya ng kaniyang tiyahin. Masyado na siyang inabuso na halos gawin pa siyang alila sa bahay.
Minsan, dahil tumatanaw tayo ng utang na loob, hindi tayo makahindi kapag nangailangan sila ng tulong sa atin at ang masaklap pa roon, naabuso pa tayo.
Free verse muna po ulit tayo hehe..
Utang na Loob
By risingservant
Utang na loob
Uso pa ba ngayon?
Sa talamak na karahas na nagaganap ngayon
Mayroon pa bang taong bukal sa kalooban kung tumulong?
O ang bawat tulong na ibibigay mo
Ay may kalakip na kalapit na hihingin mo?
Uso pa ba ang tumulong ng walang kapalit?
Sa tingin ko, mukhang hindi na
Dahil sa higit na pangangailangan ng tao
Lalo na kapag taghirap pa
Masakit pakinggan
Lalo na kapag ipinagduduldulan
Ang pagtulong sayo'y nais ng kabayaran
At kapag hindi mo ito naibigay
Malutong na salita'y sayo'y bibitiwan
Kadalasan, nang dahil sa utang na loob
Ika'y naabuso
Utos dito
Utos doon
Kahit pagod ka na
Wala siyang pakialam
Basta makuha niya ang kailangan niya
I hope na nagustuhan niyo po ang aking mumunting tula. Isabuhay po natin ito at let's spread the word of God.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan kaya ibahagi sa iba ang natutunan niyo.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Ipinapanalangin ko na lalo pang lumago ang pagmamahal niyo sa isa't isa."
-Filipos 1:9
Kung mahal natin ang Diyos, mamahalin din natin ang ating kapwa.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...