Twenty Three - Pang-aagaw

552 73 2
                                    

Maraming klase kung paano ka mang-agaw sa kapwa mo.

Sa mga bata, ang tanging pinag-aawayan lang naman nila at pinag-aagawan ay mga laruan.

Mabuti pa nga yung mga bata, mayroong willing magbigay basta susuyuin mo at itutuon ang atensyon sa ibang bagay.

Sa mga teenager, alam niyo naman na kung sino ang pinag-aagawan diba? Yup sino at hindi ano.

Sino pa nga ba? Ade si Crush! Mabuti pa nga kung Crush lang kasi kapag ang grupo ng isang babae ay Crush si ganito, lahat sila ay nagkakasundo sa kilig at higit pa roon, makakapagpatayo pa yata ng fans club haha!

Ang masaklap lang, si boyfriend/girlfriend ang pinag-aagawan. At ang masakit pa doon, sinulot ni bestfriend si boyfriend/girlfriend kaya ang kinahahantungan, WORLD WAR III.

At ang pinakamatindi, ang pag-aagawan sa Asawa. Yup, asawa! Ang may kasalanan naman kasi dito ay yung nang timer! May asawa na nga, lumantod pa sa iba.

Alam niyo yung palabas sa TV na The Legal Wife o kaya ay Temptation of Wife? Ayun! Iyan ang example sa topic na ito.

Hindi ko na papatagalin pa, basta, huwag mang-aagaw at huwag magpapaagaw! Haha!

Tula ko..

Pang-aagaw

By risingservant

Oh Gloria! Malaki ka na

Napakaganda mo namang dalaga

Siguro may boyfriend ka na?

Hala, kinilig naman siya

Sa paglalakad mo

Lahat ay napapatingin sayo

Ang mukha mong napakaamo

Hinihiling na makamit ng maraming tao

Ngunit hindi ka nakuntento

Marami na ngang nanliligaw syo

Inagaw mo pa ang boyfriend ng kaibigan mo

Hindi ka ba naawa sa bff mo?

Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang talento

Kaya ipamalas mo ito

Ngunit dahil sa pagiging sakim mo

Lahat ng gustuhin mo ay aagawin mo

Huwag mang-agaw sa kapwa mo

Malay mo, may gumawa rin ng ganun sayo

Matuto ka sanang makuntento

Sa blessings na ibinigay sayo

I hope na nagustuhan niyo po ang mumunting tula na inaaalay ko para sa inyo.

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy na pagsubaybay! Enjoy and spread the word of God.

Comment and Vote!

Thank you!

Word of God

"Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag."

-Filipos 2:3

Mas mabuti and dalawa kaysa sa nag-iisa kung silang dalawa ay hindi nag-aaway.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon