Lahat tayo ay mayroong kaniya-kaniyang kayamanan na ipinamana sa atin si Lord.
Mayaman ka sa Kaalaman.
Mayaman ka sa Talento.
Mayaman ka sa Materyal na Bagay.
Mayaman ka sa Pagmamahal.
Iyan ay ilan lamang sa mga kayamanang ipinamana sa atin ng Panginoon.
Unahin na natin ang Pagiging mayaman sa kaalaman.
Kilala niyo ba si Haring Solomon? Kung hindi, magbasa kayo ng Biblia ng malaman niyo hehe!
Mayaman si Haring Solomon sa kaalaman dahil ito ang hiniling niya sa Panginoon.
Yung mga taong matatalino, iyan mayaman sa kaalaman iyan pero dapat ang talino ay gamitin sa mabuting gawain hindi sa masama ok?
Yung iba kasi, ginagamit nila ang kanilang talino para manlamang sa kapwa na hindi naman tama.
Pangalawa, mayaman sa talento.
Ako po, mayaman sa talento haha! Maraming talent akong natanggap mula kay God kaya willing akong ibahagi ito sa inyo.
Through the talents I have, nakakapagserve ako kay God. Serving God is one of my way para maibalik ko sa kaniya ang lahat ng ibinigay niya sa akin tsaka para maparangalan ko siya.
Kaya kayo, kung may talent kayo at kung ano man iyan, ibahagi mo sa iba. Huwag kong sarilinin lang.
Pangatlo, mayaman sa materyal na bagay.
Kabilang na dito ang salapi o pera. Sabi nila, kapag mayaman ka, makokontrol mo ang iba.
Yup, maraming nagagawa ang pera. Pero kung pera lang ang kayamanan mo, ikaw na ang pinakamahirap sa mundo.
Materyal na bagay lang iyan! Hindi mo iyan madadala sa langit kaya ibahagi mo ito sa iba lalo na sa mga nangangailangan.
Maraming tao ang nasisilaw sa pera. At nang dahil sa pera, kahit pumatay ka ng tao ok lang sayo for the sake of money. Mali po iyon! Tukso lang iyan! Kaya dapat mong iwasan.
At ang huli, mayaman sa pagmamahal.
Huwag mong iisipin na walang nagmamahal sayo. Lahat tayo ay mahal ng Panginoon kaya nga sa sobrang pagmamahal niya sa atin, isinugo niya ang kaniyang anak para lang iligtas tayo sa ating mga kasalanan diba?
Eto naman ang kadalasang hinahanap-hanap ng mga mayayaman sa materyal na bagay. Oo nga, nasa iyo na ang lahat ngunit uhaw kanaman sa pagmamahal.
Ang sarap lang sa pakiramdam na maraming nagmamahal sayo na maaari mong i-treasure bilang iyong kayamanan.
Kaya hindi sapat ang kayamanang materyal kung wala namang nagmamahal sayo diba? Kaya lahat ng yaman na mayroon tayo, i-share po natin sa iba.
I hope na nagustuhan niyo po ang ating tinalakay ngayon at may natutunan kayo. Isabuhay po natin ito at let's spread the word of God.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagsubaybay dito. I hope na marami kayong natutunan kaya ibahagi sa iba ang natutunan niyo.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Hindi mo nalalamang ikaw ay aba, kahabag-habag, maralita, bulag at hubad."
-Pahayag 3:17
Kung pera lang ang yaman mo, ikaw na ang pinakadukha.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...