Sa panahon ngayon, mahirap ng ibigay ang salitang trust dahil sa nagkalat ang mga taong sinungaling at manloloko.
Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa panloloko.
Maraming uri ng panloloko at dahil kabataan ang target ko, pag-uusapan natin panloloko tungkol sa pag-ibig.
Naranasan mo na bang pagtaksilan ng iyong boyfriend/girlfriend at napag-alaman mong niloloko ka lang niya at hindi ka niya mahal?
Diba ang sakit? Pinagkatiwalaan mo siya tapos lolokohin ka lang pala.
Mag-ingat po tayo at maging mabusisi sa pagpili ng taong ating pagkakatiwalaan. At pagdating naman sa love, may right time para diyan huwag kang magmadali! Enjoy mo muna pagiging teenager mo dahil kapag nagmadali ka, tiyak na masasaktan ka lang.
Maraming manloloko diyan sa paligid kaya dapat maging aware tayo lalo na tayong mga kabataan.
Tula ko..
Panloloko
By risingservant
Diyan ka ba masaya?
Ang manloko ng iba
Eh kung ikaw kaya ang lokohin ko?
Malagpasan mo kaya ang mga pagsubok na pinagdaanan ko?
Iyan lang naman ang alam mo
Ang paglaruan ang damdamin ng ibang tao
Wala ka bang konsensiyang naiwan diyan sa utak mo?
Kaya okay lang sayo na makasakit ng damdamin ng isang tao?
Masyado ka kasing pafall
Tapos call ka pa nang call
Kaya noong iniwan mo siya sa mall
Ayun sumakay sa wrecking ball
Kung laro lang ang hilig mo
Pwes, doon ka sa playground at makipaglaro sa damo
Masyado ka ng manloloko
Kaya ang dapat sayo ay isilid sa sako
Huwag kang manloloko ng ibang tao
Gusto mo bang sumaya ang buhay mo?
Pwes, lumuhod ka ngayon sa iyong amo
Sabihing, "Lord, Patawarin mo ako!"
I hope po na may natutunan kayo kahit papaano sa mumunting tula na para sa inyo.
-------------------------------------------
Elmo's Note:
Salamat po sa pagbabasa! Marami bang nakakarelate diyan? Hehe!
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
"Ang sinumang iinom ng tubig na ibinibigay Ko ay hindi na muling mauuhaw."
-Juan 4:14
Si Jesus lamang ang tanging makakapawi ng uhaw ng ating kaluluwa.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Lord, Patawad
SpiritualLahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makasalanan? Dahil na-impluwensyahan? Na tukso? Etc. Pero kaya ba ng konsensya niyo na araw-araw, oras-or...