Isa ka ba sa mga fan ng The Grudge at The Ring? Pwes, huwag niyo silang gagayahin. Baka mamaya ay na-impluwensyahan na nila kayo hehe...
Ang ating mga ginagawa ay depende sa kung anong environment mayroon tayo.
Kung mahilig kang manuod ng patayan, maaari mo ring ma-adopt ito kasi tumatatak sa utal natin kung ano ang ating pinapanood.
Na-iimpluwensyahan tayo ng mga pinapanood natin at sa mga taong nakapaligid sa atin. Sila ang humuhubog sa ating isipan na minsan dulot ng kuryosidad ay gusto nating subukan.
Siyempre hindi naman lahat ng tao ganun. Nasa tao naman iyan eh!
Ang revenge o pagganti po ay hindi tama. Wala naman tayong mapapala kung gaganti tayo diba? Makakasakit lang din tayo ng kapwa natin.
Lahat naman ng tao ay sumagi sa sa utak nila ang pagganti which is hindi tama.
Kung ako sa inyo, kapag mayroong taong gumawa ng hindi mabuti sa inyo, ipagdasal niyo na lang at huwag gantihan. Si Lord na bahala doon.
Tula ko..
Paghihiganti
By risingservant
Sa tindi ng iyong galit
Paghihiganti ay gustong makamit
Ang ngipin mo ay nagngingitngit
Na tila ba ang katawan nila'y gusto mong mahagupit
Walang patutunguhan ang iyong pagganti
Lalo na kung sa puso mo'y kadiliman ang namumutawi
Kalmahin ang iyong sarili
Para makapag-isip ng mabuti
Bakit ba laging revenge ang nasa isip mo?
Sana minsan man lang palambutin mo ang iyong puso
Hindi iang puro nguso
Na kung makapagsalita'y akala mo kung sino
Gusto mo bang magbago?
Pwes, makakamit mo ito
Buksan lamang ang iyong puso
At papasukin dito si Cristo
I hope worth it naman ang pagbabasa niyo nito kasi marami kayong matututunan at isabuhay niyo po sana ito.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat sa patuloy na pagbabasa! Isabuhay po ninyo ang inyong natutunan.
Comment and Vote po!
Thanks!
Word of God
"Ipanalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo."
-Lucas 6:28
Makatao ang paggawa ng kabutihan sa mga mabuti sa atin, makaDiyos naman ang pagsusukli ng kabutihan sa masama.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
EspiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...