Lahat ng tao dito sa mundo ay mayroong inggit na namumuhay sa kanilang mga puso.
Ang mga mahihirap ay naiinggit sa mga mayayaman at iniisip nilang hindi sila masyadong biniyayaan ng material na bagay at marangyang buhay.
Ang mga mayayaman naman ay naiinggit sa mahihirap dahil kulang sila sa pagmamahal at pagkalinga ng isang magulang.
Lahat tayo sa mundong ito ay pinanganak ng pantay-pantay. Lahat ng mayroon ka ay wala siya at lahat ng mayroon siya ay wala ka. Everything here on Earth is in God's control.
Marami tayong kinaiinggitan at gusto natin na mayroon din taying ganun. Be contented po.
Huwag tayong ma-inggit dahil wala itong magandang maidudulot bagkus ay makakasama pa ito sa atin dahil kapag ang inggit ay naghari sa puso mo, tiyak na magiiba na ang takbo nito.
Tanggalin po natin ang anumang inggit dito sa ating puso.
Tula ko..
Inggit
By risingservant
Oh 'kay sakit isipin
Ang taong mahal mo'y hindi ka kayang mahalin
Kaya ika'y nag-iisip ng malalim
Kung paano ka niya mamahalin
At dahil hindi ka niya kayang mahalin
Tingin mo sa sarili mo ay isang alipin
Pinagdarasal mo sa Diyos na ika'y dinggin
Na sana, ika'y kaniyang ibigin
At nang dahil sa inggit
Sinisisi mo ang langit
Ang iyong hiling ay hindi makamit
Kaya ngayon, ika'y nagngangalit
Nakita mo siyang masaya
Doon sa piling ng iba
Namutawi ang lungkot sa iyong mukha
Ngayo'y parang isang dukha
Lahat ng mayroon ka ay wala sila
Matutong makuntento sa kung anong mayroon ka
Magpasalamat sa biyayang natatanggap mo
Dahil darating din ang tamang tao para sayo
I hope po na nagustuhan niyo ang tulang ito. Isabuhay po ninyo ang inyong mga natututunan.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa pagbabasa at I hope nagustuhan niyo naman kahit papaano.
Comment and Vote po!
Salamat po!
Word of God
"Gamitin niyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay ng Diyos."
-Efeso 6:13
Nagbibigay ang Diyos ng pananggalang. Gamitin natin ito.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014

BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...