Ngayon naman ay dumako tayo sa pagiging tambay. Sa tingin niyo, kasalanan ba ang pagiging tambay?
Kung ako ang tatanungin niyo, ang sagot ko po ay oo. At bakit? Dapat po kasi ay responsable tayo tao eh dahil nagiging irresponsable ka, ayan tuloy, naging tambay ka.
Eh paano naman yung mahihirap talaga? Kasalanan ba nila ang pagiging mahirap kaya naging tambay tuloy sila?
Bilang tao, ang isang mahirap ay maaaring umunlad kung siya ay magsisikap at higit pa doon ay kung determinado talaga siya para makaahon sa kahirapan at para umasenso. Gagawin niya ang lahat para maging successful at hindi agad sumusuko. Opinyon ko lamang po ito.
Ang pagtutuunan natin ng pansin dito ay ang pagiging tambay ng isang kabataan. Bakit nga ba nagiging tambay ang isang kabataan?
1. TUMIGIL SA PAG-AARAL
(Maraming reason kung bakit tumitigil sa pag-aaral ang isang tao. Una na diyan ay dahil sa financial problem. Pangalawa, binubully sa school. Iyan ay dalawa lamang sa kadahilanan kaya sana ay magkaroon ito ng solusyon)
2. HINDI NAKAPAG-ARAL
(Eto ang reason ng mga mahihirap dahil sasabihin kapos sila masyado. Ang lahat ng problema ay may solusyon. Kung ayaw, may dahilan! Kung gusto, laging may paraan!)
3. MAY PROBLEMA SA PAMILYA
(Eto ang isa sa pinakamahirap na dahil lalo na't pamilya pa ang pinag-uusapan. Much better po sana kung open ang bawat miyembro ng pamilya sa isa't isa kaso bihira lang po ang ganyan sa ngayon)
4. NAIMPLUWENSYAHAN NG KABARKADA
(Kapag kaibigan o kabarkada na ang nagyaya sayo, tiyak na hindi mo sila hihindian kasi ayaw niyong mapahiya sa kanila na Mama's Boy or Daddy's Girl kayo. Iyan lang ang naging obserbasyon ko)
5. TINATAMAD
(Eto ang pinakamatindi sa lahat kapag tinamad ka. Tinamad ka ng mag-aral, tinamad ka na sa bahay dahil sa sobrang boredom, tinamad ka sa paggawa ng gawaing bahay dahil mas nag-eenjoy ka kasama ang mga kabarkada mo kaysa pamilya mo)
Iyan po ay base lamang sa aking mga na-obserbahan sa paligid-ligid.
Sino bang ginustong maging tambay lang habang buhay? Wala diba? Nasa pagsisikap iyan para umasenso tayo. Kaya ipagdasal natin na good opportunities ang mga darating na blessings sa atin.
Tiyak na sa huli ka magsisisi kung naging tambay ka habang buhay at nakikita mo yung ibang tao na umaasenso tapos ikaw, ganun pa rin ang buhay at walang pinagbago. Kaya habang maaga pa, magbago na tayo at magsisi and say...
Lord, Patawad!
Tula ko...
Pagiging Tambay
By risingservant
Ikaw ba'y natutuwa sa pagkalugami?
Hindi ka ba nagsisisi?
Kasalanan mo rin iyan
Kaya habang maaga pa ay bumangon sa iyong kinahihigaan
Tambay dito, tambay doon
Anong bagay ang maipagmamalaki mo na ika'y mayroon?
Huwag magpa-impluwensya sa iba
Bagkus ikaw ang mag-impluwensya sa kanila
Pagiging tambay kay sakit sa tainga
Kaya gumising ka at buksan ang yong mga mata
Habang maaga pa ay magpunyagi na
Nang kinabukasan mo ay maging masagana
Sana po ay nagystuhan niyo ang mumunting tula na para sa inyo. Bow!
Kumilos na tayo habang maaga pa. Huwag kayong umasa sa iba! Matutong tumayo sa sariling mga paa.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Sana po ay magising kayo sa katotohanan. I hope nagustuhan niyo kahit na papaano.
Comment and Vote po!
Word of God
"Huwag ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan."
-Roma 6:12
Hindi tayo iniligtas ng Diyos para magkasala.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
![](https://img.wattpad.com/cover/14934538-288-k222933.jpg)
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...