Seven - Paninigarilyo

1K 105 21
                                    

Naririto na naman ako! Haha! I like the topic! Tiyak na marami diyan ang tatamaan hehe!

Bakit ko nga ba naisinggit dito ang paninigarilyo?

Una, it is dangerous to your health.

Pangalawa, marami akong nakikitang bata na 12-13 yrs old pa lang gumagamit na nito and worst, below pa diyan.

Pangatlo, impluwensya ng barkada

Pang-apat, gusto ko kayong magbago.

Ok, simulan na natin!

Mabait po ako! Sumusunod ako sa Parents ko! Wala akong Bisyo! Kaya naman gusto kong magshare sa inyo.

At dahil nga Born Again Christian ako since birth, nakasanayan ko ng gawin ang mga tamang gawin at iwasan ang hindi magpapainam sa akin.

Ang pagtake ng sigarilyo sabi nila ay appetizer daw nila o pangpatanggal ng suya according sa mga kabataang napagtanungan ko.

Yung iba naman ay pampalipas oras daw nila kapag walang ginagawa kaya higit pa sa isang kaha yung nauubos nila.

Ano nga ba ang reason kung bakit naaadik ang mga tao at karamihan ay mga kabataan mapalalaki o babae man? Iyan ang tanong na laging nasa isip ko.

May napagtanungan akong isang kabataan lalaki 14 year old. Sabi niya ay pinasubukan daw sa kanya ng Kuya niya na humithit tapos ayun boom! Noong una daw ay nauubo pa daw siya pero once na nasubukan mo daw ay talagang hahanap-hanapin mo. Kaya ngayon, hindi daw kumpleto ang araw niya kapag hindi nakapagtake ng sigarilyo.

I wonder kung bakit ba hahanap-hanapin mo ang isang bagay na nasubukan mo ng i-try. Hahaha! Ayoko pong subukan! Baka magkasala pa ako! Hehe!

Sabi nga nila "Curiousity kills the cat." At naniniwala ako dito at dahil sa pagiging curious mo ay nalalagay ka sa alanganin.

Sabi rin nila na one stick of cigarette sa bawat pagtake mo nito ay nababawasan ng isang segundo ang iyong buhay. I don't know kung maniniwala ako dito pero ang alam ko lang sa bawat pagtake mo nito, unti-unti mong pinapatay ang iyong sariling katawan.

Kaya kung ako sa inyo, magnabagong buhay na ako kung mahal niyo ang sarili niyo. Maaga pa naman eh! Hindi pa huli ang lahat!

Pangalawa, naaawa ako sa mga batang sa murang edad ay bihasa na sa paninigarilyo.

Tiyak na kulang sila sa gabay ng magulang kaya sila nagkakaganun o kaya naman ay mayroong problema sa pamilya kaya nagrerebelde.

Hindi po sagot ang pagrerebelde kung mayroon man kayong hindi pagkakaunawaan sa pamilya. Maraming way para malutas ito.

Ako, ni minsan ay hindi ko naisipang magrebelde sa mga magulang ko kasi I LOVE THEM VERY MUCH. Nagpapasalamat ako kay God kasi hinihipo niya ang aking puso sa tuwing nagagalit ako kaya ang galit ay napapalitan ng kaligayahan. Ako pa mismo ang gagawa ng way para makapagsorry hehe!

Pangatlo, at dahil sa mga bad influence mong barkada, ikaw din ay nagagaya sa kanila.

Ayan ang mahirap kapag sinabi ng barkada mo na subulan mo hindi ka makaayaw kaya ayun susubukan mo rin hanggang sa hanap-hanapin mo na.

Kagaya nga ng sinabi ko sa ating nakaraang talakayan, be wise sa pagpili ng barkada.

Pang-apat, I want you to change right now!

"Our body is the temple of the holy spirit."

Wala tayong karapatan para sirain ang ating katawang lupa. Hindi natin ito pag-aari. Kaya kung may isip ka, alam mo kung ano ang tama at mali!

If you want to change right now just bow down and open your heart to the Lord at papasukin niyo siya diyan sa puso mo. Make Him as your personal Savior at siya lang ang dapat maghari sa inyo.

Repent to the Lord our God. Kneel down and say Lord, Patawad! Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Tiyak, gagaan ang loob niyo.

Tula ko..

Paninigarilyo

By risingservant

Oh Romeo!

Bakit ka nakalbo?

Dahil ba sa pagiging matalino?

O dulot ng paninigarilyo?

Sinabi ko na sayo

Huwag humithit ng todo-todo

Ayan tuloy, nagkasakasit ka sa bato

Sana ngayon, ika'y matuto

Isang segundo ba kamo?

Huh, mali ang tinuran mo!

Higit pa diyan ang pagdadaanan mo!

Mas matindi pa sa pag-ubo!

Bakit ba ang tigas ng bungo mo?

Kailangan mo pa bang mawala dito sa mundo?

Para marealized mo

Ay, "kasalanan ko ito."

I hope na mayroon po kayong natutunan sa akin kahit na papaano hehe!

-------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat sa pagbabasa! Comment and Vote po! Salamat!

Word of God

"Hindi mo makakayang mag-isa."

-Exodo 18:18

Kung hindi magpapahinga, kakapusin ng hininga.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon