Interesting ba ang topic natin ngayon? Hehe.. I hope marami kayong matutunan dito.
Talaga nga namang masyado ng makasalanan ang mundo. Marami mga karumaldumal na pangyayari ang ating napapanood sa television.
Kung iyong ihahalintulad ang mga kabataan noon at ngayon ay talagang malaki na nga ang pinagkaiba.
NOON
Ang kabataan ay sumusunod sa utos ng kaniyang magulang.
NGAYON
Nagdadabog pa kapag naabala sa kaniyang ginagawa at kung anu-ano pa ang sinasabi.
NOON
Tuwing may makakasalubong na kamag-anak sa paligid ay magmamano o kaya naman makikipagbeso-beso.
NGAYON
Kapag may nakasalubong na kamag-anak sa daan ay hindi man lang pinapansin, para bang hindi niya ito kakilala.
NOON
Kapag may nakitang uugud-ugud na tatawid sa daan at nahihirapan ay mayroong nagkukusang tulungan ito.
NGAYON
Kapag may nakitang matandang uugud-ugud sa daan ay hahayaan lang. Dead kumbaga.
NOON
Sa oras ng sermon ng kaniyang magulang ay tahimik lang sa isang sulok at tinatanggap ang lahat ng sinasabi nito.
NGAYON
Sa oras ng sermon ng kaniyang magulang ay sumasagot pa at kinakalaban ito.
Ganiyan na po kalala ang mga kabataan ngayon. Halos lahat ay hindi alam ang salitang "Respect".
Maswerte ka kapag nakahanap ka pa ng taong magalang ngayon tsaka yung full of respect sa katawan. Haha!
Magbibigay ako ng halimbawa.
Una, ang isang binata ay nakakita ng magandang dalaga sa daan.
Ano po sa tingin niyo ang gagawin niya?
A. Lalapitan at hihingin ang number?
B. Sisipulan?
C. Sasabihing, "Ganda natin Miss ah!"
D. Babastusin?
Iyan lamang ang mga posibilidad na gawin ng isang binatang lalaki.
Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito ang mga kabataan ngayon. Marahil hindi well discipline? Siguro!
Respect each other lang lalo na ang ating mga magulang. Kapag ang pagrespeto ay hindi mo alam, malamang pati sarili mo ay hindi mo kaya irespeto.
Kaya po ikaw na nakakabasa nito, magcomment ka po kung ano ang iyong reaksyon! Haha!
Tula ko..
Respeto
By risingservant
Ang bawat isa sa lipunang ito
Ay gustong makamit ang respeto
Panget man
Respetuhin mo naman
Maganda o Gwapo ka man
Respeto'y iyong kailangan
Ito'y hindi tungkol sa kung ano ka man sa lipunan
Respeto'y magtutuwid sayo sa tamang daan
Ang higit sa lahat
Ika'y huwag magbuhat
Magulang mo'y sundin
At huwag isipin na ika'y isang alipin
I hope nag-enjoy kayo kahit papaano haha! Thanks for reading..
Huwag maaga pa ay magbago ka na! Huwag mo ng palalain pa! Respect yourself! And also others! Kung wala ka nito at gusto mo ng magbago. Just call upon him. And say...
Lord, Patawad! I want to change! Clean me with your
Blood!
Just repent..
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Marami ng kabataan ang napapariwara ngayon. Ako'y isang kabataan dn naman. Kaya ako nandito upang tulungan kayo kaya huwag kayong mahiyang lumapit sa akin kapag may problema kayo. Tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya. I am willing to help you!
Word of God
"Igalang niyo ang inyong ama't ina."
-Efeso 6:2
Dapat nating igalang ang ating magulang habambuhay.
Huwag nating sasayangin at papalampasin
Mga pagkakataong ibinigay sa atin
Igalang ang magulang at sila'y sundin
Dahil hindi habambuhay na sila ay kapiling
-Sper
God Blessed Us!
![](https://img.wattpad.com/cover/14934538-288-k222933.jpg)
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...